34 NA BIKTIMA NG PAPUTOK NAITALA NG DOH

(NI KIKO CUETO) PUMALO na sa 34 ang bilang ng mga sugatan nang dahil sa paputok sa buong bansa, ayon na rin sa tala ng Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang 34 na kaso ay naitala sa National Capital Region, Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, at sa Bicol. Wala pa namang namamatay nang dahil sa paputok. Karamihan sa mga naiatalang mga suatan ay dahil sa boga – isang improvised cannon na gawa sa mga PVC pipes. Kasama na rin diyan ang mga lusis at piccolo.…

Read More

TINDAHAN NG MGA PAPUTOK SA BOCAUE, ININSPEKYON NG PNP

(NI NICK ECHEVARRIA/PHOTO BY CJ CASTILLO) TATLONG araw bago ang Bagong Taon, personal na ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Officer-In-Charge P/Lt Gen. Archie Gamboa ang mga tindahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, nitong Sabado bilang babala sa pinalakas na kampanya laban sa mga illegal firecrackers, partikular sa mga imported na paputok. Sa datos ng PNP, 124 na mga tindahan ng paputok at 24 na mga lisensyadong manufacturers ang matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan, habang 65 rito ang nasa Bocaue, na kilala bilang popular na destinasyon ng mga mamimili sa…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK NASA 19 NA — DOH

NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019. Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region. Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb. Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa…

Read More

DoH: BIKTIMA NG PAPUTOK MABABA NG 68%

doh500

ITINUTURING na pinakamataas na antas ng pagbaba ng bilang ng mga naputukan ngayong taon, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III kumpara noong nakaraang taon base na rin umano sa maulan na panahon at sa pina-igting na kampanya laban sa paputok. Mula December 21 hanggang January 1, 2019, nakapagtala lang ang DoH ng 139 firecracker injuries at 68 porsiyentong mas mababa sa katulad na panahon na nakapagtala ng 428 kaso. Sa press conference, sinabi ni Duque na matagumpay ang kampanya ng gobyerno sa illegal na paputok. Nakatulong din umano ang…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK DUMARAMI, 1 NAPUTULAN NG KAMAY

paputok200

INAASAHANG aakyat pa ang bilang ng mga biktima ng paputok matapos ang maulan na pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC). Nasa 23 biktima ng paputok ang naitala sa pagamutan. Ayon kay Dr. Wesson Espiritu, ortho surgeon, nagsisimulang dumagsa ang mga pasyente ng alas-10 ng umaga. Sila umano ang mga taong namumulot ng paputok sa kalsada. Ang iba naman umano ay mga lasing at nagpaputok sa pahabol sa New Year celebration. Kadalasan din umanong mga galing sa probinsiya ang mga biktima. Gayunman, kumpara noong…

Read More

DOH: 50% IBINABA NG BIKTIMA NG PAPUTOK

paputok

(Ni KEVIN COLLANTES) IPINAGMALAKI ng Department of Health (DoH) na mahigit kalahati o 50% ang ibinaba ng bilang ng mga fireworks-related injury (FWRI) na naitala nila sa bansa ngayon, kumpara sa kahalintulad na reporting period noong nakaraang taon. Ito’y may dalawang araw pa bago salubungin ang Taong 2019. Sa inilabas na pinakahuling FWRI report ng DoH, natukoy na nasa 43 na ang kabuuang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa bansa, mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 29. Ayon sa DoH, tatlong bagong kaso pa…

Read More

BIKTIMA NG PAPUTOK UMABOT NA SA 24

paputok26

(Ni FRANCIS ATALIA) HINDI pa man sumasapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon, nakapagtala na ang Department of Health (DoH) ng 24 biktima ng paputok. Ang mga nabanggit na datos ay mula sa NCR, Region 2 at Region 7 na may tig-tatatlong biktima habang nakapagtala ng dalawang sugatan ang Region 6 at tig-isa sa Region 9 at ARMM. Sa pinakahuling datos ng DoH, 11 ang nadagdag sa kaso ng mga firecracker related injuries. 289

Read More