(PeryodikoFilipino Reportorial Team) SUMASANG-AYON ang mga Filipino na banta sa pangkalahatang seguridad ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa Pilipinas. Batay sa pinakahuling nationwide poll ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 27-30 sa may 1,800 adults, 27% ang mariing sumasang-ayon at 25% ang bahagyang sumasang-ayon na ang dumaraming Chinese nationals na nagtatrabaho sa bansa ay banta sa pangkalahatang seguridad. Naitala rin na karamihan sa mga Pinoy ay naaalarma sa dumaraming bilang, kung saan nasa 31% ang nagsabi na labis silang nag-aalala, 39% ang medyo nababahala, 19% ang…
Read MoreTag: Chinese workers
PALASYO TINIYAK NA MAS PAPABORAN ANG PINOY SA CHINESE WORKERS
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na laging una ang mga Pinoy workers bago pa man ang ibang nasyunalidad, partikular ang Chinese nationals. Ito ay makaraang lumitaw sa survey na karamihan sa mga Filipino ay nangangamba sa pagdagsa ng mga Chinese worker sa bansa. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ipatutupad ang mahigpit na immigration at labor policies sa foreign workers. “The Filipino people are assured that this administration is strict in enforcing the law, especially those pertaining to our immigration and labor policies,” sabi ni Panelo. “The President, as…
Read More120 CHINESE WORKERS NA-DENGUE SA BATAAN
(NI JAY-CZAR LA TORRE) BATAAN – Umabot sa 120 manggagawang Chinese national ang tinamaan ng sakit na dengue sa Bayan ng Mariveles, ayon kay Dr. Godofredo Galicia, Jr. miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. Base sa datos ng Bataan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit, sa 400 kabuuang bilang ng kaso ng dengue sa buong lalawigan, 120 ay nagmula sa GN Power Coal Plant kung saan nagtatrabaho ang mga banyagang manggagawa. Sinabi rin ni Dr. Galicia na lumalabas sa pag-iimbestiga ng mga kawani ng panlalawigang kalusugan, kakulanganan sa kalinisan ang pangunahing sanhi ng…
Read MoreCHINESE WORKERS DAPAT MAGBAYAD NG BUWIS – RECTO
(NI ESTONG REYES) INIHAYAG ni Senate President Protempore Ralph Recto na suportado ng Senado ang plano ng pamahalaan na tugisin ang libu-libong Chinese workers na hindi nagbabayad ng buwis. Sa pahayag, sinabi ni Recto na dapat walang “great wall” na magbibigay proteksiyon sa mga Chinese workers sa pagbabayad ng income tax na kinita dito sa Pilipinas. Aniya, kailangan ang ultimatum ng finance department sa Chinese employees at employers sa sundin ang batas sa pagbubuwis ng bansa na isang tamang pamamaraan upang maitaas ang kita dahil kailangan munang mangolekta ang pamahalaan…
Read More106 CHINESE WORKERS DINAKMA SA LAGUNA
(NI NILOU DEL CARMEN) INILAGAY sa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa 106 na mga Chinese nationals na hinihinalang ilegal na nagtatrabaho sa pagawaan ng electronic products sa Laguna. Huwebes ng umaga nang suyurin ng mga tauhan ng Biñan police at mga ahente ng Immigration Bureau ang tanggapan ng Smartwin Technology Incorporated sa Southwoods, Biñan. Natuklasan na karamihan sa mga workers dito ay mga Chinese national. Ayon kay Lt. Col Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, dadalhin sa tanggapan ng Bureau of Immigration sa Maynila ang mga Chinese workers para idaan…
Read MoreDU30 BILIB SA WORK ETHICS NG CHINESE WORKERS
(NI BETH JULIAN) AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na malayo ang Pilipinas sa tinatamasang kaunlanran ng bansang China. Ito ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa dinaluhan itong miting de avance, kung saan diretsahang sinabi nito na bilib siya sa work ethics ng mga Chinese at sa maunlad na ekonomiya ng China. “Tignan ninyo ang China, malayo pa natin kumpara sa progress nila. Tignan niyo magtrabaho ang mga Tsino. Lumilipad nga ang mga plato sa bilis because ang work ethics nila, kapag trabaho, trabaho talaga. ‘Yan ang advantage nila,” wika…
Read More‘CHINESE WORKERS BANTA SA MGA BAGONG GRADUATE’
(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG mawawalan ng pagkakataon ang mga bagong graduates ngayong taon na magkaroon ng trabaho dahil sa pagdagsa ng mga illegal Chinese workers sa Pilipinas. Ito ang kinatatakutan ni Kabataan party-list Rep. Sarah Elago dahil noong 2018 aniya ay halos kalahati sa mga fresh graduates ang hindi nakahanap na trabaho kaya ang pagdagsa ng mga Chinese workers ay lalong magpapahirap sa mga magtatapos ngayong taon. Hindi nagbigay ng eksaktong datos ang tanggapan ni Elago kung ilan ang magtatapos sa senior high school at kolehiyo noong 2018 subalit kung…
Read MorePALASYO KUMAMBYO VS ILLEGAL CHINESE WORKERS
KUMAMBYO ang Palasyo sa naunang sinabing hayaang magtrabaho sa bansa ang mga illegal Chinese workers at sa halip ay iniba ang ihip ng hangin at idiniin na mananagot sa batas ang sinumang nagtatrabaho nang illegal sa bansa. Naunang sinabi ng Pangulo na hindi siya pabor na paalisin ang mga illegal Chinese workers sa bansa sa pangambang gumanti ang bansang China at pauwiin ang may 300,000 Pinoy workers na nagtatrabaho roon. Sa panayam, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na ipapatupad ang batas sa sinumang Chinese workers na illegal na nagtatrabaho…
Read MoreP5K LAGAY SA BI KAPALIT NG TRABAHO SA PINAS
(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senador Joel Villanueva ang nangyayaring lagayan sa Bureau of Immigration (BI) sa pagkuha ng special working permit (SWPs) sa mga dayuhang nais na magtrabaho sa bansa partikular ang mga Chinese nationals. Ayon kay Villanueva, napatunayan nito na kapalit ng P5,000 ay mapapabilis ang pagpapalabas ng SWP sa isang dayuhan subalit wala itong kapalit na resibo mula sa BI. Aniya, nang tumawag ang opisina nito sa BI satellite office sa SM Aura at nagtanong kung papaanong makakakuha ng special working permit ay agad na makukuha sa…
Read More