(NI HARVEY PEREZ) LUMOBO pa ang bilang ng mga pumalpak na vote counting machines (VCMs) at security digital (SD) cards ngayon midterm polls. Sinabi ni Commission on Election (Comelec) chair Sheriff Abas, sa isang press briefing isinagawa sa command center sa Philippine International Convention Center (PICC), nakapagtala sila ng 961 VCMs na nagkaaberya at kinailangang palitan upang matuloy ang halalan. Ito ay mas mataas kumpara sa 400 hanggang 600 VCMs na pagtaya ng poll body na sumablay nitong Lunes. Sa kabila nito,nilinaw ng Comelec na maliit na porsiyento lamang naman ito…
Read MoreTag: COMELEC
COMELEC PINAGPAPALIWANAG SA DELAYED SENATE RESULTS
(NI NOEL ABUEL) PINAGPAPALIWANAG ni Senador Francis Pangilinan ang Commission on ElectionS (Comelec) sa mabagal na pagpapalabas nito ng resulta sa nakalipas na eleksyon. “Comelec, limang oras na mula ng huling naglabas ng resulta sa halalan sa Senado at hanggang ngayon ni katititing na paliwanag wala kaming naririnig sa inyo. Nasaan ang COMELEC? Nasaan ang spokesperson? Nasaan ang paliwanag?” pag-uusisa ng senador. Giit pa ni Pangilinan na dapat na magpaliwanag sa publiko ang poll body hinggil sa kapalpakan ng voting counting machines (VCM) at ang ginamit na SD cards. “Lumabas…
Read MoreCOMELEC COMMISH DISMAYADO SA TALAMAK NA VOTE BUYING
(NI HARVEY PEREZ) NAGPAHAYAG ng sobrang pagka dismaya si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon dahil sa pinakamalalang mga insidente ng vote buying na naganap nitong midterm elections na idinaos nitong Lunes. Kasabay nito, naniniwala naman ang poll watchdog na Legal Network for Truthful Elections (Lente), na dapat na panagutin ang mga taong sangkot sa pamimili ng boto. Sinabi ni Guanzon, sa eleksiyon na ito ang pinakamalalang vote buying incident na kanyang nakita dahil ang bilihan ng boto ay kada pamilya na. “This is the worst vote buying – …
Read MorePUMALYANG VCM PROBLEMA RIN SA LAGUNA
(NI NICK ECHEVARRIA) PARE-PAREHONG problema ng pag shutdown ng mga vote counting machines (VCM) sa mga presinto sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa Laguna ang mga naitalang problema sa pagbubukas ng eleksiyon sa lalawigan, ayon sa mga Board Election Inspectors. Problema din umano ang sobrang init ng panahon lalo na sa mga polling precincts kung saan dagsa ang mga botante. Sa mga pumapalyang makina, matiyagang naghihintay ang botante habang pansamantalang inilalagay ang hindi pa nabibilang na balota sa isang sealed na lalagyan. Ang mga BEI ang naglalagay sa VCM…
Read MorePROKLAMASYON SA LOKAL NA ANTAS: 24 ORAS – COMELEC
UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na maipoproklama ang mga nanalo sa eleksiyon sa loob ng 24-oras. Sa mga lalawigan, tinatayang tatagal ng 72 oras at sa national level – ang mga nanalong senatorial candidate – ay inaasahang maipoproklama sa loob ng isang linggo. Nasa plano ng Comelec na iproklama nang sabay-sabay ang 12 mananalong kandidato tulad nang ginawa noong 2016. Uupo bilang national board of canvassers ang Comelec mula alas-3 ng hapon ng Lunes, sa PICC Forum sa Pasay City. Masusubukan din ang voter registration verification system (VRVS) na…
Read MoreCOMELEC DISMAYADO SA LUMOLOBONG KASO NG VOTE BUYING
(NI HARVEY PEREZ) DISMAYADO ang Commission on Elections (Comelec) sa mataas na insidente ng vote buying activities nang magsimula ang campaign period para sa national and local elections. Ayon kay Comelec Education and Information director Frances Arabe marami ang naghahain ng mga reklamo pero wala naman umaong nahahatulan dito. Sinabi ng opisyal na ilang lugar sa bansa na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P20 lamang. Habang ilan naman umano ay aabot ng hanggang P15,000 ang binabayad sa mga botante kapalit ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.…
Read MoreCOMELEC HANDA SA BACKUP NG PUMALYANG SD CARDS
TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi mauulit ang pagpalya ng halos 500 secured digital cards (SD) na may lamang record ng mga balota matapos isalang sa final testing ang sealing nitong Biyernes. Ang 473 SD card mula sa 43,000 cards ay pumalpak nang ilagay sa pwesto sa isinasalang testing. Sinabi ni Comelec spokesperson Dir. James Jimenez, nakahanda ang kanilang back up SD cards para sa agarang replacement ng mga matutukoy na depektibong cards. “We received reports of up to 473 cards corrupted. This is out of the 43,000…
Read MoreRANDOM MANUAL AUDIT SISIMULAN SA MAYO 15
(NI HARVEY PEREZ) SISIMULAN sa Mayo 15, dalawang araw matapos ang midterm elections sa Lunes, ng Commission on Elections (Comelec), ang pagsasagawa ng Random Manual Audit (RMA) sa mga boto para sa halalan. Binigyan-diin ni Comelec Commissioner Luie Tito Guia, head ng RMA Committee, mamimili sila ng may 715 polling precincts sa mga munisipalidad at lungsod na pagkukuhanan ng sample na siyang gagamitin sa proseso. Tanging ang mga boto lamang sa pagka-senador, kongresista at mga alkalde ang kanilang bibilanganin. Magsisilbi umanong lead convenor ng RMA ang Legal Network for Truthful…
Read MoreNCR NAKAHANDA, 8,298 VCM NASA POLLING PRECINCT NA
(NI NICK ECHEVARRIA) KUMPLETO na ang delivery ng 8,298 na mga vote counting machine (VCM) sa 723 mga polling precinct kaya handang-handa na ang Metro Manila para sa local at national elections sa Lunes. Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa 16,000 mga pulis ang ikakalat sa buong Kamaynilaan para bantayan, hindi lamang ang mga polling centers at mga canvassing areas, kung hindi pati na rin sa pagmamantini ng kanilang anti-criminality campaign. Sinabi ni Eleazar na hindi sila maaaring magpabaya dahil palaging nag-aantay lamang…
Read More