VOTER’S REGISTRATION GAGAWIN SA MALLS, SCHOOLS

COMELEC-5

(NI HARVEY PEREZ) MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng voters’ registration sa mga paaralan at malls upang maabot ang mga bagong botante. Nabatid na ang dalawang buwan na voters’ registration ay magsisimula sa  Agosto 1 hanggang Setyembre 30 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Nabatid sa Twitter account ng Comelec na magkakaroon din ng   satellite registration sa loob ng mga pribadong establisimyento at   educational institutions  para mahikayat ang mas maraming tao na magparehistro. “Comelec will be using satellite registration venues like malls and schools to ensure that…

Read More

MALLS SA HIGHWAYS IPAGBABAWAL NA

MALL NEAR HIGHWAYS

(Ni BERNARD TAGUINOD) KAPAG naipasa ang isang panukalang batas sa Kongreso, bawal na ang pagtatayo ng mga malls, sport exhibition and convention centers at iba pang kahalintulad na establisyemento sa tabi ng highways o pangunahing mga kalsada. Naiendorso na ni House committee on transportation chairman Cesar Sarmiento sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 9100  “Anti-Expressway Motor Vehicle Traffic Congestion Act of 2019” na inakda ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., sa plenaryo ng Kamara para aprubahan. Sa ilalim ng nasabing panukala, kailangang may layong 3 kilometro sa exit at entrance ng…

Read More