ALVAREZ HINAMON SA ‘VOTE BUYING’ SA SPEAKERSHIP

alvarez12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINAMON ng Makabayan bloc sa Kamara si dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na maglabas ng ebidensya hinggil sa alegasyon nito na P500,000 hanggang P1 milyon ang ipinangako sa bawat kongresista para makuha ang boto ng mga ito sa speakership. “Para sa amin, this is highly unethical, immoral and illegal,” ani ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Kamara nitong Miyerkoles, kaya dapat aniyang pangalanan ni Alvarez ang bumibili ng boto dahil masa-swak ito sa kasong “graft and corruption” kung sakali. Hindi nagbigay ng…

Read More

ILLEGAL NA PAGPAPATAYO NG PALENGKE; MAYOR, VM, 10 PA KINASUHAN

ombudsman1

(NI ABBY MENDOZA) LABINGDALAWANG opisyal ng Cauayan City, Isabela, sa pangunguna ng alkalde at bise alkalde nito ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft matapos itong pumasok sa isang kontrata na pagpapatayo ng public market sa isang pribadong lupa. Kabilang sa kinasuhan sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy, and Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr., City Councilors Edgar M. De Luna, Danilo B. Asirit, Marco Polo A. Meris, Salcedo T. Foronda, Garry G. Galutera, Reynaldo O. Uy, Edgardo A. Atienza, Jr., Bagnos A. Maximo, Victor…

Read More

CAGAYAN MAYOR, VICE MAYOR, SABIT SA P4.9-M GRAFT

sandigan12

(NI ABBY MENDOZA) DAHIL sa pagbili ng mga P4.9 milyon abono na hindi idinaan sa public bidding noong 2004, kinasuhan ng Sandiganbayan ang alkalde, bise alkalde  at 9 na iba pang opisyal ng Tuao, Cagayan. Ayon sa Sandiganbayan nagkaroon ng sabwatan sina Tuao Mayor Francisco Mamba Jr. Vice Mayor William Mamba, administrator Frederick Baligod, municipal treasurer Rodolfo Cardenas, administrative assistants Merlinda Dayag at Jose Palacpac, accounting clerk Anabel Turingan, agricultural officer Teresita Espinosa, clerk Juliana Filipina Padilla, at agricultural technologists Leticia Acob at Petra delos Santos, para sa pagbili ng…

Read More

EX-LAGUNA MAYOR HERMEDES GUILTY SA GRAFT

sandigan12

(Ni FRANCIS SORIANO) GUILTY ang naging hatol ng Sandigangbayan kay dating Mayor Isidro Lebrilla Hemedes ng Cabuyao City, Laguna at kasalukuyang tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna, matapos itong basahan ng hatol sa kinahaharap nitong kaso kaugnay sa paglabag nito sa RA 3019 na kilala rin bilang Anti Graft and Corrupt Practices Act. Ayon sa 20-pahinang resolusyon nitong February 1, 2019 ng 7th Division ng Sandiganbayan, nilagdaan nina Chairperson, Associate Justice Ma.Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta, Associate Justice Zaldy V. Trespeses at Associate Justice Georina D Hidalgo, hinatulan sa graft si…

Read More

NAMEKE NG RESIBO, DIMANJUG CEBU MAYOR SUSPENDIDO NG 90- ARAW

cebu12

(NI ABBY MENDOZA) PINATAWAN ng 90-araw na suspension order ng Sandiganbayan si Dimanjug, Cebu Mayor Efren Gica matapos umano nitong pekein ang resibo ng pagkain sa isang barangay assembly. Ayon sa datos ng Sandiganbayan, nagdagdag ng P10,000 ang alkalde sa resibo. Nabatid na P11,435 ang nasa original na resibo ng pagkain na inihanda ni Gica sa barangay assembly subalit ginawa itong P21,435 Sa isinagawang arraignment noong Enero 23 ay nagpasok ng not guilty plea ang alkalde at binigyan ito ng 10-araw para mag-komento kung bakit hindi sya dapat suspendihin ngunit hindi ito…

Read More

SIMULA NG COUNTDOWN:  SIBAKAN TIME MULI SA GOBYERNO

duterte212

(NI BETH JULIAN) ASAHAN na anumang oras o araw, ilang opisyal ng gobyerno ang inaasahang sisibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang ibinunyag sa talumpati ng Pangulo noong Sabado sa Iloilo kasabay ng pag-amin na dismayado siya sa patuloy na korapsyon sa gobyerno. “Every table in government… it’s greed and there’s always a monkey wrench. Every table ‘yan kung magdaan corruption. Kaya ako pagbalik ko tomorrow, I’ll be firing a lot of people simply for corruption,” wika ni  Duterte. Ayon sa Pangulo, nangyayari ang korapsyon sa pag-aayos ng…

Read More

10-TAON KULONG SA EX-QC OFFICIALS SA 2001 MANOR HOTEL FIRE

sandigan

(NI JEDI PIA REYES) HINATULAN ng Sandiganbayan 7th Division na guilty sa tatlong bilang ng kasong katiwalian ang ilang mga dating opisyal ng Quezon City gayundin ng Manor Hotel kaugnay sa naganap na sunog nuong 2001. Sinintensyahan ng pagkakapiit ng anim hanggang 10 taon bawat kaso sina dating City Engineer Alfredo Macapugay at electrical division chief Romeo Montallana ng Quezon City Engineering Office. Natukoy din na guilty beyond reasonable doubt sina Engineer Romualdo Santos, inspector Gerardo Villasenor, inspector Rodel Mesa; ang mga may-ari at incorporator ng Manor Hotel na sina…

Read More

EX- MAGUINDANAO GOV AMPATUAN GUILTY SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA) NAPATUNAYANG guilty ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa kasong graft, malversation of public funds at falsification of public documents kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga construction materials para sa paggawa ng mga eskuwelahan na hindi naman naitayo noong 2008 at 2009. Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division ay hinatulan ng  walo hanggang 12 taon pagkakakulong si Ampatuan sa kasong graft, 6 na buwan hanggang 8 taon sa bawat isa sa 63 kaso ng falsification of public documents habambuhay na pagkakakulong sa kasong…

Read More

PICHAY PINASUSUSPINDE NG 90-DAYS DAHIL SA GRAFT

pichay12

INIUTOS ng Sandiganbayan ang suspensiyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay dahil sa umano’y chess event na inisponsor nito gamit ang pondo ng gobyerno. Nahaharap si Pichay sa graft at ethics charges dahil sa umano’y illegal na pag-apruba sa pagpapalabas ng P1.5 milyong Local Water Utilities Administration (LWUA) funds noong 2010 para sa chess event. Huwebes ng hapon nang ilabas ang 5-pahinang desisyon na nag-uutos ang Sandiganbayan 4th Division sa Kamara ng 90-araw na suspensiyon kay Pichay. Unang ibinasura ng Sandiganbayan ang argumento ni Pichay na hindi siya maaaring suspendihin…

Read More