SALARY INCREASE NG MGA GOV’T WORKERS ILALABAS NA — DBM

dbm

(NI BERNARD TAGUINOD) LUMILINAW na ang matagal nang hinala ng mga militanteng mambabatas sa Kamara na sinadyang ipitin ni dating Department of Budget and Management (DBM) secretary Benjamin Diokno ang salary increase ng mga government employees ngayong taon at ginamit na propaganda laban sa bangayan ng Kongreso sa 2019 national budget. Ito ang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio matapos aminin ni DBM acting Secretray Janet Abuel na puwedeng matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang 4th tranche ng Salary Standardization Law (SSL) 4 kahit reenacted ang national budget.…

Read More

KREDIBILIDAD NG BSP MANANATILI — DIOKNO

diokno100

(NI BETH JULIAN) TINIYAK ni newly installed Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na itutuloy nito ang mga polisiya at repormang ipinatutupad sa ahensya mula pa sa namayapang BSP Governor Nestor Espenilla Jr. Sa pagharap ni Diokno sa media Biyernes ng hapon, sinabi nito na sa tulong ng highly competent workforce ng BSP, siniguro nito na mapananatili ang kredibilidad nito na kinilala sa buong mundo. Titiyakin din ni Diokno na mapananatili ng ahensya ang institutional independence nito. Dito, inihayag ni Diokno na naniniwala siya na mayroon pa ring…

Read More

BANTA NG SOLONS: DIOKNO ‘DI PWEDENG ‘DI DADAAN SA CA

diokno15

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) KUNG nakaiwas man si dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno sa imbestigasyon ng Kamara sa mga kuwestiyonableng transaksyon nito sa kanyang dating tanggapan, wala itong ligtas sa nasabing isyu pagdating sa Commission on Appointment (CA). Ito ang tila banta ng Kamara kay Diokno na itinalaga bilang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng Kongreso laban sa kanya. Tinaliwas din sa Kamara ang unang sinabi ng Palasyo na hindi na kailangang dumaan pa…

Read More

PANGAMBA NG BANKING INSTITUTION PINAWI NI DIOKNO

diokno7

(NI BETH JULIAN/PHOTO BY KIER CRUZ) MAYROON nang first order of business si bagong Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno. Ito ay tinatawag na kauna unahang monetary policy meeting na simulang pinamunuan, Huwebes. Sinabi ni Diokno na ipagpapatuloy nito ang polisiya ng BSP gaya ng pananatili ng integridad sa financial system, price stability at maging ang  advocacy ng pumanaw na si BSP Governor Nestor Mejia Jr. sa usapin ng financial inclusion. Pinawi ni Diokno ang pangamba mula sa banking institution sa pagkuha ng Pangulo ng mamumuno sa BSP na…

Read More

LIDERATO NG KAMARA CLOSED BOOK NA KAY DIOKNO?

diokno100

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI  na interesado ang liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ituloy ang imbestigasyon laban kay dating Department of Budget and Management (DBM) Secretary at ngayo’y Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno. Sa press briefing Miyerkoles ng hapon, sinabi ni House appropriation committee chairman Rolando Andaya Jr., wala rin itong masabi sa appointment ni Diokno sa BSP kundi “…just another day in office”. Ang kongresista ang pasimuno sa imbestigasyon kay Diokno ukol sa P75 Billion na isiningit nito sa 2019 national budget, pagpapabidding ng…

Read More

PANELO: DIOKNO ‘DI KAILANGAN ANG PAGPAYAG NG CA

diokno1

NILINAW ng Malacanang na hindi na kailangan ang kumpirmasyon ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno sa Commission on Appointments. Ito ay bunsod ng unang sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na tiwala ang Palasyo na lulusot si Diokno sa CA dahil sa kanyang husay at integridad. Ibinigay paliwanang ni Panelo na hindi saklaw si Diokno sa mga listahan ng mga opisyal na kailangan pang dumaan sa pagsang-ayon ng CA. Si Diokno ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong governor ng BSP kapalit ng yumaong si dating governor…

Read More

PALASYO NANINIWALANG LULUSOT SA CA SI DIOKNO

Diokno

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos sa pagkakaupo bilang bagong Bangko Sentral ng Pilipinas governor, naniniwala pa rin ang Palasyo na makalulusot sa Commission on Appointments (CA) si dating Budget secretary Benjamin Diokno. Tiwala si Presidential spokesperson Salvador Panelo na makukumbinsi ni Diokno ang mga miyembro ng CA dahil na rin sa galing, at integridad nito. Ang pagkakaupo umano ni Diokno ay patunay na hindi nawala ang tiwala sa kanya ng Pangulo kasabay ng paggiit ni Panelo na hindi naniniwala ang Pangulo sa mga akusasyon laban sa dating Budget secretary.…

Read More

BAGONG POSISYON NI DIOKNO SA BSP IKINADISMAYA SA KAMARA

DIOKNO11

(NI BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang mambabatas na pagtatakip sa kanyang atraso ang pag-aappoint ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno bilang bagong Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Lunes ng  gabi ay itinalaga ni Duterte si Diokno bilang BSP Governor kapalit ng namayapang si BSP Governor Ernesto Espenilla subalit hindi nagustuhan ito ng kanilang kritiko sa Kamara. “Pres. Duterte continues his abominable practice of shielding his appointees from public accountability by recycling them to other posts,” pahayag ni ACT Teachers party-list Rep.…

Read More

HULING BAGSAK NG UMENTO SA GOV’T WORKERS SA MARSO NA

(NI BETH JULIAN) ASAHANG maibibigay ang huling bagsak ng umento o dagdag sahod ng lahat ng kawani ng gobyerno kabilang na ang mga guro ngayong taon sa ilalim ng salary standardization law. Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, kumpiyansa ito na malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2019 national budget sa kalagitnaan ngayong buwan ng Marso. Sinasabing sa 2019 national budget huhugutin ang pondo para sa pagkakaloob na dagdag sweldo. Gayunman, sinabi ni Diokno na posibleng sa susunod na taon na matatalakay ang pangakong doble sahod para sa mga…

Read More