K-12 NG DEPED PALPAK

PUNA

ITINUTURING na palpak ng mga magulang na nagpapaaral ng mga anak ang K-12 Program ng Department of Education (DepEd). Para sa mga magulang na tulad ng PUNA, ginawang eksperimento lang ng DepEd ang pagpapatupad ng K-12 na ang naperwisyo nito ang nakararaming Pinoy. Sabi pa ng mga magulang,  doble ang ginagastos ng gobyerno sa implementasyon nito. Gumastos na ang ­gobyerno sa pagpasok ng mga senior high sapagkat nagpagawa na sila ng mga pasilidad at iba pang kagamitan para magamit ng mga eskuwela. Pinatay rin nitong K-12 program ang vocational courses…

Read More

PAGGAMIT NG COCO PRODUCTS GRASYA SA MGA MAGNINIYOG

PUNA

SAKALING matuloy ang executive order na naglalayong tangkilikin ng mga Filipino ang iba’t ibang produkto ng niyog, laking pasalamat tiyak ng coconut farmers kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil grasya ito sa kanila at siyempre sa ­ating bansa. Milyun-milyong mga Pinoy ang umaasa sa kita ng niyog, mula Laguna, Batangas, Quezon, Bicol at kabuuan ng Kabisayaan at Mindanao. Siyempre kapag nagawa na ni Pangulong Duterte ang EO dadami ang gagamit ng mga produkto mula sa niyog at kasabay nito ang pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya’t ang niyog at buko…

Read More

KAPIT-BISIG SA PANAHON NG KRISIS

PUNA

IPAKITA nating mga Filipino ang pagiging maka-pamilya ng lahi ni Juan Dela Cruz sa panahon ng krisis. Pwede namang ilagay muna sa isang tabi ang magkakaibang paniniwala at kulay dahil maraming kinahaharap na suliranin ngayon ang taumbayan. Hindi lang sa bansa, ma­ging sa buong mundo dahil sa paglabas ng nakamamatay na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV). Sinabayan pa nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal noong nakaraang Enero 12 subalit sa pangyayaring iyon ay namulat ang mata ng inyong lingkod na bukal sa puso ng mga Filipino ang pagtulong sa ating mga kababayan.…

Read More

MALASAKIT SA KAPWA

PUNA

MASARAP isipin na hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga Filipino ang nananatiling may malasakit sa kanyang kapwa. Kamakailan, tumawag sa inyong lingkod ang isa sa ating kaibigan na si Dr. Dionel Tubera, ng Quezon City na nagtatanong kung may alam daw ba akong evacuation center na pwedeng pagdalhan ng relief goods dahil nakikita raw niya sa aking Facebook posts na pabalik-balik ako sa Batangas at Cavite upang mag-cover hindi lang para sa relief goods distribution subalit maging sa pagmomonitor ng kaligtasan ng mga tao. Dahil batid kong mabuti…

Read More

MAY NAMUMULITIKA SA PAMIMIGAY NG RELIEF GOODS

PUNA

KUMAKALAT ngayon sa social media na isang barangay chairman na ginagamit sa kanyang pamumulitika ang pamamahagi ng relief goods sa evacuation center na  nasa kanyang nasasakupan. Kailangan pa raw ng pirma ni Kupitan (este Kapitan) bago mabigyan ang kawawang mga bakwit ng relief goods. Anak ka ng ina mo Kups ay Kaps! Dapat sa’yo ay isumbong kay Interior and Local Goverment Undersecretary Martin Dino nang masabon ka na maikula ka pa! Bakit kailangan pang kontrolin mo ang relief goods? Galing ba sa bulsa mo ang ipinambili ng mga yan? Dapat…

Read More

NAWA’Y MAGING NORMAL NA ANG BULKANG TAAL

PUNA

IISA ang dalangin ng mga mamamayan ng Batangas at Cavite, lalo na yung matinding naapektuhan nang pag-alburuto ng Bulkang Taal – bumalik na ito sa normal. Sa ginawang pag-iikot ng Peryodiko Filipino Inc. team sa iba’t ibang mga bayan sa nasabing mga lalawigan, dinig na dinig ng inyong lingkod ang mga kahilingan at dalangin ng mga tao roon lalo na yung mga nasa evacuation centers na sana’y muling manahimik na ang bulkan upang sila’y makabalik na sa dati nilang tahanan nang sa gayon ay makapagsimula nang muli at makabangon. Hindi…

Read More

REV-ANCHOR PAMALIT SA REV-GOV

PUNA

POSIBLE raw ipalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Revolutionary Ancestral Honor Recognition (Rev-AncHoR) sa Revolutionary Government (Rev-Gov) sa ilalim ng 1899 Constitution. Sinabi ito ni Atty. Melchor Magdamo sa inyong lingkod nang siya ay kapanayamin kaugnay sa revolutionary government. Sa paliwanag ni Atty. Magdamo, ang 1899 Constitution na tinawag Revolutionary Constitution ay ginawa ng mga tunay na Pilipino na namuhunan at nagbigas ng sariling dugo at pawis upang mapagtagumpayan ng lahi ni Juan dela Cruz ang pagtatatag nito. Ayon sa ating kaibigang manananggol, kailangan lang daw ni Pangulong Duterte na…

Read More

NHA PROJECTS MATAGUMPAY O PALPAK?

PUNA

HINDI lang isa o dalawang ordinaryong mamamayan ang nagtatanong kung para kanino ang itinatayong mga bahay na project ng National Housing Authority subalit marami sila. Kasi nga, marami sa totoong mahihirap na mamamayang Filipino ang hanggang sa ngayon ay walang sariling bahay ay wala pa rin silang lakas ng loob na magtungo sa NHA upang magtanong dahil sa gate palang ay hindi na sila makapasok dahil sa tindi ng interview na ibinabato sa kanila ng mga guwardiya pa lang at sakaling makapasok man ay puro irap, pagsusu­ngit at pagtataray naman…

Read More

BATAS SA PAUPAHAN (RA No. 9653)

PUNA

KAILANGANG muling talakayin ang isyu ng Republic Act 9653 o “Rent Control Act of 2009” dahil sa dami nang nagpadala ng e-mail sa inyong lingkod upang magtanong. Para sa kaalaman ng milyon-milyong Filipino lalo na ang mga nangungupahan (rent-er)  at maging nagpapaupa (landlord/lessor) ang RA 9653 ay naisabatas matapos lag-daan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Hulyo 14, 2009. Ang tinutukoy na paupahan ay residential unit tulad ng apartment, bahay at tirahan tulad boarding houses, dormitories, rooms at bed spaces at iba pa lang espasyo na ini-aalok na maging…

Read More