(NI JEDI PIA REYES) IPINAGHARAP ng patung-patong na mga reklamo sa Office of the Ombudsman si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa kontrobersya na pagpaparenta sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng gusaling pag-aari ng pamilya ng kalihim. Mga kasong plunder, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials ang inihain ng mga magulang ng umano’y mga nasawi dahil sa dengvaxia vaccine. Inakusahan ng mga complainant si Duque ng conflict of interest sa pagpayag ng kumpanya ng kanyang pamilya…
Read MoreTag: ombudsman
CARANDANG TULUYANG SINIBAK; POSISYON BAKANTE PA — PALASYO
(NI BETH JULIAN) TULUYAN nang sibak sa puwesto si overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang. Ito ang kinumpirna ni Execitive Secretary Salvador Medialdea matapos ibasura ng Office of the President ang motion for reconsideration ni Carandang. Binigyan-diin ni Medialdea na parehong argumento ang iprinisenta ni Carandang sa kanyang MR o ang patuloy nitong paggiit na hindi hurisdiksyon ng Office of the President ang nasabing kaso. Sinabi pa ni Medialdea na hindi rin sila kumbinsido sa huling paliwanag ni Carandang kung bakit isiniwalat niya sa media ang mga impormasyong hindi dapat…
Read MorePANIBAGONG KASO VS GOV-ELECT NG N. COTABATO ISINAMPA
(NI BONG PAULO) KIDAPAWAN CITY – Nahaharap sa panibagong kaso na may kaugnayan pa rin sa fertilizer scam, si North Cotabato Governor-elect Nancy Catamco. Ang kaso ay inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong Mayo 17. Kasama sa mga idinadawit sa nasabing kaso ay ang dating mister ni Catamco na si Pompey Perez at ang dating alkalde na si Orville Fua ng Lazi, Siquijor. Nag-ugat ang nasabing kaso matapos na ma-award sa Perzebros Co., ng Lazi municipal government, ang kontrata na pag-aari nina Catamco at Perez para mag-supply ng 1,866 litro…
Read MoreEX-SIQUIJOR MAYOR KINASUHAN NG GRAFT
KINASUHAN ng graft ang dating mayor ng Lazi town, Siquijor dahil sa umano’y iligal na pagbili ng fertilizer na nagkakahalaga ng P4.9 milyon noong 2004. Si dating mayor Orville Fua, Lazi town, Siquijor at anim iba pang opisyal at dalawang pribadong indibidwal ay kinasuhan dahil sa umano’y iligal na aktibidad. Maliban kay Fua, kinasuhan din ng Office of the Ombudsman sina municipal accountant Ana Marie Leilani Monte; municipal treasurer/bids and awards committee (BAC) member Rose Marie Tomogsoc; BAC chair Ivan Marchan; dating municipal engineer Natalio Jumawan Jr.; dating private secretary…
Read MoreLA UNION MAYOR SINUSPINDE NG OMBUDSMAN
SINUSPINDE ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng San Fernando City, La Union dahil sa umano’y maanomalyang paggastos sa pondo ng lokal na pamahalaan. Isang barangay chair ang unang nagreklamo dahilan para irekomenda ang suspensiyon sa Department of Interior and Local Government laban kay Mayor Hermigildo Gualberto. Sinabi ni Barangay Cadaclan captain Samuel Jucar na hindi umano nagamit nang tama ni Cadaclan ang development fund sa San Fernando City noong 2018. Ang naturang pondo ay ginamit umano sa rehabilitasyon ng city plaza. Sa kanyang panig, mahigpit na idinepensa ng…
Read MoreILLEGAL NA PAGPAPATAYO NG PALENGKE; MAYOR, VM, 10 PA KINASUHAN
(NI ABBY MENDOZA) LABINGDALAWANG opisyal ng Cauayan City, Isabela, sa pangunguna ng alkalde at bise alkalde nito ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman ng kasong graft matapos itong pumasok sa isang kontrata na pagpapatayo ng public market sa isang pribadong lupa. Kabilang sa kinasuhan sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy, and Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr., City Councilors Edgar M. De Luna, Danilo B. Asirit, Marco Polo A. Meris, Salcedo T. Foronda, Garry G. Galutera, Reynaldo O. Uy, Edgardo A. Atienza, Jr., Bagnos A. Maximo, Victor…
Read More‘RELASYONG ‘PINAS-CHINA ‘DI MAGKAKALAMAT DAHIL SA KASO SA ICC’
KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi maapektuhan ang relasyon ng bansa at China sa harap ng kasong isinampa sa International Criminal Court (ICC) nina dating Foreign secretary Albert del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio Morales kay Chinese President Xi Jinping dahil sa umano’y pang-aabuso sa South China Sea at sa teritoryo ng Pilipinas gayundin sa mga krimen na maaaring aksiyunan ng ICC. Sinabi ng Pangulo na may karapatan silang magsampa ng kaso laban sa China at tiwala pa rin si Duterte na hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon…
Read MoreRETIRED REGIONAL OFFICIALS NG NIA KINASUHAN SA OMBUDSMAN
(NI JESSE KABEL) NAGSAMPA ng kasong katiwalian at korapsiyon sa tanggapan ng Ombudsman ang National Irrigation Administration (NIA) laban sa ilang retired regional officials bunsod ng umanoy mga katiwalian sa implementasyon ng mga proyektong pang-irigasyon . Nais ng NIA na magsagawa ng imbestigasyon ang Ombudsman tungo sa pagsasampa ng pormal na sakdal sa mga sangkot na irrigation officials na makikitaan ng probale cause. Nabatid na kamakailan, apat na NIA officials ang sinibak sa tungkulin, pito naman ang sinuspinde dahil sa pagkakadawit sa iba’t ibang iregularidad at criminal liability sa project…
Read MorePAGBAWI SA POLICE POWERS NASA KAMAY NG OMBUDSMAN
NASA kamay na ng Ombudsman ang pagbawi sa ibinigay na police powers sa 46 na umano’y narco-politicians na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kasong administratibo ang kinakaharap ng mga lokal na opisyal sa pagkakasangkot umano sa illegal na droga. Gayunman, inamin ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala pa silang sapat na basehan para sampahan ng kasong kriminal ang mga ito. Ayon kay PNP spokesperson, S/Supt. Bernard Banac, ngayong nakasampa na ang kaso, ang Ombudsman na ang magpapatawag sa 46 politicians na kabilang sa…
Read More