(NI BERNARD TAGUINOD) NAKIKIPAG-DEAL pa umano ang party-list congressmen-elect sa mga kandidato sa Speakership na mamumuno sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 18th Congress bago nila bitawan ang kanilang boto. Ito ang nabatid sa isang mapagkatiwalaang impormante sa Kamara kaya hindi pa nagdedesisyon ang nasabing grupo kung sino sa tatlong kandidato sa speaker ang kanilang susuportahan. Nakaharap na ng mayorya sa nasabing grupo ang tatlong kandidato na sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez at Taguig-Pateros Rep. Allan Peter Cayetano nitong Sabado upang makuha ang kanilang boto.…
Read More