SUSTANSYA NG BALUT

BALUT-2

NAPAKARAMING street food ng mga Pinoy na hinding-hindi pwedeng mawala o mapalitan, isa na rito ang balut.

Ang balut ay isang ‘fertilized duck embryo’ na maaaring mabili sa mga naglalako nito sa kalsada pagsapit ng gabi.

Ito ay isa lamang sa mga agaw-pansin na ‘street food’ lalo na sa mga turistang nagpupunta ng ‘Pinas dahil sa ‘unique’ nitong lasa at itsura kapag ito ay binalatan na.

Halos lahat ng mga Pinoy ay kumakain nito, pang merienda man o panghimagas. Dahil sa sobrang mura at instant na panglamang tiyan, patok na patok sa atin ang balut, samahan mo pa ng asin o kaya’y suka.

Pero alam ninyo ba na mayroong mga benepisyong makukuha sa pagkain ng sikat na sikat na balut? Narito ang ilang mga dahilan kung bakit kailangan nating kumain ng balut.

PUWEDENG ISAMA SA DIET

Ang balut ay mayroon lamang 188 calories, ibig sabihin maganda itong pagkunan ng energy.

Ang energy na ito ay gagamitin ng atin katawan para manatiling aktibo sa mga ginagawa. Binubuhay rin nito ang ating cells at nakatutulong din sa paggana ng ating internal organs.

SOURCE NG PROTEIN

Ang balut ay mayroong protein na nakatutulong sa pag-repair ng tissues at iba pang parte ng katawan gaya ng buto, muscles, balat, dugo at mga cartilage.

SOURCE NG IRON

Ang balut ay mayroong 2 milligrams ng iron. Ito ay nakatutulong sa sirkulasyon ng ating dugo.

SOURCE NG CALCIUM

Mayroong 116 milligrams calcium ang balut. Ang calcium ay tumutulong sa pagpapatibay ng ngipin at nagsisilbi ring proteksyon laban sa osteoporosis at maging sa cancer.

May kakaiba mang itsura ang balut at ‘weird’ man para sa ilan, kapag ito ay inyong natikman, tiyak na malalaman kung bakit ito ang ‘all-time favorite’ ng mga Pinoy. At siyempre ‘wag mo ring kalimutan na mayroon din itong benepisyo sa ­ating katawan.

2179

Related posts

Leave a Comment