(NI BERNARD TAGUINOD) SA ngalan ng Diwa ng Pasko, nakikipagbati si dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta at PAO forensic chief Dr. Anthony Efre. Ginawa ni Garin ang pahayag sa press conference ng minority bloc sa Kamara nitong Miyerkoles sa Kamara kasabay ng panawagan sa publiko na maghinay-hinay sa pagkain upang hindi maikompromisyo ang kalusugan ngayong Holiday season at patawarin ang mga kaaway. “For that, please allow me to extend my hands for reconciliation kay Percida Acosta, kay Dr. Efre.…
Read MoreTag: dengvaxia
DENGVAXIA BINAWI NG FDA; DASAL NA LANG VS DENGUE — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) “DASAL.” Ito ang sagot ni Iloilo Rep. Janette Garin nang tanungin ng Saksi Ngayon kung ano ang mabisang panlaban sa Dengue ngayong binawi na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang lisensya ng dengvaxia. Ayon sa mambabatas, kailangang lakasan pa ng mga magulang ang kanilang dasal na hindi makakagat ng lamok na may dalang dengue virus ang kanilang mga anak at makaligtas ang mga ito sa tiyak na kamatayan. Lalong kailangang magdasal umano ang mga magulang na may mga anak na nagkadengue na huwag itong magka-dengue muli dahil…
Read MorePAO CHIEF ACOSTA INAKUSAHAN NG KORAPSIYON
(NI ABBY MENDOZA) INIREKLAMO ng mga hindi nagpakilalang abogado ng Public Attorney’s Office ( PAO) si PAO Chief Persida Acosta at PAO forensics chief Dr. Erwin Erfe na ginagamit ang isyu ng dengvaxia para sa korapsyon. Sa manifestation na isinumite sa Office of the Ombudsman ng mga hindi nagpakilalang PAO lawyers, sinabi nito na sina Acosta at Erfe, kasabwat ang dalawang accountants ni Acosta na sina Lira Hosea Suangco at Maveric Sales, ay gumagawa ng purchase orders para makakuha ng dagdag na pondo sa ahensiya. “Respondent Acosta has ordered her cohorts to…
Read MoreSOLONS: HINAY-HINAY SA DENGVAXIA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAGHIHINAY ng ilang mambabatas sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit sa dengvaxia sa gitna ng dumaraming kaso ng dengue sa iba’t ibang panig ng bansa. Ginawa nina Anakalusugan Rep. Mike Denfensor at Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, ang nasabing panawagan kasunod ng mga ulat na bukas umano si Duterte na muling gamitin ang dengvaxia upang makontrol ang pagdami ng nagkakasakit ng dengue. “Ang appeal ko kay Presidente, huwag ireconsider ang paggamit ulit ng dengvaxia baka maulit ang mga bagay sa nakaraan na hindi natin…
Read MorePOLITIKONG EPAL SA DENGVAXIA SINUPALPAL
(NI NOEL ABUEL) “LET’s listen to the experts.” Ito ang panawagan ni Senador Pia S. Cayetano sa ilang kapwa nito pulitiko sa panukalang muling paggamit sa dengvaxia vaccine kasunod ng deklasyon ng Department of Health (DoH) na dengue epidemic sa buong bansa. Sinabi pa ng mambabatas na sang-ayon ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging payo ng mga local health experts bago ikonsidera ang posibleng paggamit sa nasabing bakuna. “This is a technical and scientific matter that should be left to the health experts. The President already said…
Read MoreDUQUE SA DENGVAXIA PAKIKINGGAN NI DU30
(NI BETH JULIAN) HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na pakinggan anuman ang rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III, sa panukalang gamitin muli ang bakunang Dengvaxia. Ito ang inihayag ng Malacanang matapos iulat ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa mahigit 100,000 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maaring matalakay sa pulong ng mga Gabinete ang usapin sa Dengvaxia. Kasabay nito, pinawi ng Palasyo ang pangamba ng publiko dahi gnagawa naman ng pamahalaan ang lahat para maagapan ang…
Read MoreMAYAYAMANG PINOY OK SA DENGVAXIA VACCINE – GARIN
(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ipagbawal ang paggamit ng dengvaxia sa Pilipinas, maraming Filipinong mayayaman ang nagpapabakuna sa ibang bansa tulad ng Singapore at Malaysia upang maproteksyunan ang mga ito sa dengue. Ito ang isiniwalat ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaya nanawagan ito sa Department of Health (DOH) na muling ikonsidera ang mga paggamit sa dengvaxia para sa mga mahihirap. “Yung may mga kaya nagpapabakuha sa Singapore, Malaysia. Mayayaman at middle class na Filipino, papaano naman ang mga mahihirap,” ani Garin na patuloy na naninindigan na…
Read MorePALASYO BITIN PA SA DENGVAXIA VACCINE
(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T wala pang desisyon, bukas ang Malacanang na pag aralang ibalik ang Dengvaxia vaccine sa merkado. Ito ay bunsod ng pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangang humanap ng lunas sa nasabing sakit lalo pa’t sa ngayon ay wala pang gamot na panlaban sa dengue. “Kailangan talaga humanap tayo ng vaccine, pero kung wala pa at alam naman nating pwede yung Dengvaxia sa dati nang may dengue at wala naman tayong naririnig na hindi, o e di why don’t we…
Read More‘HUWAG PADALUS-DALOS SA DENGVAXIA’
(NI BERNARD TAGUINOD) “Huwag padalus-dalos.” Ito ang mensahe ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa Malacanang matapos sabihin na ikinokonsidera ng gobyerno ang muling paggamit sa Dengvaxia sa gitna ng dumaraming biktima ng dengue. Aminado ang mambabatas na ito ang panahon para mabakunahan ang mamamayan lalo na ang mga bata ng gamot na panlaban sa dengue subalit kailangan aniya na mag-ingat upang hindi maulit ang kontrobersya noong unang inimplementa sa dengvaxia vaccine. Kailangan muna aniyang alamin kung talagang epektibo ang dengvaxia sa pamamagitan ng pag-alam kung ang mga naturukan ng…
Read More