DU30 APRUB SA DEATH PENALTY VS PLUNDERER

duterte14

(NI BETH JULIAN) PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte na panukalang batas na patawan ng parusang kamatayan ang mga sangkot sa plunder o pandarambong. Gayunman, nilinaw ng Pangulo na nais niyang panatilihin sa P50 milyon ang threshold para sa plunder na taliwas naman sa panukala ni Senator Bong Go na ibaba sa P10 milyon ang threshold. Idinagdag ng Pangulo na kung siya lamang ang masusunod  ay mas nais miyang bitayin sa pamamagitan ng lubid ang sinumang mapatutunayang guilty sa pandarambong. Giit ng Pangulo, mas makamumura ang pagbili ng lubid kumpara sa…

Read More

‘PAGPALAG NG VIETNAM SA CHINA; WRONG MOVE’

wps55

(NI BETH JULIAN) HINDI maituturing na matalinong hakbang ang ginawa ng Vietnam na pagpalag sa China kaugnay sa pinag- aagawang teritoryo sa South China Sea. Ito ang inihayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pagpapaalis ng Vietnam sa mga sasakyang pandagat ng China sa kanilang exclusive economic zone. Ayon kay Panelo, kahit hindi nauwi sa gulo ang pagpalag ng Vietnam ay nalagay pa rin sa balag ng alanganin ang kapayapaan sa lugar at ang kaligtasan ng kanilang mamamayan. Giit ni Panelo, ito rin mismo ay hindi hahayaan ni Pangulong…

Read More

BALASAHAN SA GABINETE POSIBLENG ISABAY SA SONA

duterte-30

(NI BETH JULIAN) INAASAHAN na ang balasahan sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte. Kung hindi ngayong linggo ay posibleng magaganap ito kasabay ng State of the National Address (SONA) ng Pangulo. Pero ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, maliit lamang na bilang ng Gabinete ang maaapektuhan ng reshuffle o balasahan. Gayunman, hindi na tinukoy ni Andanar kung sinu-sino ang mga maaapektuhan ng balasahan. Si Andanar ay isa sa tinutukoy na maapektuhan saan itatalagang presidential adviser on political affairs kapalit ng kumandadito at ngayon ay senator Francis Tolentino.…

Read More

ASAM NG PALASYO: LEGISLATIVE AGENDA SUPORTAHAN NG SPEAKER

duterte14

(NI BETH JULIAN) KUMPIYANSA ang Malacanang na susuportahan ng susunod na lider ng Kamara ang legislative agenda ng administrasyong Duterte para sa ikabubuti ng interes ng bansa at sa kapakanan ng publiko. Naniniwala ang Palasyo na alam ng mga miyembro ng Kongreso kung sino ang pipiliian nilang maging bagong speaker kung ang kandidatong sa tingin nila ay magbibigay ng tamang gabay sa pagpasa ng mga batas at tunay na pagbabago sa kabutihan ng mga Filipino. Ang pahayag na ito ng Palasyo ay kasunod ng pag-anunsyo, Miyerkoles ng umaga, ni Senator…

Read More

6-7 % ECONOMIC TARGET KAYANG MAABOT — PALASYO

panelo

(NI BETH JULIAN) KUMBINSIDO ang Malacanang na maaabot ng gobyerno ang anim hanggang pitong porsiyentong economic target para 2019. Sa kabila ito ng naitalang pagbagal ng GDP gross o sa ekonomiya ng bansa sa unang tatlong buwan ng 2019 na sumipa lamang sa 5.6 percent. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nawawala ang economic momentum ng pamahalaan lalo na ngayong wala nang problema sa pambansang budget. Kumpiyansa si Panelo na magtutuluy-tuloy na ang mga proyektong pang imprastraktura ng gobyerno na inaasahang makapag aambag ng pagpalo sa lokal na pagangailangan.…

Read More

PAGBABA NG NAGUGUTOM NA PINOY ADHIKAIN NG PALASYO

happy12

(NI BETH JULIAN) ITINUTURING na magandang simula ng Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na bahagyang pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng kagutuman sa first quarter ng 2019. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ito na ang second consecutive quarter na nagkaroon ng pagbaba sa national hunger incidence. “We wish to point out that hunger incidence declined in Metro Manila to 6.6% from 18.3% last December 2018 to 11.7% last month. The polling firm SWS said this is the first in four consecutive…

Read More

‘OUST-DUTERTE PLOT MATRIX ‘DI GALING SA PALASYO’

panelo 200

(NI BETH JULIAN) MAKALIPAS lamang ang ilang minuto nang sabihing galing sa Office of the President ang impormayong inilabas ng isang pahayagan patungkol umano sa ‘oust-Duterte plot’, agad kumambyo si Presidential Spokesperson Salvador Panelo at kinontra ang unang pahayag. Ayon kay Panelo, blangko ito kung saan nakuha ng Manila Times at ng negosyanteng si Dante Ang ang sinasabing kopya ng matrix na nagpapakita ng umano’y sabwatan ng ilang mamamahayag para siraan at patalsikin sa puwesto ang Pangulo. Iginiit ni Panelo na siya dapat ang maglalabas ng matrix sa publiko pero…

Read More

PALASYO NAGPAABOT NG PANALANGIN SA FRANCE   

notre12

(NI BETH JULIAN) LUNGKOT at pagkabahala ang naging reaksyon ng Malacanang sa pagkasunog ng Notre-Dame Cathedral sa Paris, France Lunes ng madaling araw sa oras sa Pilipinas. Kasabay nito, nag alay naman ng panalangin ang Pilipinas sa mga taga-France para sa patuloy na pagkakaisa sa buong mundo dahil sa napakalungkot na pangyayaring ito. “We wish the French nation all the best as they undertake efforts to rebuild this great monument in Paris restored to its majestic sight,” ayon kay Panelo. Sumisimbulo ang Notre Dame Cathedral, isang architectural treasure at mayroong…

Read More

PANELO: KRISIS SA ENERHIYA KONTROLADO NG PALASYO

panelo12

(NI BETH JULIAN) WALANG nakikitang dapat ipag-alala ang publiko kaugnay ng posibleng krisis sa enerhiya. Ito ang tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa kabila ng sunud-sunod na red alert status ng ilang planta ng kuryente sa Luzon grid. Sinabi ni Panelo na ‘on top of the situation’ pa rin ang pamahalaan sa problemang ito. Ayon kay Panelo, nagkausap  na sila ng mga opisyal ng Department of Energy (DoE) at siniguro ni Energy Secretary Alfonso Cusi na tinutugunan na ang problema. Nag-usap na sa Malacanang ang mga miyembro ng Gabinete…

Read More