(NI JESSE KABEL) PINAGPAPALIWANAG ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyales ng may 1,129 barangays dahil umano sa kabiguan nila na makiisa sa rehabilitasyon ng Manila Bay, ayon kay Interior Undersecretary Martin Diño. Babala pa ni Diño, sasampahan ng reklamo ang mga barangay officials sa tanggapan ng Ombudsman sa oras na mabigo silang magpaliwanag sa loob ng limang araw na isinasaad sa inilabas na show-cause order. Una rito, inatasan ng DILG ang mga opisyales ng may 5,700 barangays sa Metro Manila at mga karating bayan…
Read More