Limang taon na ang nakararaan nang maaprubahan at maigawad ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang proyekto ukol sa pagtatayo ng karagdagang walong istasyon sa linya ng LRT-1 na tatakbo mula Baclaran patungong Cavite. Ngunit sa kasamaang palad, naantala ang pag-andar ng nasabing proyekto. Inabutan na ito ng pagpapalit ng administrasyon. Panahon pa kasi ng administrasyong Aquino nang makuha ito ng LRMC. Ngayong 2019 ay uumpisahan na ang paggawa nito. Ang karagdagang walong istasyon ay matatagpuan sa Redemptorist, NAIA Avenue, Asia World, Ninoy…
Read MoreTag: Sa Ganang Akin
MATATAAS NA GUSALI SA BANSA HANDA BA SA THE BIG ONE?
Ilang malalakas na paglindol na ang tumama sa ating bansa nitong mga nakaraang linggo. Nariyan ang 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila noong ika-22 ng Abril na nagresulta sa pagguho ng isang supermarket sa Porac, Pampanga at sa pagkasira ng Clark International Airport. Sinundan ito ng 6.5 magnitude na paglindol sa Eastern Samar noong ika-23 ng Abril. Hindi pa riyan nagtapos ang pagyanig dahil hindi nakaligtas ang Mindanao sa 4.7 magnitude na lindol na tumama sa Davao Oriental noong ika-24 ng Abril. Ayon sa mga eksperto, kung…
Read MoreTUNAY NA SUPERHERO SA GITNA NG KALAMIDAD
Mainit na usapin ngayon ang tungkol sa mga superhero dahil sa pelikulang Avengers: Endgame. Napakaraming nag-abang at nagplanong manood ng pelikulang ito kahit na abot ng tatlong oras sa haba dahil ito na raw ang huling bahagi ng series ng pelikula tungkol sa Marvel Superheroes. Ngunit ang tunay na dapat na bida ay ang tunay na mga superhero sa ating bansa na piniling magsilbi sa bayan sa panahon ng kalamidad gaya ng nangyaring malakas na lindol kamakailan. Tinamaan ang Luzon ng magnitude 6.1 na lindol. Nagsipaggalawan ang mga nagtataasang mga…
Read MorePAGNINILAY PARA SA MAS MAUNLAD NA PILIPINAS
Nagdaan ang Mahal na Araw at mahaba rin ang naging bakasyon ng karamihan. Walang pasok mula noong Huwebes Santo kaya’t malamang nakarami ng pahinga ang karamihan. Nawa’y ang oras na ito ay nagamit ng maayos kasama ang pamilya ng bawat isa. Sana’y nagamit din ito ng maayos ng mga namumuno sa ating bansa upang mapag-isipan at mapagnilay-nilayan ang mga maaaring maging solusyon sa napakaraming problemang hinaharap ng ating bansa sa ngayon. Samu’t saring problema sa transportasyon, supply ng kuryente at ng tubig, presyo ng mga bilihin, at kung anu-ano pa…
Read MoreANG PAG-UNLAD NG BAYAN NG ATIMONAN
Itong mga nagdaang araw ay naging mahirap para sa mga consumers ng kuryente. Noong Biyernes ay nagkaroon ng tigtatlong oras na rotating brownouts sa sakop na franchise area ng Meralco. Ayon sa mga ulat maging ang mga probinsiya na sakop naman ng mga electric cooperatives ay dumanas din ng mga power outage. Kailangan na ng Luzon grid ng karagdagang supply. Mismong ang kagawaran ng enerhiya o Department of Energy (DOE) na ang nagpahayag nito. Malaki sana ang maitutulong ng planta ng kuryente na nakatakdang itayo ng Atimonan One Energy (A1E)…
Read MoreMAS PINAUNLAD NA ATIMONAN
Hindi maitatanggi ang kabutihang dulot sa ekonomiya ng isang probinsya o siyudad kapag ang mga industriya nito – agrikultura at industriyal ay parehong namamayagpag. Ito ay isang malinaw na senyales ng pag-angat ng antas ng kabuhayan at ng kaunlaran sa nasabing lugar. Ang mga epekto ng pag-unlad ng iba’t ibang industriya sa isang lugar ay nagkakaroon ng kabit-kabit na positibong epekto sa mga residente nito at sa lokal na ekonomiya. Ang pag-unlad ng agrikultura sa isang probinsya ay nangangahulugan na tataas ang produksyon ng mga produktong pang-agrikultura. Ang mga ito…
Read MorePANAHON NA PARA MAGTIPID NG KURYENTE AT TUBIG
IDINEKLARA ng PAGASA ang opisyal na pagdating ng panahon ng tag-init noong ika-22 ng Marso. Ayon dito, mas maaga ang naging pagdating ng pa¬nahon ng tag-init kumpara noong nakaraang taon. Ang opisyal na pagpapalit ng klima noong nakaraang taon ay inanunsyo noong ika-10 ng Abril. Ito raw ay bunsod ng El Niño na ina¬asahang lalala pa sa mga susunod na buwan. Patuloy ang PAGASA sa paghimok at pagpapaalala sa mga tao ukol sa pagda¬ting at paglala ng El Niño. Sa kasalukuyan, nanatili ang PAGASA sa El Niño Advisory Stage. Ito…
Read MoreANG KASIGURADUHAN NG SAPAT NA SUPPLY NG TUBIG AY KINAKAILANGAN
Ang mga nakaraang linggo ay naging mahirap para sa mga konsyumer sa mga lugar na sakop ng Manila Water. Sa pagdinig na pinangunahan ng House of Representatives, humingi ng dispensa si Manila Water President Ferdinand de la Cruz para sa malaking abalang naidulot nila sa kanilang mga customer. Sa aking personal na pananaw, isang kapuri-puring bagay ang ginawa niya at isa rin itong magandang panimula sa pagbibigay ng solusyon sa krisis ng supply ng tubig. Habang ang mga customer ng Manila Water ay nakakaranas ng matinding kakulangan sa supply ng…
Read MorePINAKAMALAKING KATANUNGAN: KAILAN BABALIK SA NORMAL ANG SUPPLY NG TUBIG?
Napakatindi ng krisis na dinaranas natin sa kasalukuyan. Mawala na ang lahat huwag lang ang tubig. Ang tubig ay buhay. Kailangan natin ng tubig sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kailangan natin ng tubig sa pagpapanatili ng kalinisan sa katawan. Kailangan natin ng tubig sa paglilinis ng kapaligiran. Kailangan natin ng tubig upang manatiling malusog ayon nga sa matatanda. Ang kahalagahan ng tubig ay isang bagay na hindi kailanman nagbago mula noong panahon ng mga ninuno natin magpasa-hanggang ngayon. Kung babalikan ang kasaysayan, kung manonood ng mga documentary ukol dito, makikita na…
Read More