(NI DAHLIA S. ANIN)
MAGSASAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng imbestigasyon sangkot ang online retailer na Shopee matapos ireklamo ng ilang consumers sa isang meet and greet kasama ang isang Korean Girl Group.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nag-iimbestiga na ang kanilang ahensya ukol dito.
Matatandaang nag-trending sa twitter ang #shoppeescam, matapos magreklamo ang ilang fans ng South Korean girl group na Blackpink na gumastos sila ng malaki para lang makakuha ng ticket sa nasabing event, pero nadeny ang mga ito sa mismong araw ng event noong Hunyo 6.
Nauna ng humingi ng paumanhin ang Shopee dahil sa insidente.
Sa imbestigasyon na gagawin ng DTI malalaman nila kung sino ang nagkamali at responsable sa naging problema ng meet greet na ito ng Blackpink at ng fans.
Nang tanungin kung sino ang dapat managot, sumagot ito ng “It depends kung kaninong promo, from the band or from Shopee”.
Hinihikayat naman ng opisyal na magsampa ng pormal na reklamo sa consumer protection desk ang mga fans na apektado nito.
