(NI BERNARD TAGUINOD) GAGAPANG na sa buong bansa ang Martial Law kapag tuluyang naisailalim sa batas militar ang Negros Oriental dahil umano sa mga patayan sa nasabing probinsya sa mga nagdaaang mga araw. Ito ang ibinabala ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate dahil hindi isinasara ng Palasyo ng Malacanang ang posibilidad na isailalim sa martial law ang lalawigan ng Negros Oriental. “They are already setting the stage for that (martial law sa buong bansa),” ani Zarate lalo’t nagsisimula na rin umano ang patayan sa Bicol region kung saan 63…
Read MoreTag: Bicol
‘USMAN’ NAG-IWAN NG P2-B PINSALA
TINATAYA sa P2 bilyon ang napinsala ng bagyong ‘Usman’ kung saan umaabot sa 126 katao ang nasawi at 60 ang sugatan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Umaabot naman sa 140,105 pamilya o 624,236 indibidwal – sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, at Eastern Visayas Region – ang apektado ni ‘Usman’ kung saan 13,135 pamilya ang nasa evacuation center at 22,633 pa ang nasa ibang kalinga. Pininsala rin ni ‘Usman’ ang 6,005 bahay at sumira ng 114 kalsada at tatlong tulay. Sa mga apektadong tulay at kalsada, 87 nang…
Read MoreDTI NAKAMONITOR SA PAGTAAS NG BILIHIN
WALANG inaasahang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lalawigan na sinalanta ng bagyong ‘Usman’, partikular sa Eastern at Visayas, at Bicol Region, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sinabi ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na agad silang nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga apektadong lugar upang mabatid kung may mga negosyanteng nananamantala pa ng mga nabiktima ng kalamidad. Nagbabala rin ang ahensiya sa mga mahuhuling nagtaas ng bilihin. Sinabi rin ni Lopez na walang dahilan para mag-panic ang mga mamimili dahil…
Read MoreTESTIGO SA BATOCABE SLAY DUMARAMI
PATULOY ang pagdami ng pagpaaabot ng kahandaang makipagtulungan at maging testigo sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe. Inamin ng Philippine National Police na ilang katao na ang tumawag o nag text para sa agarang paglutas sa kaso. Ang inaasahang paglutang ng mga testigo ay magandang development sa kaso dahil mas mabibigyan umano ng linaw ang pagpaslang kay Batocabe at aide na si SPO3 Orlando Diaz Umaasa naman ang pamilya Batocabe na mabilis na malulutas ang kaso dahil sa pinakabagong development na ito. Naglaan ng umaabot sa P50-M…
Read More2 SAKSI SA BATOCABE SLAY NASA PNP NA
DALAWANG witness sa pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang nasa pangangalaga na ng pulisya. Nakuhanan na din umano ng salaysay ang mga ito na malaking tulong upang makilala ang mga nasa likod ng krimen. Naniniwala ang pulisya na ang P50 milyon reward sa makapagtuturo sa mga suspect at matinding pagmamahal ng mga supporters kay Batocabe ang dahilan sa mga dagdag impormasyong natatanggap sa ikalilinaw ng kaso. Wala pang malinaw na anggulo sa Batocabe killing ngunit naniniwala ang pulisya na malapit na nilang mabuo ang tinututukang anggulo sa…
Read More2 ARTIST SKETCH SA BATOCABE SLAY INILABAS
NAGPALABAS na ang Bicol Region ng artist sketches ng dalawang suspect sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe. Ang kongresista, kasama ang police aide na si Orlando Diaz, ay binaril at napatay noong December 22 habang paalis sa gift giving event sa Daraga, Albay. Ayon sa inisyal na report, mayroong anim katao na minamatyagan ang mga imbestigador sa harap ng P50 milyong reward sa sinumang makapagtuturo o makakapagbigay ng anumang impormasyon sa ikalulutas ng krimen. Ang artist sketches ay ginawa ng National Bureau of Investigation sa harap ng special…
Read More