P6-B DAGDAG SA 2019 NAT’L BUDGET IGINIIT

(NI NOEL ABUEL) ISINUSULONG sa Senado ang pagdaragdag ng P6 bilyon sa 2019 national budget na gagamitin sa unconditional cash transfer sa mga magsasaka ng bigas sa bansa. Inihain ni Senador Francis Pangilinan  ang Senate Bill 1191 na nagsasaad ng P6 bilyong supplemental budget para sa direct cash transfers sa mga mahihirap na rice farmers na mayroong sinasakang isang ektaryang lupain pababa upang makatugon sa pagbagsak ng presyo ng bigas dahil na rin sa pagdagsa ng mga imported na bigas. Tiwala aniya ito na makalulusot ang panukala nito lalo na…

Read More

SEN. KIKO, SHARON FEELING HONEYMOONERS SA JAPAN

(NI PETER LEDESMA) HINDI naman araw-araw ay nagkakaroon ng time para sa isa’t-isa ang mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan.” Kaya nang magkaroon ng pagkakataon na makapag-travel ay fly agad sila Tokyo,Japan last Nov. 18, 2019.  Feeling honeymooners. Aliw ang mag-asawa habang kumakain sa isang  resto  na nilolutaan sila ng chef ng favorite ni Sharon na shabu-shabu. Sa trip nilang iyon ay walang phone calls na sinagot si Shawie. Posted ni megastar sa kanyang  Facebook account: “Kiko had a conference from morning ‘til night on Nov. 19 and I…

Read More

ABANDONADONG LUPA NG GOBYERNO, TANIMAN – SOLON

(NI NOEL ABUEL) DAPAT gamitin ang mga abandonadong lupang pag-aari ng pamahalaan para magamit na pagtaniman ng mga pagkain bilang tugon sa kahirapan sa bansa. Ito ang panawagan ni Senador Francis Pangilinan sa gobyerno kung saan dapat aniyang samantalahin ang mga bakanteng lupa na pag-aari ng pamahalaan para pagtaniman ng mga gulay at iba pang pagkain. “Sa ating mga tahanan, pwede tayong mag-umpisa sa pagtatanim ng mga herb gardens, kahit sa mga paso. Bukod sa ligaya sa matitipid sa grocery bills, meron pang ligaya sa pagpitas at pagkain ng sarili…

Read More

MAGSASAKA SAGIPIN – SOLON 

(NI NOEL ABUEL) “HUWAG hintaying patay na ang kabayo, ipatupad na ang mga magsasalba sa mga magsasaka”. Ito ang giit ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan dahil sa umano’y sinasapit na problema ng mga magsasaka sa bansa kung kaya’t naaalarma na ito na posibleng tuluyang malugi ang mga ito. Aniya, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa loob ng walong taon ay bumagsak ang presyo ng palay sa P15.96. Idinagdag pa nito, ang mas mababa ito sa 1.5  porsiyento noong nakalipas na linggo at 30.1 porsiyento kung ikukumpara noong nakalipas na…

Read More

2 BATAS NG CHINA GAGAMITING SPY SA ‘PINAS — KIKO

kiko23

(NI NOEL ABUEL) MULING nagbabala si Senador Francis Pangilinan na malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa kasunduang pinasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng third telecommunications player Dito Telecommunity Corp. para magtayo ng tower sa loob ng military bases ng bansa. Giit ni Pangilinan, dalawang batas ng China ang gagamitin umano ng nasabing bagong telecom  company para makakalap ng mahahalagang impormasyon sa bansa. “There is a national security concern. Alam mong merong batas, dalawang batas ang China, iyong National Intelligence Law of 2017, at iyong…

Read More

‘PHL MAY ‘K’ MAG-EXPLORE SA EEZ KAHIT WALA ANG CHINA’

kiko23

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan ang Malacanang  na isapubliko ang kasunduan sa China hinggil sa oil exploration sa West Philippine Sea at iginiit  na may karapatan ang Pilipinas na i-explore ang resources sa exclusive economic zone (EEZ) kahit wala ang China. “Teritoryo natin ito at likas-yaman natin ito. Karapatan nating mga Pilipino na malaman ang mga detalye nito,” saad ni Pangilinan. Iginiit ni Pangilinan na dapat isumite ng Executive department ang report ng naturang kasunduan sa Senado. “Kailangan alam ng taumbayan ang laman ng kasunduan. Sila ang…

Read More

P20-B AYUDA SA NALULUGING FARMERS INIHIRIT

farmers55

(NI ESTONG REYES) HINILING ni Senador Francis Pangilinan na kaagad magpalabas ng P20 bilyon upang ayudahan ang naluluging magsasaka sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law. Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice kaya dapat ayudahan sila ng pamahalaan. “Filipino farmers hurting from the deluge of imported rice should immediately get P20 billion emergency cash assistance from collected tariffs and unprogrammed funds under the Rice Tariffication Act, ayon kay Pangilinan. Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang ipalabas ang cash relief…

Read More

KIKO: DE LIMA PALAYAIN NA

Kiko, de lima

HINILING ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na palayain na ang nakakulong na si Senador Leila de Lima. Sa diwa umano ng kapaskuhan, sinabi ni Pangilinan sa gobyerno na dapat na umano’y lumaya si de Lima base na rin sa pakiusap ng United Nationas Human Rights Council’s Working Group on Arbitrary Detention. Si de Lima ay patuloy na nakakulong sa Camp Crame dahil sa mga kaso sa droga na isinampa laban sa kanya. Sa 13-pahinang Opinion, sinabi ng UN council na ‘arbitrary’ at may paglabag sa ilang probisyon ng Universal Declaration…

Read More