DUTERTE, SISIKAPING TULDUKAN ANG “ENDO”

duterte-30

Pagsisikapan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na matuldukan ang problema sa “Endo” (End of Contract) ng mga ordinaryong manggagawa bago matapos ang kanyang termino sa taong 2022. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inoobliga na ng pamahalaan ang mga kompanya na gawin nang regular ang kanilang mga empleyado. Gayunman, sinabi ng naturang kalihim na hindi pa rin maiiwasan ang seasonal contract ng mga manggagawa, tulad na lamang tuwing magpapasko at pagbubukas ng klase. Sa ngayon, ipinagmamalaki ni Bello na kalahating milyong manggagawa na ang naregular mula nang lagdaan…

Read More

AYAW SA ENDO PERO.. 660-K ENDO WORKERS NASA GOBYERNO

duterte12

(NI BERNARD TAGUINOD) BAGAMA’T  itinutulak ng gobyerno ang pagre-regular sa mga endo workers sa pribadong sektor, mahigit 660,000 pa rin ang contractual, casual at job order (JO) workers o ang mga tinatawag na endo workers sa gobyerno. Ito ang napag-alaman kay House deputy  minority leader Harlin Neil Abayon., kung saan pinakamarami sa mga manggagawang ito ay nagtatrabaho sa Local Government Units (LGUs) na umaabot sa 463,551. Sumunod dito ang National Government Agency (NGA) na mayroong  120,273 contractual at JO workers; 36,249 sa Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs); 31,639 sa State Universities…

Read More

3-TAONG PAHIRAP; 36-M OBRERO MANININGIL SA ELEKSYON

endor1234

(NI BERNARD TAGUINOD) MANININGIL ang may 36 milyong manggagawang Filipino sa darating na eleksyon dahil tatlong taon na umano ang nakakalipas ay hindi pa tinutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang buhay para sa mga ito. Ito ang tiniyak ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa gitna ng paggunita sa Araw ng Panggawa o Labor Day sa Miyerkoles, Mayo 1. “Tiyak na maniningil ang mga manggagawa sa buong bansa sa mga bigong pangako ng Duterte administration. Thirty six (36) million workforce ang maniningil,” pahayag ni Casilao. Napako aniya ang pangako…

Read More

800K CONTRACTUAL EMPLOYEES SA GOBYERNO NGANGA

worker500

(NI BERNARD TAGUINOD) MANANATILING contractual employees ang may 800,000 manggagawa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno dahil walang inilaang pondo ang Duterte administration para sa kanilang regularization ngayong 2019. Ito ang ipinagbuburyong ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio kaugnay ng ipinasang 2019 national budget at nakatakdang lagdaan ito anumang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte. “No substantial increases in salary been provided for the civilian bureaucracy, nor for the regularization of over 800,000 contractuals working for government (sa 2019 national budget)” ani Tinio kaya dismayado ito. Ayon kay Tinio, matagal na…

Read More