(NI BETH JULIAN) HINDI nabahala ang Malacanang sa text message ni Zhao Jianhua kung saan sinabi nito na baka nag-eespiya na rin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa kanilang bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa tingin nya ay sariling sentimyento lamang ito ni Zhao at hindi naman talaga maaaring mai-apply sa mga OFW. Ayon kay Panelo, tulad ng paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang mga OFW ay nagpupunta sa China at sadyang nagtatrabaho lamang doon sa iba’t ibang lugar, taliwas sa Chinese workers na unang…
Read MoreTag: PANELO
PALASYO KAY ROQUE: FILE A CASE
“MAGHAIN siya ng kaso.” Ito ang ipinayo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kay dating Presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa tinutukoy nitong opisyal ng PhilHealth na bahagi ng mafia. “Di ba dati na namang may ongoing investigation. Kung mayroon siyang mabigat na ebidensiya laban sa sinumang PhilHealth officials, then he should file the appropriate charges,” hamon ni Panelo. Una nang ibinunyag ni dating PhilHealth board member Roberto Salvador na peke ang mga pangalan na pinalutang sa Senate Blue Ribbon Committee gaya nina PhilHealth Regional Vice-Presidents Paolo Johan Perez (Region IV-B),…
Read MoreCARDEMA NAGPASAKLOLO VS GUANZON; PALASYO: DEADMA
(NI BETH JULIAN) WALANG pakialam ang Malacanang. Ito ang tahasang tugon ng Malacanang sa hirit ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang alegasyong corruption na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Palasyo sa ginagawa ni Cardema dahil wala naman itong kaugnayan sa isyu. “Kung sinasabing mayroon man korapsyon, dapat magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon,” wika ni Panelo. Naninidigan ni Panelo na kahit pa naging supporter…
Read More‘PADULAS’ KAPALIT NG SERBISYO ‘DI DAPAT – PANELO
(NI BETH JULIAN) MALAKI ang pagkakaiba ng ‘padulas’ sa ‘expression of gratitude’. Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang masama kung tumanggap ng regalo ang mga pulis sa mula sa kanilang natutulungan. Gayunman, nanindigan ang Malacanang na hindi nito kinukunsinti ang ‘padulas’ sa lahat ng ahensya ng pamahalaan dahil ang nasabing gawain ay nasa kategorya ng corruption na posibleng maging kagawian na kung saan pinangangambahan na mangyari na kikilos lamang ang mga taong gobyerno kapag may kapalit o bigay. Pero…
Read MorePINOY PINAIIWAS SA HK
(NI BETH JULIAN) PINAIIWAS ng Malacanang ang mga Filipino na magtungo sa Hong Kong dahil hindi ito ang tamang panahon. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na dapat munang magtungo sa HK ang mga Pinoy para makaiwas sa gulo sa aiport. Dito ay makatitiyak din na hindi maaaberya pagpunta sa nasabing bansa lalo pa’t walang kasiguruhan kung makapupunta nga sa Hong Kong o hindi. “Avoid muna going there, that’s the advice. Kasi you’re not sure whether you’re going to reach Hong Kong in the first place. Nagkakagulo sa airport.…
Read MoreSWS SURVEY SAMPAL SA KRITIKO – PANELO
(NI BETH JULIAN) ITINUTURING na sampal sa mga kritiko ang panibagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing apat sa limang Filipino ang kuntento sa resulta ng katatapos na midterm elections. Gayunman, ang resulta ng survey ay ikinagalak naman ng Malacanang at malaking dagok sa mga kritiko ng Duterte administration. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dahil sa survey, ito ang basehan na nagsalita na ang taumbayan kaya dapat nang itigil ang pang-iinsulto sa mga botante. “Kaya sa mga kritiko at sa hanay ng minorya na duda sa resulta…
Read MoreNY TIMES BINATIKOS NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) BINATIKOS ng Malacanang ang pahayagang New York Times sa Amerika kaugnay sa inilabas nitong artikulo na nagsasabing ang Pilipinas ang pinakadelikadong lugar para sa mga environmentalist at right activists. Tinukoy ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang artikulong “In the fight to save planet, it’s defenders are being killed’ na inilathala noong unang araw ng Agosto. Sa nasabing artikulo, ginamit ng NY Times ang survey ng global witness kung saan 164 na tagapagtanggol ng mga lupa at kapaligiran ang napatay sa Pilipinas. Ayon kay Panelo, hindi na nila…
Read MoreP250-M NAWALA SA LOTTO? WALANG GANUN – PALASYO
(NI BETH JULIAN) MARIING itinanggi ng Malacanang na may nawalang P250 milyong halaga ang pamahalaan nang isara ng apat na araw ang operasyon ng lotto. Ang reaksyon ng Palasyo ay kasunod ng pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na isinisisi sa pagsuspinde sa operasyon ng lotto ang nasa P250 milyon ang nawalang kita. Pero tugon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang dapat na panghinayangan gayong wala namang nawala. Nilinaw ni Panelo na nagkaroon lamang ng delay at papasok din sa gobyerno ang multi milyong pisong…
Read MorePANINISI NI COLMENARES BLACK PROPAGANDA – PANELO
(NI BETH JULIAN) WALANG basehan at itinuturing na black propaganda lamang ng komunistang grupo ang paninising ginagawa ni dating congressman Neri Colmenares sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa mga ulat na serye ng patayan sa Negros Oriental. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na malisyoso ang banat ni Colmenares sa ginagawang pamumuna nito na layong siraan lamang ang administrasyong Duterte. “Ang prinsipyo niya (Colmenares) ay double standard, wala namang naririnig ditong pagkondena laban sa mga ginagawa ng rebeldeng NPA. Halatang-halata kung nasaan ang katapatan niya kaya…
Read More