BILANG NG MGA PAGPATAY KAUGNAY SA ELEKSIYON LUMOBO

pnpcomelec12

(NI JG TUMBADO) HABANG papalapit ang araw ng eleksyon sa Lunes, May 13, posible umanong madagdagan pa ang bilang ng mga karahasan at pagpatay sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito umano ang ikinababahala ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kasalukuyang nakikitang sitwasyon sa mundo ng pulitika sa bansa patungkol sa election-related violence. Ayon kay PNP spokesperson Col. Bernard Banac, nasa 14 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa halalan. Sa datos ng PNP Central Command, mula nang mag-umpisa…

Read More

RED TEAMS NG PNP-CITF, IPINAKALAT SA VIP SECURITY

pnp120

(NI NICK ECHEVARRIA) SINIMULAN nang ipakalat ng Philippine National Police (PNP) ang red teams mula sa Counter Intelligence Task Force (CITF) para bantayan ang mga kandidato at kanilang mga security na hindi lalabag sa mga alituntunin ng eleksiyon. Partikular na babantayan ng red teams ng CITF ang security escorts ng mga politiko at mga pulis na nakatalaga bilang mga VIP protectors para tiyakin na hindi lalabag ang mga ito sa election gun ban. Muling ipinaalala ni PNP Chief General Oscar Albayalde na kailangang may permiso ng PNP ang mga ang…

Read More

KAHIT PULIS PA; ARMAS OFF-LIMITS SA POLLING PRECINCTS

pnp12

(NI NICK ECHEVARRIA) BAWAL magdala ng baril sa loob ng mga polling precinct ang mga bobotong pulis sa Lunes kahit nakasuot ng uniporme ang mga ito. Kahit umano ang mga pulis na sinanay ng Commission on Elections (Comelec) bilang Board of Elections Inspector kapalit sakaling may mag-absent na mga guro, ay bawal ding magdala ng armas. Ito ang mahigpit na babala ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde na tanging ang mga naka-duty lamang na mga pulis na magbabantay sa mga nasabing polling precinct ang may pahintulot na magdala ng…

Read More

NAKAMAMATAY NA ‘SILVER CLEANER’ PINATATANGGAL SA MERKADO

ecowaste12

(NI NELSON BADILLA) NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police (PNP) na tanggalin ang lahat ng produktong panlinis ng mga alahas dahil nakamamatay ang nilalaman nitong kemikal. Idiniin ng EcoWaste na dapat ipatupad ang 2010 Joint Advisory ng DENR at Department of Health (DoH) na nagbabawal itinda ang mga produktong panlinis ng silver jewelry dahil naglalaman ito ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal. Nanawagan ang EcoWaste upang agad na kumilos ang DENR, at PNP makaraang mamatay ang 7-taong-gulang na si…

Read More

PNP: 10 NA PATAY SA POLL VIOLENCE

poll violence12

(NI JG TUMBADO) NASA 10 na ang bilang ng mga indibidwal na  napapatay na may  kaugnayan sa eleksyon ngayong 2019. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Col. Bernard Banac sa kanyang press briefing, nitong Biyernes sa Camp Crame. Bukod sa naturang bilang, nasa 14 katao naman ang nakaligtas sa tangkang paglikida mula Enero 13 hanggang April 30. Sinabi ni Banac, naitala sa iba’t ibang parte ng bansa ang nabanggit na mga kaso. Wala aniyang rehiyon ang nakapagtala ng maraming bilang ng marahas na insidente sa nalalapit…

Read More

ABSENTEE VOTING SA PNP, ITINAKDA NG COMELEC

pnpcomelec12

(NI NICK ECHEVARRIA) SASAMANTALAHIN ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong araw na absentee voting na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para makaboto ang mga pulis nang hindi makasasagabal sa deployment ng kanilang buong puwersa at resources sa pagtiyak ng  seguridad sa mismong araw ng election. Ang April 29, 30 at May 1, 2019 ang mga araw na napiling  isagawa ang absentee voting sa mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa headquarters sa Camp Crame. Nakasaad sa section 2 ng Comelec Resolution No.…

Read More

PAGTUGIS KAY ACIERTO IKINASA NA NG PNP

aciero12

(Ni FRANCIS SORIANO) ISANG tracker team ang binuo ng Philippine National Police (PNP) upang umaresto sa dating hepe ng Anti-Narcotics na si Police Colonel Eduardo Acierto matapos ilabas ang warrant of arrest ng Manila court  kaugnay sa nasabat na multi-billion peso halaga ng droga sa dalawang magnetic lifters na natagpuan sa isang warehouse sa lalawigan ng Cavite. Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, kasalukuyan na ang kanilang manhunt operations laban sa dating opisyal ng PNP. “ We believe that he is still here, We are now monitoring all the places where he would go, we have tracker teams…

Read More

KASO VS MAY-ARI NG CHUZON SUPERMARKET INIHAHANDA

CHUZON12

(NI NICK ECHEVARRIA) GUMUGULONG na ang inihahandang kaso laban sa may-ari ng bumagsak na apat na palapag na Chuzon supermarket sa  Porac, Pampanga. Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde na kasalukuyan nang tinitipon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga gagamiting ebidensya at nangangalap ng mga statement mula sa mga nagrereklamo sa gumuhong supermarket. Ayon pa kay Albayalde, bukod sa  negosyanteng si Samuel Chu, ang may-ari ng nabanggit na gusali, posibleng sampahan din ng kaso ang mga contractor at mga lokal na opisyal ng…

Read More

‘INTENSIFIED INTELLIGENCE MONITORING’ INIUTOS

pnp12

(NI JESSE KABEL) AGAD na ipinag-utos ni Philippine National Police chief General Oscar Albayalde na higit na palakasin ang kanilang intelligence network sa buong Pilipinas at sa kanilang mga counterpart sa ibang bansa. Ito ay kasunod ng naganap na serye ng pagpapasabog sa Sri-Lanka na kumitil ng higit 200 katao nitong Pasko ng Pagkabuhay kung saan nagpahatid ng pakikisimpatiya ang PNP sa mamamayan ng Sri Lanka  at kahandaan tumulong sa abot ng kanilang makakaya . Sa press conference nitong Lunes, sa Camp Crame, inihayag ni Albayalde na ipinag-utos niya ang…

Read More