PAGKAMATAY NG OPISYAL IGAGANTI NG PNP

pnp1

NANGAKO si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na maglulunsad ng mga pag-atake laban sa mga miyembro ng New People’s Army na nakapatay kay P/Capt. Efren Espanto Jr. “We will seek revenge, and they (rebels) should hide already because revenge will be sought by the Philippine National Police and I will be true to that word,” pahayag ni Gamboa. Ginawa ng PNP Chief ang pangako sa kanyang pagdalaw sa labi ni Espanto sa Camp Delgado sa Iloilo City nitong Sabado. Si Espanto, 29, tubong La Carlota City…

Read More

KAHIT MAAGANG MAGRETIRO NARCO COPS SWAK PA RIN SA KASO

HINDI kaligtasan para sa mga pulis na isinasangkot sa droga ang pagreretiro na iniaalok ng pamunuan ng PNP. Ito ang paniniwala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng batikos sa Pambansang Pulisya dahil sa pagtanggi na isapubliko ang listahan ng umano’y narco cops. Taliwas naman sa naunang pahayag ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa na hindi niya ikukonsiderang pag-amin sa kasalanan kung kakagatin ng ilang pulis ang alok na maagang pagreretiro, sinabi ni Sec. Panelo na kung tatanggapin ang optional retirement, pag-amin ito na sangkot talaga sa ilegal na…

Read More

Gamboa sa ‘ninja cops’ MAGRETIRO O MAPAHIYA?

BINIGYAN kahapon ng magandang option ni Philippine National Police chief Archie Gamboa ang may 357 pulis na sinasabing sangkot sa illegal drug trade na magbitiw na lamang sa kanilang tungkulin kaysa maharap sa matinding kahihiyan. Hinimok ni Gamboa ang mga pulis na kabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte na mag-early retirement na lamang bago pasimulan  ng PNP ang adjudication at validation sa 357 pulis na kasama sa naturang listahan para malaman kung sino talaga sa mga ito ang sangkot sa ilegal na droga. Ayon kay Gamboa, “If you don’t…

Read More

PAGPATAY NG TANDEM, DROGA TULOY PA RIN; PNP BINIRA SA PROMOSYON NG NCRPO CHIEF

MAKARAANG mamatay ng isang 8-anyos na batang lalaki sa ambush sa Maynila nitong Lunes at nabaril ang dalawang bata sa isa ring ambush nitong Martes, itinaaas pa rin ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si General Archie Francisco Gamboa, ang ranggo ni Brigadier General Debold Sinas sa major general. Si Sinas ay ipinuwesto ni Gamboa bilang “acting director” ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Oktubre ng nakalipas na taon, makaraang iangat si Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa pagiging hepe ng PNP-Directorial Staff (ikaapat…

Read More

PNP INALERTO SA DRUG DEN NG MGA CHINESE

HINDI isinasantabi ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang posibilidad na drug den na ang susunod na patatakbuhin ng mga Chinese national dahil sa patuloy na paglabag ng mga ito sa ating batas tulad ng pagpapatakbo ng prostitution den. Ginawa ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nasabing pahayag matapos muling makahuli ang Makati Police ng prostitution den na ang mga kliyente ay mga Chinese national at nagtatrabaho sa mga Philippines Offshore Gaming Operations (POGO). “Nananawagan tayo sa ating kapulisan at sa mga lokal na pamahalaan na mas…

Read More

900 PULIS SA BANSA, OBESE – PNP

NASA 900 na pulis sa bansa ang ikinukonsiderang obese o “hebigat” ang kanilang pangangatawan. Ito ang lumabas sa datos ng pambansang pulisya, pero ayon sa tagapagsalita na si Police Brigadier General Bernard Banac, maliit na porsyento lamang ito sa kabuuan ng kanilang hanay. Sa katunayan ani Banac, limampu’t apat na porsyento umano ng kanilang personnel ang mayroong normal na timbang. Habang nasa tatlumpu’t anim na porsyento naman aniya ang mga overweight o lumagpas sa tamang timbang na akma para sa kanilang height o taas. Kaugnay nito ay patuloy umano ang…

Read More

PAG-ABUSO NG PULIS SISILIPIN NG PNP

OIC GAMBOA

IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police ang umano’y pag-abuso ng ilan nilang tauhan na kabilang sa mga nagbigay ng seguridad sa idinaos sa Traslacion nitong Huwebes. “All of these thing will be assessed. If there is a need to investigate then we will investigate,” pagtiyak ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa. Subalit nilinaw ni Gamboa na ipauubaya niya ito sa PNP-NCRPO na may kapangyarihang magpataw ng kaukulang disciplinary measures at magsumite ng kaukulang ulat sa punong himpilan. Matatandaang inireklamo ng ilang deboto na mistula umano silang mga raliyesta kung ituring…

Read More

PNP KINALAMPAG SA PAMAMASLANG SA MAGSASAKA

Rep Argel Cabatbat

NAIS ipasiguro sa pulisya ng isang mambabatas ang kapakanan at kaligtasan ng maliliit na magsasaka kasunod ng pamamaslang sa 35-anyos na si Andy Rivera sa Guimba, Nueva Ecija nitong bagong taon. Kilala umanong mabuting residente sa kanilang barangay si Rivera na isang small time farmer at walang criminal records kaya malaking palaisipan para kay Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat kung bakit ito pinatay. Ayon kay Rep. Cabatbat, nakaaalarma ang mga nangyayaring pagpatay sa hanay ng mga magsasaka partikular iyong maliliit na halos sa kanilang sinasaka umaasa ng ikabubuhay. Idinagdag ng…

Read More

RIGODON SA PNP IPATUTUPAD

pnp12

(NI AMIHAN SABILLO) PANIBAGONG rigodon ang mararanasan ng mga matataas na opisyal ng PNP sa katapusan ng buwan. Ito ang inihayag ni PNP OIC PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa kung saan ang mga pangunahing maapektuhan sa rigodon ay mga regional directors at mga hepe ng national support units ng PNP. Ayon kay Gamboa, magiging batayan ng pananatili sa puwesto ng mga kasalukuyang nakaupo sa mga nabanggit na posisyon ay ang kanilang performance rating. Sinabi pa nito na sa January 20 gagawin ang susunod na performance review, at mayroong isang linggo…

Read More