(NI MINA DIAZ) MAHIGPIT na binabantayan ng mga pulis ang Office of the City Treasurer pagkatapos selyuhan ang loob ng silid kung saan itinago ang mga balota na gagamitin sa May 13 polls. Nilagyan din ng selyo ang pintuan ng opisina at kinadenahan sabay ng paglalagay ng dalawang kandado bilang patunay na ang mga balota ay magiging maayos sa loob ng naturang opisina ni Atty. Chris Teodoro. Sinabi ni Teodoro na kaugnay sa kahon ng balota na nasira ang selyo, naipasa na nila ang observation report sa Comelec at hinihintay…
Read MoreTag: COMELEC
PAG-DELIVER SA ELECTION BALLOTS TATAPUSIN SA MAYO 7
(NI HARVEY PEREZ) TATAPUSIN ngayong Mayo 7 ng Commission on Elections (Comelec), ang pagdedeliver ng mga balota na gagamitin sa May 13 midterm elections. Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na makukumpleto na ang paghahanda ng Comelec sa halalan. Ayon kay Jimenez, tapos na nilang i-deliver ang mga balota sa lahat ng rehiyon nitong mga nakalipas na araw at tanging ang mga balota na lamang para sa halalan sa National Capital Region (NCR) ang kasalukuyang idinedeliber. “Sa lahat ng regions, tapos na. I think tinatapos na today and tomorrow ‘yung NCR,”…
Read MoreTESTING, SEALING SA 85-K COUNTING MACHINE SIMULA NA
(Ni FRANCIS SORIANO) PORMAL nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang Final Testing and Sealing (FTS) ng 85,000 piraso ng Vote Counting Machines (VCM) na gagamitin sa midterm elections kung tama ba itong magbilang o hindi na tatagal ng ilang araw. Ayon kay Comelec spokesperon James Jimenez, layunin nitong matiyak na tama ang gagawing pagbibilang ng mga counting machine bago ang mismong halalan. Sa prosesong ito, magkakaroon ng simulation para sa pagbubukas ng VCM, pagsalang ng balota at pagtransmit ng data at kung magiging matagumpay ito ay saka lamang…
Read MoreBALOTANG DUMATING SA MLA CITY HALL SIRA ANG SELY0
(NI MINA DIAZ) ILANG kandidato sa Maynila ang umalma at kinuwestiyon sa mga sirang selyo o sticker seal ng mahigit 1,000 kahon ng balota na gagamitin sa national at local elections sa Lunes. Nasa 1,502 ballot box ang dumating sa Manila City Hall, na ipamamahagi sa mga polling precinct sa lungsod, pasado alas- 12:00 ng madaling araw ng Linggo. Sinabi ni Josephine Daza, officer-in-charge ng Manila City Treasurer’s Office, itinalaga ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang opisina para tanggapin ang mga ballot box bago ipamahagi ang mga ito. Naglalaman…
Read MorePAALALA NG COMELEC: IWASAN ANG OVER VOTING
(NI HARVEY PEREZ) IWASAN ang ‘over voting’. Ito ang muling ibinabala ng Commission in Elections (Comelec) sa mga botante para hindi masayang ang kanilang boto sa Mayo 13. Sinabi ni Atty. Frances Arabe, director ng Comelec-Education and Information Division (EID), dapat na 12 ang senador lamang ang iboboto at hindi 13. Kung mayroon naman, isa lang ang dapat na i-shade at hindi dapat dalawa ang isi-shade sa balota. Ipinaliwanag ni Arabe na kung magkakaroon ng over voting ay mangangahulugan ito ng pagkabalewala ng boto ng isang botante dahil hindi na…
Read MoreNAMFREL TINANGGIHAN SA ‘ACCESS’: KALITUHAN INIIWASAN – POLL BODY
(NI HARVEY PEREZ) AYAW lamang umano ng Commission on Elections (Comelec) na malito ang publiko kung kaya hindi nila binigyan ng access sa key election data ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang pagkalas ng Namfrel bilang accredited watchdog ng Comelec sa halalan. Bukod dito, sinabi ni Jimenez na wala sa posisyon ang nasabing usapin dahil maging sila ay walang access sa sinasabing key election data. Una nang sinabi ni…
Read More‘AREAS OF CONCERN’ SA ELEKSIYON DARAMI PA — COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na malaki ang posibilidad na madaragdagan pa ang bilang ng mga lugar na maidedeklarang “areas of concern” sa buong bansa. Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez, habang papalapit ang araw ng halalan sa Mayo 13. Sinabi ni Jimenez na nagsasagawa na ng validation ang Philippine National Police (PNP) sa mga lugar na posibleng maisama sa idedeklarang “areas of concern”. Ito ay sa mga lugar kung saan mainit ang tunggalian sa politika at mga lugar kung saan maaaring magkaroon ng…
Read MoreNAMFREL: MIDTERM ELECTIONS LALANGAWIN
(NI HARVEY PEREZ) NANINIWALA ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na maliit lamang ang voter turnout sa darating na midterm elections sa Mayo 13. Ayon kay Namfrel Secretary-General Eric Alvia, ito ay dahil mas interesado umano ang mamamayan sa Presidential elections sa Mayo 2022. “Mas mababa ang nakikitang turnout kasi nakikita ng iba na midterm elections lang ito. Parang [they] will ride through this wave, hindi na makikialam… Hindi nila nari-realize na mahalaga ang elections na ito,” ayon kay Alvia. Nabatid na noong 2016 presidential polls lumalabas na…
Read MoreCOMELEC NAGHAHANAP NG KAPALIT NG NAMFREL SA ELEKSIYON
NAGHAHANAP ngayon ang Commission on Elections ng bagong katuwang para sa random manual audit (RMA), siyam na araw bago ang midterm elections. Ito ay matapos tanggihan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) ang akreditasyon ng Comelec bilang citizen arm. Sinabi ni Comelec Commissioner Luie Guia na ang desisyon ng pag-atras ng Namfrel ay ikinagulat ng poll body dahil aktibo umanong dumadalo sa kanilang pulong ang Namfrel mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon. Gayunman, sinabi nito na kaya naman ng Comelec ang gawain ng Namfrel ngunit mas makabubuti…
Read More