PULIS NA NASA GOLF COURSE, BARS PARURUSAHAN NI SINAS

(NI ROSE PULGAR) HINDI lang sa mga mamamahayag naghigpit ang acting director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si Police Brig. Gen. Debold Sinas, maging sa mga kapulisan ay kanyang ring pinababantayan. Nitong Sabado, nagpakalat ng ‘red teams’ ang NCRPO para bantayan ang mga pulis na naglalaro ng golf kapag weekdays at nag-iinom at pumupunta sa nightclubs. Ayon kay Brig. Gen. Debold Sinas, ang red teams ay bubuuin ng mga pulis na galing sa Central Visayas kung saan siya huling nanilbihan bilang regional police director. Ito ay para…

Read More

200 PULIS SA NBP INALIS NI SINAS

(NI JG TUMBADO) GALIT na ipina-recall ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig. General Debold Sinas ang nasa 200  mga pulis na naitalaga sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa. Sa kanyang kautusan bilang bagong pinuno ng NCRPO, sinalubong agad si Sinas ng negatibong ulat kaugnay ng pagkakasangkot ng nasa 16 pulis na nahuling nagpupuslit ng kontrabando sa loob ng bilibid. Ayon kay Sinas, makikipag-usap umano siya sa mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) para talakayin ang insidente. Aalamin din ni Sinas kay BuCor chief Gerald Bantag…

Read More

DRUG QUEEN NG NINJA COPS UMESKAPO NA NG PINAS 

ncrpo

(NI ROSE PULGAR) KINUMPIRMA ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakalabas na ng bansa ang tinaguriang ‘drug queen’ sa lungsod ng Maynila na naunang ibinunyag nitong Martes. Base sa huling report ng NCRPO dumating si Guia Gomez Castro, ang tinaguriang drug queen mula Vancouver, Canada, nitong Setyembre 18, sakay ng Philippine Airline flight PR 119. Batay sa record ng NCRPO, nagkaroon pa umano ng posisyon si Castro sa isang barangay sa lungsod ng Maynila. Wala umanong derogatory records si Castro kaya’t  malaya umano itong makabiyahe palabas ng bansa.…

Read More

TRACKER TEAMS VS PUGANTE NG GCTA IKINALAT NA NG NCRPO

(NI KOI HIPOLITO) IKINALAT na ngayon araw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tracker teams na tutugis sa napalayang inmates sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Ito ay matapos ang 15-araw deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte hatinggabi ng Huwebes. Paalala ni NCRPO Chief PMGen. Guillermo Eleazar sa mga GCTA benificiaries na hindi nagpakita at ayaw sumunod sa utos ni Duterte, ituturing na silang mga pugante at isasailalim na sa warrantless arrest. Nagpakalat na rin umano sila ng mga tauhan na kumakatawan sa 26…

Read More

NCRPO HANDANG-HANDA NA SA SONA BUKAS

(NI NICK ECHEVARRIA) HANDA na ang lahat ng seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikaapat na  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Lunes (July 22). Ayon kay NCRPO director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa full alert status  ang buong kapulisan kung saan 14,000 mga police personnel ang naatasang magbigay ng seguridad sa 2019 SONA ng Pangulo, 9,162 dito ang  itatalaga sa Quezon City na mangangalaga sa paligid ng Batasang Pambansa. Kasalukuyang nasa pre-deployment position na ang kanilang mga operatiba at…

Read More

HIGIT 14,000 PULIS IKAKALAT SA SONA

ncrpo66

(NI ROSE PULGAR) AABOT sa 14,000 mga pulis ang ikakalat ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila partikular sa Batasan Complex upang magbigay ng seguridad sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ngayong Lunes ni NCRPO Director, P/Major Gen. Guillermo Eleazar na 12,000 sa bilang ang magmumula sa NCRPO at mga police districts habang nasa 2,000 pa ang magmumula sa ibang Regional Office at ibang units. Daragdag pa rito ang nasa 1,000 force multipliers kaya abot…

Read More

NAGYOYOSI SA BAWAL NA LUGAR PINAKAMARAMI SA MM

ncrpo22

(NI NICK ECHEVARRIA) HALOS umabot na sa 1,200,000 na mga pasaway ang inaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa Kalakhang Maynila. Sa ipinalabas na datos ni P/MGen. Guillermo Eleazar, Director ng NCRPO, nasa kabuuang 1,191,090 na mga lumabag ang nadakip simula June 13, 2018 hanggang nitong July 5 sa Metro Manila. Sa mga nadakip na pasaway ang mga lumabag sa smoking ban ang may pinakamalaking bilang na naitala na 277,048 katumbas ng 23.26 percent ng kabuuang bilang. Sinundan ito…

Read More

METRO POLICE NAKAALERTO SA TWIN SUICIDE BOMBING SA SULU

ncrpo

(NI JESSE KABEL) SIMULA Biyernes ng hapon ay itinaas ng Philippine National Police (PNP) ang alerto sa lahat ng kanilang puwersa sa buong bansa kaugnay sa naganap na twin suicide bombing sa Tanjung, Indanan Sulu, na ikinamatay ng lima katao, kabilang ang tatlong sundalo. Habang umakyat naman sa 12 ang malubhang nasugatan sa huling ulat na ibinahagi ni Western Mindanao Command spokesperson Maj. Arvin Encinas. Sa Metro Manila, agad  na nagdeklara ng full alert status si PNP National Capital Regional Police Office Director P/Mgen Guillermo Eleazar simula alas 6:00 Biyernes…

Read More

NCRPO PINALAKAS SA OPENING NG KLASE SA PRIVATE SCHOOLS

police

(NI NICK ECHEVARRIA) NANANATILI ang mga kapulisan sa kanilang mga pwesto na nauna nang inatasan para mangalaga sa pagbubukas ng klase at sa pagkakataong ito ay sa mga pribadong eskuwelahan naman sa Metro Manila. Ito ang ipinahayag ni P/MGen.  Guillermo Eleazar, Director of National Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Linggo, matapos bigyang kautusan ang limang police district na nasasakupan nito na palawigin ang kanilang security measures sa mga lugar malapit sa mga private scholls. Kabilang sa limang police districts na sakop ng NCRPO ang  Manila Police District (MPD), Quezon City Police District…

Read More