NABABAHALA SA NCOV SEX WORKERS IWAS MUNA SA CHINESE

TAGUM City – Iniwasan muna ng sex workers ang pakikipagtalik sa mga Chinese na kustomer dahil sa takot na mahawa sa kinatatakutang sakit na 2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD). Sinabi ni alyas Jessa, 21, nagtratrabaho bilang GRO o kilala sa tawag na “Angel of the Night” sa mga bahay aliwan ng lungsod, ikinababahala niya na madapuan siya ng 2019 nCoV kaysa magkaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) o Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), dahil marunong na silang umiwas sa HIV sa pamamagitan ng paggamit ng condom  habang nakikipagtalik sa…

Read More

SENIOR HIGH STUDENT ISINAILALIM SA QUARANTINE; NCOV SCARE SA UE

UMAPELA ang administrasyon ng University of the East (UE)  sa kanilang mga estudyante na maging kalmado makaraang maalarma kaugnay sa 2019 Novel Coronavirus. Ayon sa  UE Dawn, student publication ng nasabing unibersidad, wala pang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV sa kanilang paaralan ngunit may isang estudyante ang isinailalim sa Person Under Investigation (PUI) para sa nasabing sakit. Nabatid na ito umano ay isang senior high school student na ini-admit at isinailalim sa quarantine sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc. (UERMMMCI). Sanhi ng nabanggit na balita…

Read More

DAHIL SA NCOV OUTBREAK; ASEAN PARAGAMES DELIKADO

NIREKOMENDA ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkansela sa Asean Paragames na gaganapin sa Marso 21 hanggang 27 dahil sa novel corona virus (nCov). Ito ang inanunsiyo ni PSC chairman William Ramirez sa press conference kahapon sa Rizal Memorial Coliseum kasunod ang emergency board meeting nila noong Miyerkoles. Nauna nang inurong ang schedule ng 10th Asean Paragames sa Marso, mula sa orihinal na Enero 18 hanggang 25, dahil sa kakulangan ng pondo at logistical considerations. Ngunit ang PSC ay organizing committee lamang at ang pinal na desisyon ay nasa Philippine…

Read More

ABL ‘DI NAKALIGTAS SA NCOV

ILANG games ng Asean Basketball League (ABL) ang nakansela dahil sa ipinatutupad na travel restrictions sa ilang bansang kasali sa kompetisyon bunga ng novel coronavirus outbreak. Ayon sa ABL, binibigyan lang nila ng prayoridad ang kalugusan ng kanilang teams, players, personnel at fans. Narito ang listahan ng iba pang na-reschedule na games: Formosa Dreamers vs. Hong Kong Eastern sa Pebrero 8, sa Changhua County Stadium, Changhua, Taiwan; Kuala Lumpur Dragons vs Macau Black Bears sa Peb. 9, sa MABA Stadium, Kuala Lumpur, Malaysia; Formosa Dreamers vs Hong Kong Eastern sa…

Read More