DTI MAGHIHIGPIT SA BENTAHAN NG VAPE, E-CIGARETTE 

(NI ROSE PULGAR) MAGLALABAS ng panuntunan ang Department of Trade and Industry (DTI) para salain ang  mga ibinebentang vape at E-cigarette para tiyakin na ligtas ang mga gamit nito. Ayon sa DTI, maglalabas na sila ng panuntunan ukol dito at lalagyan na ng PS mark o ICC sakaling ito ay imported na kailangang dumaan sa kagawaran bago ito maibenta sa merkado. Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, kailangang dumaan muna sa ahensya ang mga ibinebentang vape o e cigarette para matiyak ang kalidad ng mga piyesa nito at ligtas. Nagpahayag naman…

Read More

KONTRA 5-6: MURANG PAUTANG ISABATAS NA — DTI

dti66

(NI ABBY MENDOZA) SA hangarin na matigil na ang ‘5-6,’ hiniling ng Department of Trade and Industry (DTI) sa House of Representatives na gawin nang batas ang Pondo sa Pagbabago at Pag Asenso(P3). Ang P3 ay isang inisyatibo ng pamahalaan para matulungan ang mga pinakamaliliit na negosyante sa buong bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng murang pautang na mayroon lamang 2.5% na interes kada buwan. Sa budget hearing sa Kamara, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na bukod sa alternatibong pagkukuhanan ng kapital, pangunahing layunin ng P3 na tuluyang buwagin…

Read More

TAAS-PRESYO SA KAPE’T GATAS, PATIS OK NA

dti milk12

(NI ROSE PULGAR) SA susunod na linggo ay ipatutupad na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa presyo ng kape, gatas at patis matapos aprubahan na ito nitong Huwebes. Base sa report ng DTI, nasa P0.50 hanggang P2 ang taas-presyo sa kada lata ng gatas, P0.50 hanggang P0.80 sa presyo ng patis at P1 kada pakete ng kape. Sinabi ni Ruth Castelo, DTI Undersecretary for Consumer Protection, pinag-aralan nilang mabuti ang pagpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga nasabing produkto. Pinag-aaralan ng DTI ‘yon and we make our own…

Read More

CONSUMER GROUP DISMAYADO SA DTI

dti12

(NI ROSE PULGAR) DISMAYADO ang consumers group na Laban Consumers sa pasya ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos payagan ang pagtataas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin. Ayon kay Vic Dimaguiba, presidente ng nasabing grupo, paglabag sa karapatan ng mga consumers na magkaroon ng tama at napapanahong impormasyon sa mga bilihin ng kawalang abiso ng DTI. Base sa inilabas na suggested Retail Price (SRP) ng kagawaran ng kalakalan at industriya, kabilang sa pinayagan na magtaas ng presyo tulad ng gatas, kape at patis. Ito ay gitna na rin…

Read More

PRESYO NG KAPE’T GATAS ITATAAS 

dti milk12

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ngayong Biyenres ng Department of Trade and Industry (DTI) na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang brand ng produktong ginagamit pang-araw-araw ng mamamayan. Sa abiso ng DTI, kabilang sa mga itataas na brand ay ang gatas, kape at patis. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, pinayagan na ng kanilang ahensiya ang dagdag-presyo ngunit hindi pa ito maaaring ipatupad. Sinabi ni Casteslo , simula kalagitnaan ng Hulyo pa puwedeng ipatupad ang mga bagong presyo na posibleng tumaas mula P0.50 hanggang P2 kada lata ang dagdag-presyo sa…

Read More

TRANSLATION SA LABEL NG IMPORTED GOODS INIUTOS NG DTI

DTI22

(NI ROSE PULGAR) IPINAG-UTOS ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga negosyante na lagyan ng Ingles o Filipino translation ang label ng mga dayuhang produkto sa merkado, partikular sa supermarket sa bansa. Sa oras na hindi sumunod, babala ng DTI, papatawan ng parusa ng P1,000 hanggang P300,000 multa habang sa ikatlong paglabag naman ay maaaring ipasara ang establisimiyento dahil sa paglabag. Paglilinaw ng DTI, dati nang may utos ang Food and Drug Administration (FDA) na dapat may pagsasalin sa English o Filipino sa pakete ng mga imported na…

Read More

SHOPEE IIMBESTIGAHAN NG DTI SA MEET AND GREET SCAM

blackpink12

(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSASAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng imbestigasyon sangkot ang online retailer na Shopee matapos ireklamo ng ilang consumers sa isang meet and greet kasama ang isang Korean Girl Group. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nag-iimbestiga na ang kanilang ahensya ukol dito. Matatandaang nag-trending sa twitter ang #shoppeescam, matapos magreklamo ang ilang fans ng South Korean girl group na Blackpink na gumastos sila ng malaki para lang makakuha ng ticket sa nasabing event, pero nadeny ang mga ito sa mismong araw ng event…

Read More

FDA, DTI PABOR SA UKAY-UKAY

UKAY UKAY 12

(NI ROSE PULGAR) KINOKONSIDERA ng Food and Drug Administration (FDA)  na walang panganib sa kalusugan ang mga ibinebentang ukay–ukay sa bansa sa kabila ng batas na ipinagbabawal ang importasyon at pagbebenta nito. Ito rin ang pananaw ni Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez . Ayon kay Lopez marahil ay panahon na para amyendahan ang batas ukol dito dahil bukod sa walang banta ng panganib sa kalusugan  ay tinatangkilik pa ito ng karamihan ng  mga mahihirap na kababayan. Magugunitang noong 1966 pa ay may batas na nagbabawal sa importasyon ng…

Read More

DTI NAGLABAS NG SRP SA MGA SCHOOL SUPPLIES

dti12

(NI ROSE PULGAR) INILABAS na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng Suggested Retail Price (SRP) para sa school supplies sa pamilihan dahil sa nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 3. Ito’y dahil sa kabi-kabilang pamimili ng publiko ng mga gamit pang-eskwela simula pa noong nakaraang linggo. Ayon sa DTI, ang SRP ay gabay para sa mga consumer na bibili ng notebooks at papel; lapis at ballpen, sharpener, pambura, ruler, at crayons. Makikita ang listahan sa SRP sa official social media page at website ng…

Read More