(NI BETH JULIAN) ITINUTURING ng Pilipinas ang Japan bilang isa sa pinakamalaking contributor sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Jose Laurel V, hindi maitatanggi na malaki ang naiambag ng bansang Japan sa pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ayon kay Laurel, malaki ang nagawa o magagawa pa rin hanggang ngayon ng Japan sa Build Build Build Program ng administrasyon. Pahayag ni Laurel, hindi biro ang ibinubuhos na resources ng Japan sa mga infrastructure project sa ilalim ng BBB program partikular na sa pagpopondo ngayon ng…
Read MoreTag: philippines
OFWs DAGSA SA TAIWAN, PERO PINAS ‘LAGPAK’ SA TAIWAN
(NI NELSON S. BADILLA) MAHIGIT 60 porsyento ng mga dayuhang manggagawa sa Taiwan ay overseas Filipino workers (OFWs), ngunit nasa 3% lang ang puhunang inilagak ng Taiwan sa Pilipinas. Ibinunyag ito ni Dr. Kristy Hsu, direktor ng Taiwan Asean Studies Center sa Chung Hua Institution for Economic Research (Chier), sa isinagawang symposium na inilunsad kamakailan ng Philippine Institute for Development Studies, Philippine APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) Study Center Network at ng Chier. Ani Hsu, nasa 122,000 lahat ang OFWs sa Taiwan na higit 60 porsiyento ang lawak kumpara sa bilang…
Read MoreUS TINABLA; CHINA 4-BESES NANG BIBISITAHIN NI DU30
(NI BETH JULIAN) PINAWI ng Malacanang ang mga agam-agam sa relasyon ng Pilipinas at ng Amerika. Sa harap ito ng napipintong pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa Abril habang patuloy namang nakabitin ang tugon nito sa imbitasyon sa kanya ng gobyerno ng Estados Unidos. Pagtiyak ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, nananatiling mainit at maganda ang samahan ng Pilipinas at Amerika. Ayon kay Panelo, ang tanging dahilan lang naman kung bakit patuloy na tumatanggi si Duterte na magtungo sa Amerika ay ang malamig na temperatura o klima doon.…
Read More‘PINAS ‘DI MADEDEHADO SA BILYONG UTANG SA CHINA
(NI BETH JULIAN) TINIYAK ng Palasyo na hindi madedehado ang Pilipinas sa pag utang ng bilyun bilyong pisong halaga para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo bilang reaksyon sa pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa pag-utang ng Pilipinas. Ayon kay Panelo, bago pa man ay masusing pinag aralan ng pamahalaan partikular ng mga economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag utang sa China kaya nakatitiyak na hindi magkakaroon ng problema rito ang Pilipinas. Una nang pinayuhan ni Mahathir ang…
Read More