(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Pia Cayetano ang Department of Health (DOH) na gamitin ang lahat ng available funds para mapalakas ang information drive sa kahalagahan ng expanded program on immunization (EPI) bilang panlaban sa lumalalang epekto ng dengue. Ayon kay Cayetano, kailangang kumilos ang DoH bago pa mahuli ang lahat at lalong lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng nasabing nakamamatay na karamdaman. Naniniwala aniya ito na dahil sa pangamba ng mga magulang sa naging karanasan na idinulot ng dengvaxia kung kaya’t tumatanggi na ang mga itong mabigyan…
Read MoreTag: dengue
PNP TUTULONG SA GIYERA VS DENGUE
(NI JG TUMBADO) TUTULONG na rin ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya upang makontrol ang paglaganap ng dengue kasunod ng pagdedeklara ng national dengue epidemic. Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, nagpalabas na ng direktiba si PNP Chief General Oscar Albayalde para paghandaan ang paglaban sa sakit. “Inatasan din ang buong PNP health service to fully cooperate with local hospitals sa mga regions para maitaas ang public awareness laban sa sakit na dengue,” ayon pa kay Banac. Sinabi ni Banac na pinakilos na ang kanilang…
Read MoreNDRRMC NAGHAHANDA VS NATIONAL DENGUE EPIDEMIC
(NI AMIHAN SABILLO) NAGSAGAWA ng full council ang NDRRMC kasunod ng deklarasyon ng Department of Health ng National dengue epidemic. Matapos na maitala ang 146,062 kaso ng dengue mula Enero ng hanggang Hulyo 20 ng taong kasalukuyan na mas mataas ng halos 100 porsyento sa naitala sa paraehong mga buwan noong nakaraang taon. Sa bilang na ito, 622 ang nagresulta sa pagkamatay ng biktima. Base sa surveillance report ng DOH, ang Region 6 o Western Visayas ang may pinakamaraming kaso ng dengue na umabot sa 23,330. Ang Region 4-a o…
Read MorePALASYO BITIN PA SA DENGVAXIA VACCINE
(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T wala pang desisyon, bukas ang Malacanang na pag aralang ibalik ang Dengvaxia vaccine sa merkado. Ito ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang humanap ng lunas sa nasabing sakit lalo pa’t sa ngayon ay wala pang gamot na panlaban sa dengue. “Kailangan talaga humanap tayo ng vaccine, pero kung wala pa at alam naman nating pwede yung Dengvaxia sa dati nang may dengue at wala naman tayong naririnig na hindi, o e di why don’t we…
Read More‘HUWAG PADALUS-DALOS SA DENGVAXIA’
(NI BERNARD TAGUINOD) “Huwag padalus-dalos.” Ito ang mensahe ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa Malacanang matapos sabihin na ikinokonsidera ng gobyerno ang muling paggamit sa Dengvaxia sa gitna ng dumaraming biktima ng dengue. Aminado ang mambabatas na ito ang panahon para mabakunahan ang mamamayan lalo na ang mga bata ng gamot na panlaban sa dengue subalit kailangan aniya na mag-ingat upang hindi maulit ang kontrobersya noong unang inimplementa sa dengvaxia vaccine. Kailangan muna aniyang alamin kung talagang epektibo ang dengvaxia sa pamamagitan ng pag-alam kung ang mga naturukan ng…
Read MoreKASO NG DENGUE SA DAVAO REGION TUMAAS
(NI DONDON DINOY) DAVAO CITY- Nag-abiso na ang Department of Health (DoH) sa Davao region na maging malinis sa paligid matapos maitala ang mataas na kaso ng dengue sa nakaraang buwan ng Hulyo. Sa datos ng DoH, naitala ang 15 dengue (mosquito-borne disease) cases na ikinamatay ng mga biktima simula noong Enero 1 hanggang sa katapusan ng buwan at may 3,000 kaso ang naimonitor nitong taon. Pinayuhan ni DoH Regional Director Annabelle Yumang ang publiko na gawin ang 4 o’clock habit o paglilinis sa paligid tuwing hapon upang puksain ang…
Read MoreBRIONES: PREVENTIVE TAYO VS DENGUE
(NI MAC CABREROS) PARA kay Education Secretary Leonor Magtolis Briones, mga paraan para maiwasan ang nakamamatay na sakit na dengue ang pinakamainam para rito. “Sa amin, preventive not curative. Kalinisan sa kapaligiran at malakas na immune system,” reaksyon Sec. Briones sa ulat na pinapabalik ang bakunang Dengvaxia bunsod nang patuloy na pagdami ng bilang ng nagkakasakit sa dengue saan umabot na sa 130,000, ayon sa Department of Health. Aniya, ituturo sa mga bata ang 4S para mapuksa ang lamok na nagdadala ng virus gayundin kung paano mapalakas ang immune system…
Read MoreDENGVAXIA KAILANGAN NA VS DENGUE – GARIN
(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL mas mapanganib na magkaroon muli ng virus ang mga tinamaan sa kasalukuyan, kailangan nang mabakunahan ang mga ito ng Dengvaxia sa lalong madaling panahon. Ito ang iginiit ni Iloilo Rep. Janette Garin kung nais umano ng gobyerno na mailigtas ang buhay ng mga ito dahil hindi imposibleng magkaroon muli ang mga biktima ng dengue kapag walang proteksyon. “Sa second infection kasi, fatal na kaya kailangan silang bakuhanan na for their protection. Kung hindi wala kang magawa kundi magdasal na lang,” pahayag ni Garin. Dahil dito, muling…
Read MorePROBLEMA SA DENGUE SISILIPIN SA KAMARA
(NI ABBY MENDOZA) SA katwirang nakababahala na ang dami ng nagkakasakit ng dengue, isang resolusyon ang inihain sa Kamara ngayong Huwebes na humihiling na imbestigahan ang hakbang ng gobyerno para tugunan ang problema sa dengue. Sa House Resolution 124 na inihain nina Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat, ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Sarah Elago, hiniling nito sa Committee on Health na imbestigahan “in aid of legislation” ang mga aksiyon ng pamahalaan sa dengue outbreak sa bansa at kung may…
Read More