SUSPEK SA PAGBARIL SA ANAK NG PULIS, TARGET NG MANHUNT

SINISIKAP ng mga kagawad ng Philippine National Police na matukoy ang pagkakakilanlan at madakip sa lalong madaling panahon ang lalaking responsable sa pagbaril sa limang taong gulang na batang anak ng isang pulis sa Lucban, Quezon.

Ayon sa ulat, sugatan ang anak na babae ng isang pulis nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang motorcycle riding gunman sa bayan ng Lucban nitong Lunes, habang naglalaro kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa veranda ng kanilang bahay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dumating ang suspek sakay ng isang Honda Click motorcycle at walang sabi-sabing nagpaputok ng dalawang beses gamit ang isang pistola.

Kasalukuyang nagsasagawa ng backtracking at review ang mga awtoridad sa CCTV footages sa mga lugar na posibleng dinaanan ng suspek na mabilis na nakatakas.

(JESSE KABEL RUIZ)

17

Related posts

Leave a Comment