PRESSCON AT ‘TSISMIS’ INATUPAG (Ni CHRISTIAN DALE) SI Vice President Leni Robredo ang ‘failure’ at hindi ang kampanya laban sa ilegal na droga ng pamahalaan dahil wala umano itong inatupag kung hindi mag-presscon at kausapin ang mga hindi nararapat na tao na maihahalintulad sa tsismis, noong maupo ito bilang interagency committee on anti-illegal drugs (ICAD) co -chair. Banat pa ng Malakanyang, “supot” ang pasabog ni Robredo kahapon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang pag-upo ni Robredo bilang ICAD co -chair ang naging ‘failure’ at hindi ang kampanya ng pamahalan…
Read MoreTag: robredo
SOLON: HVT INFO ‘WAG IPAGKATIWALA KAY LENI
(NI BERNARD TAGUINOD) Nanganganib na mapunta sa ibang kamay ang impormasyon hinggil sa High Value Target (HVTs) sa ilegal na droga kapag ibinigay ito kay Inter-agency committee on illegal drugs (ICAD) co-chairperson Leni Robredo. Ito ang pinangangambahan ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pamamagitan ni House committee on dangerous drugs chair Robert Ace Barbers kaya suportado ng mga ito na huwag i-release ng listahan ng HVTs kay Robredo. “Should the HVT list fall on the wrong hands, it might compromise the investigation done on these people and jeopardize the…
Read More‘WALK THE TALK’
(NI BERNARD TAGUINOD) “IT’S about time for her to walk the talk.” Ito ang tila hamon ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap kay Leni Robredo matapos itong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-agency committee on anti-illegal drugs (IACAD). Ayon kay Yap, dapat tanggapin ni Robredo ang kanyang appointment dahil ito na ang kanyang pagkakataon na makatulong upang sugpuin ang ilegal na droga sa bansa na ginegera ngayon ni Duterte. “Sa panahon ngayon na patuloy na laganap ang droga sa bansa, we need all the help that we…
Read MoreRATING NI CAYETANO MAS MATAAS PA KAY ROBREDO
(Ni BERNARD TAGUINOD) Naungusan pa ni House Speaker Allan Peter Cayetano si Vice President Leni Robredo sa pinakahuling trust at approval rating survey ng Pulse Asia. Ito rin ang unang pagkakataon na nasapawan ng isang House Speaker si Robredo pagdating sa trust at approval rating. Base sa September survey ng Pulse Asia, nakakuha ng 62% ang trust rating ni Cayetano habang 64% naman ang kanyang approval rating na malayong sa nakuhang rating ni Robredo. Nakakuha lang si Robredo ng 50% approval rating nitong Setyembre kung saan bumagsak pa ito ng…
Read MoreEX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING
(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention sa Department of Justice (DOJ) si dating senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes, Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…
Read MoreLOCSIN KAY ROBREDO: BOBA!
(NI ROSE PULGAR) TINAWAG ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na “boba” si Bise Presidente Leni Robrero Lunes ng hapon. Sa kanyang twitter account, nanawagan pa si Locsin para sa may magandang-loob na bigyan si Robredo ng utak. “Will someone please do her the kindness to give her a brain? Here I am trying to do what’s right, which is to restrict diplomatic passports to real existing working diplomats so as not to devalue them abroad—and not pass them out as favors to retirees and friends,” ani ni Locsin.…
Read MorePALASYO TIKOM SA PAG-RESIGN SA LP NI PANGILINAN
(NI BETH JULIAN) ISYU lamang sa pagitan nina Leni Robrero at Senator Kiko Pangilinan ang pagbibitiw nito bilang Liberal Party (LP) president. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo nang usisain kaugnay sa nasabing isyu. “That’s for her and Senator Pangilinan to resolve. Hindi na dapat pang makialam ang Palasyo,” ayon kay Panelo. Nagbitiw sa tungkulin si Pangilinan nitong Martes. matapos ihayag ng Commission on Elections (Comelec) ang petsa na maipoproklama na nito ang 12 nanalong senador at mga party-list organizations. Pero napag-alaman na tinanggihang tanggapin ni Robrero,…
Read More