SURVEY, CELEB ENDORSEMENT BABANTAYAN NG COMELEC

PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na subaybayan ang political survey na maaaring makaimpluwensya sa mga botante sa darating na eleksyon 2025.

Susubaybayan din ng komisyon ang endorsement sa mga kandidato ng celebrities at influencers at hindi tatanggapin ang karaniwang dahilan o excuse na libre ang pag-endorso.

Kailangang ideklara ng mga kandidato ang gastos sa kanilang Statement of Contributions at Expenditures na isasapubliko ng Comelec.

Idinagdag pa ng poll body na tinitingnan din nito ang pagsubaybay sa political surveys.

Lumagda ang Comelec at Tiktok sa isang memorandum of understanding para labanan ang disinformation sa social media app.

Naglunsad din ang TikTok ng election center na makikita sa app kapag naghanap sila ng impormasyon sa 2025 polls.

Nilagdaan din ng Comelec ang isang memorandum of agreement sa National Commission on Indigenous Peoples para palakasin ang partisipasyon ng mga katutubo sa halalan at protektahan ang kanilang mga karapatan. (JOCELYN DOMENDEN)

27

Related posts

Leave a Comment