(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI maglalaan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng kahit isang sentimo para pambayad sa Manila Water at Maynilad. Ito ang tiniyak ni AKO Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin kasunod ng ipinanalong kaso ng dalawang water concessionaires sa Singapore Arbitration Tribunal na kailangan silang bayaran ng halos P11 Billion dahil hindi sila pinayagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na magtaas ng singil mula noong 2015 hanggang 2017. “Congress has the power of the purse. Not a single centavo of public funds will go to Manila Water and Maynilad…
Read MoreTag: Manila Water
MANILA WATER KUMITA NG P6.5 BILLION NOONG 2017 – SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI nalugi bagkus ay kumita pa ang Manila Water ng P6.5 bilyon noong 2017. Ito ang nabatid kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga Jr., kaya nais nitong paimbestigahan ang concession agreement sa pagitan ng Manila Water at Maynilad sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Magugunita noong Nobyembre 29, ay nagbaba ng desisyon ang Singapore Arbitration Tribunal na nag-aatas sa MWSS na bayaran ng P7.4 Billion ang Manila Water dahil nalugi umano ang nasabing concessionaire nang hindi sila payagan na magtaas ng singil sa tubig noong 2015 hanggang…
Read MoreSENADO KIKILOS VS MANILA WATER, MAYNILAD
(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat busisiin ang kontrata ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water Co. Ayon kay Senador Francis Tolentino, may oversight function ang Kongreso dahil sila ang nagbigay ng prangkisa kaya’t may kapangyarihan din silang busisiin ang pagtupad ng mga kumpanya sa kontrata. “As the one who gave the franchise, that’s part of the oversighy of Congress. Probably it will lead to that investigation,” saad ni Tolentino. “The President is always on the side of the…
Read MoreATRASO NG MANILA WATER PAPASANIN NG CONSUMERS?
(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG tataas ang bayarin sa tubig ng mga customer ng Manila Water kapag naipatupad ang P7.4 Billion na naipanalong kaso ng nasabing water concessionaires sa Singapore Arbitration Panel. Dahil dito, lalong gigil sina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares na muling rebyuhin ang concession agreement sa gobyerno ng mga water concessionaire. Ayon sa dalawa, nagdemanda ang Manila Water sa Singapore Artibration Panel matapos hindi payagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga ito na magtaas ng singil noong 2015.…
Read MoreKONTRATA NG MANILA WATER, MAYNILAD IPAREREPASO KAY PDU30
(NI NOEL ABUEL) IPINAREREPASO ng isang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kontratang pinasok ng dalawang water concessionaires na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. dahil sa sinasapit na kahirapan ng taumbayan sa supply ng tubig. Sinabi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na hihilingin nito kay Pangulong Duterte na i-review ang kontrata ng mga nasabing water supplier dahil sa hindi ito pumapabor sa mga consumers. “Yes dapat ipa-review ng Pangulo. I will suggest to the President na i-review ‘yung kontrata na hindi po pabor sa taumbayan,” sabi…
Read More888-M LITRO TUBIG NASASAYANG ARAW-ARAW — SOLON
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI magkakaroon ng shortage sa tubig sa Metro Manila kung aayusin lamang ng dalawang water concessionaires ang kanilang mga linya dahil 888 million litro umano ng tubig kada araw ang nasasayang. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaya kailangan umanong ayusin ang linya ng tubig ng Manila Water at Maynilad upang hindi magdusa ang kanilang mga customers. Ayon sa mambabatas, lumalabas sa pag-aaral ng Water for the Peoples Network (WPN) na noong 2018, umaabot sa 888 MLD (million liters a day) ang nasasayang dahil…
Read MoreKONTRATA NG MAYNILAD, MANILA WATER SISILIPIN SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) DAPAT managot ang mga opisyales ng Maynilad at Manila Water kaugnay ng sunud-sunod na krisis sa tubig ng halos 15-milyong consumer sa Metro Manila at karating lalawigan. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan dapat aniyang mapanagot ang nasabing mga water concessionaires. Ginawa ni Marcos ang panawagan sa abiso ng Maynilad at Manila Water companies na magpapatupad ang mga ito ng araw-araw na rotational service interruptions sa mga konsyumer simula ngayon, Oktubre 24. Giit ni Marcos na dapat pinaghandaan ng dalawang water concessionaires ang nasabing krisis…
Read MoreWATER INTERRUPTION UMPISA NA BUKAS
(NI DAHLIA S. ANIN) MAGSISIMULA na ngayong Oktubre 24, alas-10 ng gabi ang rotational water interruption na maaring umabot ng hanggang 18-oras, ayon sa Maynilad at Manila Water. Sa tala ng Pagasa, muling bumaba sa 186.23 meters ang tubig sa Angat mula sa 186.46 noong Martes. Hindi pa masabi ng pamunuan ng mga water concessionaire kung hanggang kailan ang titiisin ng publiko dahil nakadepende sa antas ng dam ang sitwasyon. Ayon kay Maynilad Media Relations Assistant Manager Grace Laxa sa panayam sa radyo, mananatili pa rin sa 40 cubic meters…
Read MoreMAYNILAD, MANILA WATER MANANAGOT SA SENADO
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng ilang senador na mananagot ang Manila Water at Maynilad Water Services at hahalukayin ang kontrata at accomplishment record ng mga ito kung nanamantala sa taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos kung saan isinusulong nito ang imbestigasyon laban sa dalawang water concessionaires. Sa inihain nitong Senate Resolution 259, sinabi ni Marcos na kailangan busisiin ng Senado ang mga orihinal at pinalawig na concession agreement ng dalawang water companies upang malaman kung paano nalagay sa alanganin ang gobyerno at kung bakit hindi nila naisagawa ang kanilang…
Read More