P2.5-M RELIEF GOODS DONASYON NG PRO3 SA MGA PULIS

PRO3

PAMPANGA – Namahagi ng P2.5 milyong halaga ng relief goods ang Police Regional Office 3 (PRO3) sa mga pulis ng mga lalawigan ng Batangas at Cavite na apektado rin ng pag-aalburoto ng Taal Volcano. Pinangunahan ni PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia ang relief operation sa Batangas Police Provincial Office sa Batangas City. Kabilang sa ipinamahagi ang sako-sakong bigas,  toiletries, bottled water at mga delata na umaabot sa P2.5 milyon ang halaga. Sinabi ni Sermonia, ang nasabing donasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Association of Chiefs of Police in the Philippines…

Read More

BOC NAMAHAGI NG BIYAYA

relief goods-7

NAGSANIB puwersa ang dalawang tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa pagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Barangay Maraga-a, Kiblawan, Davao Del Sur bago ang Kapaskuhan. Nangalap ng ‘Noche Buena’ packages ang mga opisyales at tauhan ng Port of Manila at Port of Davao para may magamit sa araw ng Pasko ang biktima ng lindol na pansamantalang tumitigil sa ilang evacuation centers. Nais ng POM at POD na sa pamamagitan ng kanilang tulong ay pansamantalang maibsan ang dinadalang bigat sa dibdib ng mga residenteng nawalan…

Read More

RELIEF GOODS, DONASYON SA KALAMIDAD TATANGGALAN NG TAX

(NI BERNARD TAGUINOD) ILILIBRE na sa buwis ang mga donasyon ng ibang bansa, pera man o relief goods sa mga biktima ng kalamidad sa ilalim ng Department of Disaster Resilience. Ito ay matapos aprubahan ng House committee on ways and means ang mga panukalang batas na ilibre sa buwis ang mga donasyon mula sa ibang bansa at bigyan ng insentibo ang Filipino na tutulong sa mga mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol. Walang tumutol nang isalang sa nasabing komite na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda ang…

Read More

PAGPAPADALA NG RELIEF GOODS DAPAT LIBRE SA FREIGHT SERVICES – LAPID

relief goods-4

(Ni NOEL ABUEL) NAIS na gawing libre ng isang senador ang pagbabayad sa ipinapadalang relief goods at donasyon sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Sa inihaing Senate Bill No. 1151 ni Senador Lito Lapid, nais nitong wala nang babayarang freight services sa pagpapadala ng relief goods at in-kind donations sa mga dumadanas ng under state of calamity. “Layunin nating siguraduhin na mas mapapabilis ang pagpapaabot ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo o naging biktima ng iba pang sakuna tulad ng lindol o landslide. Kadalasan kasi, ang…

Read More

‘TRANSPORTASYON NG RELIEF GOODS, GAWING LIBRE’

(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang panukala na naglalayong gawing libre ang transportasyon ng mga relief goods sa mga lugar na nangangailangan ng tulong sa gitna ng mga kalamidad. Sa Senate Bill 1151, sinabi ni Lapid na halos 20 bagyo ang nananalasa sa Pilipinas taun-taon at sa panahon ng kalamidad marami sa mga mamamayang mula sa hindi tinamaang lugar ay nagpapadala ng tulong sa mga biktima lalo pa’t hindi lahat nang pangangailangan ay natutugunan ng gobyerno. “An example of this is the logistical hurdles in mobilizing relief…

Read More