GROUNDS NG LEGAL SEPARATION, PINALALAWAK 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Imee Marcos ang panukala na palawakin ang grounds na tatanggapin para sa legal separation. Sa kanyang Senate Bill 1230, iginiit ni Marcos na dapat nang amyendahan ang Family Code of the Philippines. Sinabi ng senador na sa kabila ng kawalan ng divorce law sa Pilipinas, dumarami  pa rin ang nagsasama nang walang kasal. Alinsunod sa panukala, nais ng mambabatas na isama sa grounds ang hindi pagbibigay ng financial support na kadalasang nagiging dahilan ng mental o emotional anguish, maging ng kahihiyan sa partner o…

Read More

DOTr SINISI NG SOLON SA POSIBLENG PAGLUSAW NG ANGKAS

(NI NOEL ABUEL) INILALAGAY ng Department of Transportation (DoTr) ang libu-libong commuters sa panganib at libu-libong drivers ng motorsiklo. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan sinisisi nito ang nasabing ahensya dahil sa maraming driver ng kumpanyang Angkas ang nawawalan ng trabaho dahil nagpapataw ito ng mga bagong limitasyon sa operasyon nito. Giit ni Marcos, walang tamang konsultasyon o debate, ang nangyari sa pagitan ng DoTr at ng kinatawan ng Senado, Kamara, Philippine National Police (PNP), Metro Manila Development Authority (MMDA), at ng motorbike ride-hailing companies, kasama na ang…

Read More

DEATH PENALTY BUHAYIN — IMEE 

(NI NOEL ABUEL) DAPAT nang pag-isipan ng pamahalaan na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa bunsod na rin ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng nangyaring Maguindanao massacre. Ito ang panawagan ni Senador Imee Marcos kung saan napapanahon na umano ang pagbuhay muli ng parusang kamatayan para sa mga krimen ng hindi mailarawan na antas ng kalupitan at hindi pagkatao. “The scope of the Revised Penal Code at present does not fathom the horror suffered by the relatives of the brutally murdered victims, specially of the Mangudadatu family and the…

Read More

GRAB GIGISAHIN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) SINUSUBOK umano ng ride hailing transport network na Grab ang pasensya ng kanilang mga pasahero, dahil sa dami ng usaping kinasasangkutan nito. Ito ang galit na pahayag ni Senador Imee Marcos matapos ulanin ng reklamo ang Grab dahil sa lampas-dobleng singil sa pasahe gayong nakipagkasundo ito sa gobyerno na lilimitahan ang fare hike ngayong Disyembre sa 22.5 porsyento lamang. “Monopolisado ng Grab ang ride-hailing service kaya nila nagagawa ito. Dapat maging mapagbantay tayong lahat lalo na ang mga nasa gobyerno at huwag palusutin nang basta na lang…

Read More

OPERASYON NG ANGKAS SAGOT SA TRAPIKO — IMEE

angkas99

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na payagang makapag-operate ang motorcycle-for-hire services na Angkas para makatulong sa publiko na mabawasan ang matinding trapiko sa bansa. Ayon sa senador, sa inihain nitong Senate Bill 409 layon nito na payagan ng ahensya ang Angkas na gawing lehitimo at alternatibong sasakyan ng publiko sa gitna ng matinding sikip ng trapiko, at na makapagbibigay din ng dagdag trabaho. “Sana umangkas na ang LTFRB sa diwa ng Pasko at regaluhan na ng siguradong trabaho ang mga…

Read More

CEASEFIRE SA AFP SA KAPASKUHAN IGINIIT

afpnpa66

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA si Senador Imee Marcos sa Armed Forces of the Philippines (AFP)  na magpatupad ng isang unilateral ceasefire para higit na maipagdiwang ng mga sundalo na nakabase sa mga kanayunan, kabilang na ang mga sibilyan, ang darating na Kapaskuhan. Iminungkahi ni Marcos na maaaring gawin ang unilateral ceasefire ng AFP ng dalawang araw simula sa Disyembre 24 hanggang 25 para mabigyan ng daan ang mapayapang pagdiriwang ng Pasko. “Malaking bagay ang dalawang araw na ceasefire sa mga sundalo natin.  Ang makapiling nila ang kanilang mga pamilya kahit sa…

Read More

DENR, DOT, DA KINALAMPAG SA NAGLALAHONG BANAUE RICE TERRACES

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Imee Marcos ang mga ahensya ng pamahalaan na agarang kumilos bago pa mahuli ang lahat at hindi na makita ng mga kabataan ang ganda ng Banaue Rice Terraces sa Ifugao. “Nananawagan ako sa lokal na pamahalaan ng Ifugao, sa Department of Environment and Natural Resources, sa Department of Tourism at maging sa Department of Agriculture, magtulungan tayo rito. Pangalan ng bansa ang nakataya rito,” giit ni Marcos. Aniya, hindi sapat ang aksyon ng naturang mga sangay ng pamahalaan na dapat tumutok sa problema ng Banaue…

Read More

VAT SA MGA GAMOT PINAAALIS KUNG PALPAK ANG UHC

gamot

(NI DANG SAMSON-GARCIA) DAHIL malabo pang maaprubahan ang panibagong Sin Tax bill na magpopondo sa Universal Healthcare Law, binuhay ni Senador Imee Marcos ang kanyang panukala na tanggalin na ang value added tax sa lahat ng prescriptive medicines. Sinabi ni Marcos na ganitong paraan anya makatutulong ang gobyerno sa publiko upang maibsan ang bigat ng kanilang pasanin sa pagpapagamot. Mistula ring inamin ng senador na nababahala siya kung kakayanin ng Department of Health (DOH) na pamahalaan ang malaking pondo gayung ngayon pa lamang ay nababalot na sila ng iba’t ibang…

Read More

CHRISTMAS BONUS DAPAT IBIGAY — IMEE

(NI NOEL ABUEL) UMAPELA ngayon si Senador Imee Marcos sa mga may-ari ng malalaking kumpanya na magbigay ng Chirstmas bonus sa kanilang mga empleyado para higit na maipagdiwang ng mga ito ang araw ng Pasko. Ayon kay Marcos, bagama’t hindi itinatakda sa batas ang pagbibigay ng Christmas bonus, ang mga malalaking kumpanya o maunlad ang negosyo ay maaaring boluntaryong  magbigay ng Christmas bonus sa kanilang mga empleyado. “Kung maganda naman ang takbo ng negosyo ng isang kumpanya, pwede naman kahit grocery pack o P2,000 o higit pa  ang ibigay sa…

Read More