(NI DANG SAMSON-GARCIA) MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013. Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report. “Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero…
Read MoreTag: Gordon
RED CROSS, AAYUDA SA BIKTIMA NG LINDOL
(NI DANG SAMSON-GARCIA) INATASAN ni Senador Richard Gordon, chair ng Philippine Red Cross (PRC), ang lahat ng chapter nito na mag-mobilize at tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao. Kabilang sa mga inatasang tumulong ang PRC chapters sa South Cotabato, Cotabato City/Maguindanao, Sultan Kudarat, North Cotabato, Davao Del Sur, General Santos, at Davao City. Agad na nagpadala ang mga ito ng ambulansiya, rescue teams at emergency personnel sa mga apektadong lugar. Nag-deploy na rin ng assessment teams sa mga lugar na tinamaan ng lindol upang i-monitor ang sitwasyon. Ayon…
Read MoreGORDON SA GOBYERNO: IANGAT ANG KALIDAD NG NURSES
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IGINIIT ni Senador Richard Gordon na dapat tiyakin ng gobyerno na maiaangat ang kalidad ng mga Filipino nurse, nasa gobyerno man o pribadong institusyon. Mangyayari anya ito kung mabibigyan ng nararapat na kompensasyon ang mga nurse. “We are not producing nurses just to send them abroad. We want them to stay and take care of our people and so, we need to give them the salary that they deserve and what has been authorized by the law,” saad ni Gordon. Dahil dito, suportado ni Gordon ang desisyon…
Read MoreRESHUFFLE SA PNP SUPORTADO SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) PINURI ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawa nitong pagbalasa sa Philippine National Police (PNP). Aniya, tama lang na magkaroon ng pagpapalit sa hanay ng PNP matapos na rin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon, at ang mga pagsisiyasat sa Justice and Human Rights Committee na nakalantad ang ‘agaw-bato’ scheme na kinasasangkutan ng 13 mga opisyal ng pulisya na tinaguriang mga ‘ninja cops’. “I would like to commend the President, nagalit siya, nagkaroon ngayon ng overhaul, naglilipatan lahat,” ani Gordon. Una nito, kinumpirma…
Read MorePROTEKSYON SA MGA TESTIGO VS NINJA COPS, TITIYAKIN
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS makatiyak ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na mapakikinabangan sa korte ang lahat ng mga testimonya ng mga resource person na humarap sa pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng ninja cops. Ayon kay Gordon, kinausap na niya si Justice Secretary Menardo Guevarra upang irekomenda na ‘i-perpetuate’ ang testimonya ng mga tauhan ng Mexico, Pampanga Police at ilang barangay officials na tumestigo hinggil sa pagkakaaresto ng grupo ni Police Major Rodney Baloyo sa isang Korean national na si Johnson Lee na kinalaunan ay pinalitan…
Read MoreBI, BoC, PNP PINAIIKOT NG CHINESE DRUG LORDS – GORDON
(NI NOEL ABUEL) NAKIKIPAGSABWATAN sa ilang tiwaling tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BoC) at Philippine National Police (PNP) ang mga Chinese drug lord kung kaya’t bumaha ang illegal na droga sa bansa. Ito ang sinabi ni Senador Richard Gordon, pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights at Blue Ribbon Committee, sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ng mga ninja cop at sa pagre-recycle ng illegal drugs sa bansa. ‘’We are besieged from the outside,’’ ani Gordon. Sinabi ng senador na ang mga Chinese drug…
Read MorePULIS NA ‘NINJA COP’ IBUBUNYAG SA OCT 1; ALBAYALDE GIGISAHIN — GORDON
(NI DANG SAMSON-GARCIA) IPATATAWAG na rin ng Senado si Philippine National Police Chief, Police General Oscar Albayalde sa pagdinig kaugnay sa isyu ng ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng nakukumpiskang droga. Kasabay ito ng umano’y pagbubunyag kung sinu-sino ang mga pulis na nasa listahan ng ninja cop. Nilinaw naman ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na iimbitahan si Albayalde bilang siya ang pinuno ng Pambansang Pulisya. “As PNP Chief, we will invite him,” saad ni Gordon. Sa gitna ito ng umuugong na impormasyon na isa si…
Read MorePERJURY VS BUCOR OFFICIALS
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAGBABALA si Senador Richard Gordon na posibleng maharap sa kasong perjury ang mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinasangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale. Partikular na tinukoy ni Gordon si Correctional Officer III Veronica Buño na batay sa salaysay ng testigong si Yolanda Camilon ay nakausap nito para sa ibabayad niyang P50,000 kapalit ng maagang kalayaan ng kanyang asawang si Godfrey Gamboa. Sa pagdinig noong Lunes, ipinarinig pa ni Camilon ang audio recording ng usapan nila ni Buño subalit itinanggi pa rin…
Read MoreLIFESTYLE CHECK SA BUCOR OFFICIALS , IKAKASA
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Risa Hontiveros na sumailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na isinangkot sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) for sale. Bukod dito, pinagsusumite ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon ng kopya ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN) sina Atty. Fredecir Anthony Santos, chief, Legal Division ng BuCor; Ramoncito Roque, chief ng Documents and Record Section at Major Mabel Bansil. Tiniyak naman ng mga opisyal na handa silang sumalang sa lifestyle check. Kasabay nito,…
Read More