101 DISTRICT CONGRESSMEN LILISAN NA SA KONGRESO 

congress123

(NI BERNARD TAGUINOD) MALIBAN sa mga natalong party-list congressmen, aabot sa 101 district congressmen ang magpapaalam na sa Kongreso simula sa tanghali ng Hunyo 30. Ito ang lumabas sa pagsasaliksik ng Saksi Ngayon ukol sa naging resulta ng katatapos na midterm election at kung sino ang hindi na makasasama sa 18th Congress . Base sa datos, umaabot sa 62 incumbent congressmen ang matatapos ang termino sa Hunyo 30, 2019 kaya hindi na nakatakbo muli ang mga ito para maging myembro ng Kapulungan sa 18th Congress. Sa ilalim ng Saligang Batas, hanggang tatlong…

Read More

POWER PLANT NA LAGING NASISIRA PAGBAYARIN NA

powerplant12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGKASUNDO sa Kamara na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang mapanagot ang mga planta ng kuryente na laging nasisira tuwing panahon ng tag-init na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng kuryente. Sa Joint Congressional Power Commission (JCPC) hearing na pinangunahan ni House committee on energy chair Lord Allan Velasco, napagkasunduan din na maglagay ng scorecard sa mga planta ng kuryente at magkaroon na ng Standardization ng Power Supply Agreement (PSA). Kailangan din aniyang magkaroon ng direktang benepisyo ang mga consumers sa mga lugar…

Read More

KAMARA HAPPY SA GOOD RATING SA SWS SURVEY

congress1

(NI BERNARD TAGUINOD) MASAYA ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makakuha ng “good” rating sa pinakahuling ‘satisfaction rating” survey ng Social Weather Station (SWS). Ayon kay House Majority leader Fred Castro, hindi umano umubra ang paninira sa kanilang kapulungan lalo na sa usapin ng 2019 national budget kung ang SWS survey ang pagbabasehan. “The increase in high approval rating of the House of Representatives is much appreciated by its members considering the negative accusations thrown in its path months before,” ani Castro. Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod…

Read More

GOVERNMENT OFFICES PINAGTITIPID NG KURYENTE

power12

(NI ABBY MENDOZA) SA harap na ng nararanasang kakapusan ng supply ng kuryente dala ng mataas ma demand dulot ng sobrang init, umapela ang isang mambabatas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga establisimyento na gumawa ng hakbang para makatipid ng kuryente. Ayon kay House Committee on Energy Vice Chairman Roman Uybarreta, karaniwang malaki ang kinukunsumong kuryente sa mga governent offices, mga establisimyento at iba pang tanggapan at kung magtitipd umano ang mga ito ay maiiwasan na magkaroon ng madalas na  rotational brownouts at pagtaas ng power demand, partikular sa…

Read More

PAGTAAS NG RENTA NG BAHAY IKINABAHALA

house12

(NI BERNARD TAGUINOD) LABIS na ikinabahala ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pataas nang pataas na renta ng mga bahay kasama na ang mga kuwarto dahil ang mga mahihirap ang apektado dito. Ayon kay 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero, kailangang mapigilan ang pagtaas ng upa ng mga bahay habang hindi nareresolba ang problema sa pabahay sa bansa dahil ang nagdudusa umano dito ang mga dukha. Ginawa ng mambaatas ang pahayag matapos lumabas sa consumer price index na mula Marso 2018 hanggang Marso 2019 ay tumas ng 2.9%…

Read More

PLANONG PAG-ALIS NG PROV’L BUS STATION SA EDSA HINARANG  

busterminal12

(NI BERNARD TAGUINOD) NAKIALAM na ang Mababang Kapulungan sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na alisin ang mga provincial bus station sa kahabaan ng Edsa sa paniwalang hindi naman umano nakakasabal sa trapiko. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, pahirap lamang umano sa mga taga- Bicol region at Northern Luzon ang plano ng MMDA na alisin sa Edsa ang mga bus stations kaya muli niya itong hinaharang. “Provincial buses ferrying passengers and their cargos from Albay and the rest of the Bicol Region as well as those from…

Read More

EBIDENSYA SA P74-B ‘PINAKIALAMAN’ NG SENADO INILANTAD

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD) ISINAPUBLIKO na ng liderato ng Kamara ang mga dokumento na magpapatunay na umaabot sa P74 Billion ang halaga na pinakialaman ng mga senador sa 2019 national budget subalit ayaw nilang idetalye kung saan nila ito dinala. Ang hakbang ay ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya matapos tawagin  ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “delusional” o “kahibangan” ang inilantad ng Kamara na pondong pinakialaman ng mga senador. Inilabas ni Andaya ang 22-pahinang dokumento upang ipakitang hindi gawa-gawa ang paratang ng Kamara. Kabilang na rito…

Read More

KABATAANG NABUNTIS NANG WALA SA ORAS ‘AALAGAAN’ NG DoH

buntis12

(NI BERNARD TAGUINOD) BABAHAY-BAHAYIN na o personal nang pupuntahan sa kani-kanilang bahay ng mga health professionals ang mga kabataan na nabuntis nang wala sa oras at walang asawa para asistehan ang mga ito at ang batang nasa sinapupunan. Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Women and Gender Equality na pinamumunuan ni BH party-list  Rep. Bernadette Herrera-Dy ang House Bill 5768 na naglalayong magkaroon ng “maternal and infant health home visiting program” ang Department of Health (DoH). Ayon kay Cagayan de Oro City Rep. Maximo Rodriguez, Jr., may-akda sa nasabing panukala, personal nang pupuntahan ng mga health…

Read More

NARCO LIST MAHIGIT 1 TAON ‘TRINABAHO’

pdea

(NI JESSE KABEL) TALIWAS sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang hawak na matibay na ebidensiya para sampahan ng kaso ang 46 na tinaguriang narco politician, naglabas naman ng statement ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinabing sumailalim sa matinding pagtitiktik ang mga sangkot bago inilabas ang listahan. Ayon sa PDEA ang  46 narco-politicians, na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay produkto ng mahigit 14 buwan na  revalidation ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of…

Read More