(NI DAHLIA S. ANIN) UMAKYAT na sa 202 ang bilang ng mga namatay dahil sa dengue, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Sa pinakahuling tala ng ahensya umabot na sa 38, 804 ang kaso ng dengue sa CALABARZON, at Region VI, VII, VIII at XII mula Enero 1 hanggang Hulyo 13. Sa CALABARZON, mayroon nang naitalang 13, 032 kaso ng dengue at 50 na ang namatay, habang, ang Region VI naman ay may 15, 813 at 90 ang namatay at sa Region VII 9, 594 na…
Read MoreTag: DOH
NAT’L DENGUE ALERT IDINEKLARA NG DoH
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGDEKLARA na ng ‘National Dengue Alert’ si Health Secretary Francisco Duque III dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa. Ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ang Department of Health (DoH) ng national dengue alert. Isinagawa ni Duque ang nasabing anunsyo sa isang press conference kasama ang mga opisyal ng Department of Health at ng World Health Organization (WHO). Naitala ang 106, 630 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1, hanggang Hunyo 29 na mas mataas ng 85% sa naitalang kaso ng…
Read MoreE-CIGARETTE, VAPE BANNED NA SA PUBLIC PLACES
(NI DAHLIA S. ANIN) BANNED na ng Department of Health (DoH) ang paggamit ng electronic cigarette at vape sa publiko, at ang lokal na gobyerno ang maatasang manghuli ng sinumang lalabag dito. Ayon kay DoH Undersecretary Eric Domingo, nilagdaan na ni Health Secretary Francisco Duque III ang Administrative Order 2009-0007 na kasama na ang e-cigarette at vaporizers (vape) sa smoking ban. “Use of vapes and e cigarettes will be banned in places where smoking is prohibited,” sabi ni Duque Magiging epektibo na ang batas na ito pagkatapos itong mailathala sa…
Read MoreDOH NAGBABALA VS DENGUE
(NI DAHLIA S. ANIN) TUMATAAS umano ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III. Sa panayam kay Duque, nagbigay ito ng ilang paalala upang maiwasan ang dengue na tinawag nilang ‘4S’ sa kanilang kampanya laban dito. Paalala ng DoH, una ay search and destroy mosquitoes breeding places, o hanapin ang mga lugar na maaring pagngitlugan ng mga lamok na may dengue, ikalawa, secure self-protection, pangalagaan ang sarili, ikatlo, seek early consultation, magpakonsulta agad sakaling makaramdam ng sintomas nito, at support fogging in dengue…
Read MoreBILANG NG OFWs NA MAY HIV MAS DUMAMI
(NI BERNARD TAGUINOD) SA halip mababawasan, lalo pang dumami ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nabibiktima ng Human Immunodeficiency Virus (HIV). Ito ang nabatid kay House deputy minority leader John Bertiz matapos umabot sa 88 OFWs ang natuklasang mayrong HIV noong Pebrero 2019 o mas mataas ng 22% kumpara sa 72 na nairekord noong Pebrero 2018. “The February cases brought to 6,433 the cumulative number of OFWs found living with HIV since the government began passive surveillance of the virus in 1984,”anang mambabatas. Mula taong 1984, umaabot na sa…
Read MorePAGDAGSA NG FOREIGN DOCTORS SISILIPIN NG DOH, BI
(NI NOEL ABUEL) IKINAGALAK ni Senador Richard J. Gordon ang suporta ng Malacanang sa panawagan nitong imbestigahan ang pagdagsa ng mga foreign doctors sa bansa na posibleng dumaan sa kamay ng mga sindikato. Ayon sa senador, nababahala ito sa dumaraming bilang mga dayuhang doktor sa bansa na nagiging kalaban ng mga Filipinong manggagamot. Naniniwala umano ito na ang mga foreign doctors ay nagagawang makapasok sa bansa sa pamamagitan ng paggamit ng entry at employment na nangggaling sa mga sindikato para makapasok sa ilang pagamutan sa bansa nang walang sapat na…
Read More1-K KADA BUWAN NG MAY HIV IKINAALARMA NA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na magkaroon ng record breaking sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) kung hindi magiging agresibo ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa paglaban sa nasabing sakit. Inihayag ni House deputy majority leader Ron Salo ang pangamba dahil nagte-trending na situwasyon kung saan mahigit 1,000 Filipino ang nagkakaroon ng HIV kada buwan na kung magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon ay magkakaroon ng 12,000 HIV victims sa bansa. “We now have 2,262 new cases this year as of last February. If the new…
Read MoreILANG BASO NG TUBIG NGAYONG TAG-INIT?
(NI SIGFRED ADSUARA) DAGDAGAN ang pag-inom ng maraming tubig ngayong tag-init upang makaiwas sa anumang uri ng sakit. Ayon kay Department of Health (DoH)-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon) Regional Director Eduardo c. Janairo, kulang ang walong baso ng tubig na iniinom ngayong tag-init dahil madaling made-hydrate ang katawan. “Yung alam natin na 8 glassess of water, kulang yun dahil madali tayong pawisan at ang katawan natin madaling ma-dehydrate dahil sa sobrang init. Mas maraming iniinom na tubig, mas maganda dahil kailangan ito ng ating katawan para maka-replenish agad. Isa…
Read MoreMEALES OUTBREAK SA BANSA HUMUHUPA NA – DoH
(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa patuloy na pagbabakuna ng Department of Health (DoH) laban sa tigdas, inasahan na ang pagtanggal sa tigdas outbreak alert sa ilang lugar sa bansa sa susunod na dalawang buwan Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umabot na sa 85 to 90 percent ang nababakunahang bata na may edad 59 months hanggang anim na taong gulang sa buong bansa habang patuloy pa rin ang isinasagawang routine immunization o ang scheduling ng pagbabakuna para makumpleto na ito. Matatandang tumaas ang porsyento ng namamatay at kasong naitala…
Read More