PROBLEMA SA TRAFFIC AYUSIN NG GOBYERNO, WAG AKO SISIHIN! — POE

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senador Grace Poe na hindi dapat siya ang sisihin kung hindi pa rin naaaprubahan ang hinihiling na emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa trapiko. “I am not the one in the driver’s seat, when it comes to traffic. It’s an administration issue, not a legislative one,” saad ni Poe. Iginiit ng chairperson ng Senate Committee on Public Services na bigo ang mga opisyal ng gobyerno na dipensahan ang hinihinging dagdag kapangyarihan para sa Punong Ehekutibo. Binigyang-diin pa nito na…

Read More

P8.2-B BUDGET NG OP APRUB NA SA SENADO

(NI NOEL ABUELA) AGAD tinapos ng Senate finance subcommittee ang pagtalakay sa hinihinging pondo ng Office of the President na aabot sa P8.2 bilyon para sa susunod na taon. Hindi na pinatagal pa ni Senador Christopher Lawrence Go ang pagdinig sa komite nito at kinailangan lang ng 10 minuto at agad na pinagtibay ang pondo ng OP. Kasama rin sa komite ang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na sina Senador Francis Tolentino at Senador Ronald dela Rosa na hindi na nagtanong pa kung saan gagamitin ang pondo ng OP.…

Read More

CRUSADER? IGNORANTE SIYA! –DU30 KAY PING

(NI HARVEY PEREZ) PINUNA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Panfilo Lacson dahil sa pagsawsaw nito sa bawat isyu na mistula umanong nagtatangkang maging isang  ‘crusader’ pero isa namang ignorante. Ang pahayag ay ginawa ni Duterte matapos nitong alalahanin  ang pahayag ni Lacson at Vice President Leni Robredo na kapwa binatikos ang kanyang sinabi na walang masama  na tumanggap ng regalo ang mga police officers kung ito ay kusang ibinibigay bilang pagtanaw ng utang na loob. “His penchant to just right away [make comments] in every issue… I think he’s…

Read More

EMERGENCY POWERS SA TRAPIK IDINEPENSA SA KAMARA

(NI BERNARD TAGUINOD) IDINEPENSA ng ilang mambabatas sa Kamara ang panukalang bigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila upang matapos na umano ang paghihirap ng taumbayan. Ayon kina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kailangan na ang ang direktang aksyon ng Pangulo sa nasabing problema dahil palala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ang pahayag ni Defensor ay  matapos tutulan ng ilang senador na bigyan si Duterte ng emergency powers  para resolbahin ang problema sa lalong madaling panahon. “Hindi…

Read More

EMERGENCY POWERS NI DU30 SA TRAFFIC MALABO SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MALABO pa ring pagbigyan ng Senate Committee on Public Services ang iginigiit na emergency powers para sa Pangulo upang resolbahin ang problema sa trapiko sa Metro Manila. Ayon kay Committee Chairperson Senador Grace Poe, maaaring maresolba ng administrasyon ang problema kahit walang emergency powers mula sa Kongreso. Sa pagdinig sa Senado, iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kung naibigay ang emergency powers, tatlong taon na ang nakalilipas, posibleng sa ngayon ay nagrerepaso na lamang ngayon ang mga nagawa ng pamahalaan. “Ang hinihingi nating emergency power ay…

Read More

EMERGENCY POWER NI DU30 SA TRAFFIC, IGINIIT SA KAMARA

duterte traffic33

(NI BERNARD TAGUINOD) DAHIL palalala na  nang palala ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit anong gawin ng mga otoridad, kailangan na umanong bigyan ng  emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil habang tumatagal ay lumalala anila ang problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila kahit marami nang sinubukang solusyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ayon kina House Majority leader Ferdinand Martin Romualdez, House deputy speaker Raneo Abu at Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, kailangan nang ikonsidera na ibigay na…

Read More

SENADO PINAKIKILOS SA PAGPATAY SA MGA ABOGADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MULING kinalampag ni Senador Leila de Lima ang Senado upang busisiin na ang mga tumataas na kaso ng pagpatay sa mga abogado na hindi pa rin nareresolba. Kasabay ito ng pagkondena ng senador sa pinakahuling insidente ng pananambang sa isang Cebu-based lawyer na si Inocencio dela Cerna Jr. “We strongly condemn this latest attack against a member of the Philippine Bar.  The attempt against De la Cerna’s life reeks the brazenness of hired gunmen who continue to enjoy impunity from arrest and prosecution,” saad ni de Lima.…

Read More

‘ABSUWELTO’ KAY DU30; MALINIS ANG KONSENSIYA KO! – PANELO

panelo55

(NI HARVEY PEREZ) PERSONAL na pinasalamatan  ni Presidential Spokeperson Salvador Panelo, si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang idepensa sa kontrobersiyal na naudlot na paglaya ng rapist-killer na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Ikinatuwa ni Panelo na buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa sa kanya ni Duterte. Una namang sinabi ni Panelo na malinis ang kanyang konsensiya at walang conflict of interest nang ieendorso niya sa Bureau of Customs (BOC) ang sulat para sa paglaya ni Sanchez. Nabatid na sinabi ni Duterte na walang ginawang masama si Panelo nang…

Read More

DU30 KAY FAELDON: MAG-RESIGN KA NA!

MATAPOS ang kaliwa’t kanang panawagan ng publiko at politiko na umalis na sa posisyon si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin na ito, agad. “Nakapagdesisyon na ako nitong nakaraang gabi. Iniuutos ko ang agarang pagsibak sa tungkulin kay Faeldon,” sabi ng Pangulo. Naging kontrobersiyal ang BuCor chief matapos ang naunsiyaming paglaya ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez. Naibalita na may bayarang nagaganap sa loob ng bilibid kapalit ng paglaya ng high profile convicts kasama na ang suspect sa pagpaslang at panghahalay sa…

Read More