KASAMA po ang bawat isa sa atin sa digmaan laban sa droga, katiwalian sa pamahalaan, terorismo, kriminalidad at iba pang mga ilegal na aktibidad. Bawat Pilipino po ay kasali, walang hindi apektado. Hindi na pwedeng magkibit-balikat ang mga mamamayan dahil ang digmaan ay kasama sila. Umaalma na ang mga kampon ng kadiliman at pinapatay nila ang mga inosenteng Pilipino. Nais nilang huminto ang administrasyon sa pagtugis sa mga masasamang-loob na nakapaloob sa mga komunidad at mismong sa pamahalaan. Wala silang awang pumatay ng mga inosente para guluhin ang kampanya ng…
Read MoreTag: For the Flag
LASON AT HINDI PATABA
PINAG-IINGAT natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagtatanim at pag-aani ng talong at mais. Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim. Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan…
Read MoreBALIK-TANAW SA DENGVAXIA
PANAHON pa ng mga Kastila ay ganoon na lang kung maliitin ang mga Pilipino dahilan kung kaya’t noon pa lang ay nagnais na ang ating mga ninuno na makaalpas sa pang-iinsulto ng mga Kastila at maka-tabla sa kanila sa edukasyon at propesyon. Minana ng oligarkiyang nakabase sa bansa ang kaugaliang iyan, ang masa ay mistulang ipis ngunit kung tutuusin ay ang masa ang bumubuhay sa pinakamalalaking negosyo sa bansa. Nanatiling tungtungan na nga lamang ng mga paa ng oligarkiya ang mamamayan. Nagpasalin-salin ang kaugaliang iyan hanggang umabot sa panahon ni…
Read MoreWALANG PORK
BONGANG-BONGGA ang pasok ng taong 2020 sa ating bansa dahil sa wakas, unang linggo pa lang ng Enero ay ganap ng isang batas ang 2020 General Appropriations Act na nagkakahalaga ng P4.1 Trilyon na buong-buong pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang budget at walang na-veto kahit isang kusing. Malayong-malayo ito sa nangyari noong nakaraang taon kung saan kalagitnaan na ng Abril napirmahan ni PRRD ang 2019 pambansang badyet at may na-veto pang – ‘insertions’ na umaabot sa P95.3 bilyon. Ang super delay na budget ng 2019 ay naging dahilan…
Read MoreLENI PANG-FAKE NEWS
Para kay Leni Robredo ay 1% lamang umano ang epekto ng war on drugs ng pamahalaan. Ngayon sino naman ang maniniwala sa kanya? Anong nangyari sa milyon-milyong sumuko sa pamahalaan? Ano na ang libo-libong naka-graduate sa mga rehabilitation center? Ano na ang bilyon-bilyong pisong nakumpiskang ilegal na droga? Ano na ang mga druglord, drug pusher at drug user na napaghuhuli ng awtoridad? Ano na ang bumukas na kooperasyon ng iba’t ibang bansa ukol sa mga international syndicate ng droga? Mukhang naging bulag at bingi na ang bise presidente. Sa katunayan,…
Read MoreUN TUMULONG NA LANG
Kung totohanan ang intensyon ng United Nations at ng Human Rights Council na tumulong sa Pilipinas, ay maaari silang magbigay ng pondo at donasyon sa pagpapatayo ng kahit isang libong rehabilitation center upang masimulan na ang panggagamot sa daan-daang libong mga sumukong drug addict. Kapag ginawa ito ng UN at HRC malamang lalabas at susuko na rin ang milyon pang drug addicts na mahihikayat ng tulong na ito. Hindi makukuha sa puro satsat ang pagtulong sa bansa, nararapat na pondohan nila ang nais nila. Gusto nilang ,masawata ang droga sa…
Read MoreBALIK-TANAW SA YOLANDA
Ang sakuna ay walang pinipili, mabuti ka man o masama. Nang tumama ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng sibilisasyon, ang buong daigdig ay nanonood sa telebisyon, sa internet, blockbuster ika nga, at ang entabladong napili ng supertyphoon Haiyan, na tinawag nating Yolanda, ay ang Tacloban City. Ang sabi ng pamahalaan noon, handang-handa na ang bansa sa pagdating ng supertyphoon, ngunit nagkamali ito, noong libo-libo na ang nangangamatay, ang sabi ng pamahalaan isa lamang eksaherasyon ang mga ulat dahil sa bilang nito ay nasa ilang daang tao ang namatay at…
Read MoreAYALA, MVP MAKUKULONG
Wala nang atrasan. Tuloy-tuloy na. Naka-todo na pati pato. Ito ang laban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng taumbayan laban sa ganid na water concessionaires. Nakaambang sampahan ni Pangulong Duterte ng kasong economic plunder, syndicated estafa at economic sabotage ang Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Company, Inc. dahil umano sa mapagsamantalang kontrata na pinasok nito sa gobyerno para sa water distribution. Sinabi ng pangulo na handa siyang bumagsak para makipaglaban at makamtan ang hustisya para sa taumbayan ukol sa hindi makatarungang kontrata ng Manila Water na pagmamay-ari…
Read MoreISULONG ANG FEDERALISMO NGAYONG 2020
SIMULAN na ang proseso ng pag-shift pula sa presidential form of government patungo sa federalismo na may anyong parliamentary form of government. Mula rito ay maaari nang tahakin ng bansa ang pagpapalakas sa bawat rehiyon at bawat lalawigan. Sa ngayon kasi ay nasa ilalim tayo ng unitary form of government kung saan lahat ng kapangyarihan at pananalapi ay nakasentro sa pambansang pamahalaan. Kaya mabagal ang pag-usad dahil lahat ng pangangailangan ay kinakailangan pang idulog sa pambansang pamahalaan samantalang ang bawat lalawigan at rehiyon ay may kanya-kanyang pangangailangan na may kakaibang…
Read More