BINALEWALA ni Monica Torres ang pananakit ng tiyan nang pangunahan ang women’s duathlon event sa Subic Bay Boardwalk sa Zambales. Si Torres ay nagsumite ng oras na 02:08:44 para kolektahin ang gold medal. Pumangalawa si Pareeya Sonsem ng Thailand (2:11:18) at pangatlo si Thi Phuong Trinh Nguyen ng Vietnam (2:11:18). Sa men’s division, nakuntento lang sa silver medal ang pambato ng Pilipinas na si Joey delos Reyes nang magsumite ng oras na 1:53:04, mas mabagal ng 13 segundo sa nangunang si Johan Jauhari ng Indonesia. (NI VTRomano/PHOTO BY MJ ROMERO)…
Read More