(NI BERNARD TAGUINOD) PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbababa sa retirement age ng mga government employees. Walang kahirap-hirap na lumusot ang House Bill (HB) 5508 sa botong 192 pabor at walang tumutol, kung saan maaaring magretiro sa edad 56 anyos ang mga government employees. Sa kasalukuyan, 60 anyos ang early retirement age ng mga government employees at 65 anyos naman ang mandatory retirement. Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, isa sa mga may akda sa nasabing panukala, kabilang ang…
Read More