(NI HARVEY PEREZ) NANANATILING nasa una at pangalawang puwesto sa senatorial race sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe sa partial and unofficial results ng Commission on Elections (Comelec) Transparency server. Sa pinakahuling resulta na inilabas dakong alas 9:08 ng umaga , nasa 98.08 na ang pumasok na election returns. Sa resulta, nabatid na si Villar ay nakakuha ng 25,080,955 boto,habang si Poe ay 21,890,811 boto. Si dating Special Assistant to the President Bong Go ang nasa ikatlong puwesto na may botong 20,409,479. Sumunod naman sina : Taguig Representative Pia Cayetano:…
Read MoreTag: COMELEC
PUBLIKO HINIMOK SA PROTESTA VS COMELEC
(NI ABBY MENDOZA/PHOTO BY LUCAS LUKE) HINIKAYAT ni Anakpawis Party-list Rep. Ariel Casilao ang publiko na makiisa sa kilos-protesta laban sa iregularidad sa 2019 midterm elections na hindi inaksyunan ng Commission on Elections (Comelec). Ayon kay Casilao, naging tahimik ang poll body sa mga reklamo ng pandaraya at vote-buying gayundin ang discrepancies sa halalan gaya ng nangyari sa Bayabas, Surigao Del Sur kung saan sinasabing isang boto lang ang nakuha ng Anakpawis sa kabila ng marami silang volunteers. Aniya, nadungisan ang integridad at kredibilidad ng resulta ng eleksyon dahil sa…
Read MoreGRADO NI SOTTO SA COMELEC: PASADO!
(NI NOEL ABUEL) KUNG si Senate President Vicente Sotto III ang tatanungin ay pasadong grado ang ibibigay nito sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng katatapos lamang na 2019 midterm elections at sa kasalukuyang pagbibilang ng mga boto. Ito ang sinabi ng lider ng Senado kung saan ang pagiging proactive ng mga opisyales ng Comelec ay isang magandang pangyayari ngayong katatapos ng eleksyon. “I am satisfied with the performance of the Comelec. They have been very proactive contrary to what others are saying. Nakikita ko, very forceful pa nga. The…
Read MoreDAGDAG KOMPENSASYON HIRIT NG MGA GURO SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN sa Commission on Elections (Comelec), ang grupo ng mga titser na bigyan sila ng dagdag na kompensasyon at overtime rates para sa karagdagang oras na iniukol nila sa pagseserbisyo sa May 13 midterm elections. Ito ay base sa liham na ipinadala nitong Biyernes ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na naka-address kay Comelec chair Sheriff Abas at pirmado ng Secretary General nito na si Raymond Basilio. Iginiit ng grupo na dapat lamang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang libu-libong guro, na gumanap bilang board of election…
Read MoreMANUAL AUDIT SA PARTY-LIST VOTES INIHIRIT
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) NAGKAISA ang iba’t ibang party-list organization na hindi nakakuha ng sapat na boto noong nakaraang eleksyon na isama ang boto ng party-list sa random manual audit (RMA) ng Commission on Elections (Comelec). Sa pangunguna ni Akbayan chairperson emeritus at dating Rep. Etta Rosales, nangalap ang mga ito ng petition signature sa iba’t ibang grupo sa Comelec para isama ang party-list votes sa RMA. Kabilang sa mga grupong ito ang Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka, Nuwhrain, Alyansa, Student Council Alliance of the Philippines, Sentro ng…
Read MoreSUPPLIERS NG MAKINARYA NG ELEKSIYON IPATATAWAG NG COMELEC
(NI MINA DIAZ) PAGPAPALIWANAGIN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga supplier ng mga pumalpak na kagamitan sa ginanap na 2019 na halalan. Nabatid na ang supplier ng Vote Counting Machines (VCMs) na S1 ay subsidiary ng isang malaking kompanya, habang ang supplier ng mga Voters Registration Verification Machine (VRVM) ay ang “Gemalto”, isang Italian company ngunit katuwang ito sa Pilipinas. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez kailangang ipaliwanag nila dahil maraming lugar ang nakaranas ng problema sa VRVM. Gayundin, mahigit 1,000 naman ang pumalyang SD cards na kinailangang palitan…
Read MoreKANDIDATO PINAGSUSUMITE NG SOCE SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) PINAALALAHANAN nitong Miyerkoles ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng kumandidato sa national at local elections, kaugnay sa pagsusumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE). Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez, hindi lamang ang mga nanalo ang dapat magsumite ng SOCE kundi maging ang mga natalong kandidato. Base sa resolusyon ng Comelec, dapat na maisumite ang SOCE sa kanilang tanggapan hanggang sa Hunyo 12, o 30-araw matapos ang halalan. Sa SOCE ay dapat na idetalye ng mga kandidato ang tinanggap nilang mga donasyon at…
Read MoreMANUAL AUDIT TATAPUSIN SA LOOB NG 15-ARAW
(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ng 12 hanggang 15 araw ang official na Random Manual Audit (RMA) sa naganap na national and local elections nitong Lunes. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissiomer Luie Guia, ang mga teachers ang mag-audit ng mga ballot boxes sa may 715 polling places sa bansa. Magsisimula ang RMA, alas 8:00 ng umaga at magtatapos alas 8:00 ng gabi at gagawin sa Diamond Hotel sa Maynila. “Ang tinitingnan lang talaga is kung tama yung pagbibilang ng boto nung makina ayan yung first objective ng RMA– para…
Read MoreMANUAL ENCODING NG PPCRV UMPISA NA
(NI DAHLIA S. ANIN) INIANUNSIYO na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsisimula ng manual encoding para sa nga printed election return, nitong Martes. Ayon kay Agnes Gervacio, media director ng PPCRV, ang mga volunteers nilang estudyante na galing sa Asia Pacific College ay nagsasagawa ng validation process kung saan maikukumpara at maichi-check nila kung nagkakatugma ba ang mga electronically transmitted results na ipinakikita sa kanilang mga screens sa loob ng kanilang command center sa Maynila. Sinabi rin ni Gervacio na ang actual election returns ay pinipick-up…
Read More