KASO VS FAELDON KINATIGAN NG SENADO

KINATIGAN ng Senado ang rekomendasyon ni Senador Richard J. Gordon na sampahan ng kaso ang ilang opisyales ng Bureau of Corrections (BuCor) at New Bilibid Prison (NBP) kaugnay ng maanomalyang implementasyon ng Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance Law. Kabilang sa mga sinampahan ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act o ng Republic Act No. 3019 si dating BuCor chief Nicanor Faeldon dahil sa hindi pagsunod sa itinatakda ng Department Order No. 953. Gayundin sina Ramoncito “Chito” Roque, hepe ng Documents and…

Read More

MAS MABIGAT NA PARUSA SA GRAB, IGINIIT 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Competition Commission (PCC) na patawan ng mas mabigat na parusa ang ride-hailing giant na Grab Philippines (Grab PH) dahil sa paulit-ulit na paglabag sa competition rules simula noong 2018. Ginawa ni Gatchalian ang panawagan makaraang mabatid na apat na beses nang pinagmulta ng PCC ang Transport Network Company (TNC) dahil sa isyu ng mataas na singil at service quality  sa loob lamang ng mahigit isang taon na para sa senador ay hindi katanggap-tanggap. Sa rekord, simula nang itake-over ng Grab…

Read More

MAS MARAMING BENEPISYO SA OFWs ISUSULONG SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang amiyendahan ang Migrant Workers Act para masiguro na mapapakinabangan ito ng lahat ng overseas Filipino workers (OFWs). Ito ang pahayag ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development kung saan umapela ito sa mga kapwa mambabatas na suportahan ang panukala nito. Sa inihain nitong Senate Bill No. 1233, layon nito na palawigin ang paggamit sa Legal Assistance Fund (LAF) na itinatag ng gobyerno upang matulungan ang sinumang OFW na may kinakaharap na kaso sa bansang pinagtatrabahuhan ng mga ito. “Full protection of…

Read More

SOTTO: CHACHA PAG-UUSAPAN SA SENADO

chacha33

(NI NOEL ABUEL) “WALANG mangyayaring bastusan.” Ito ang siniguro ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isinusulong na Charter Change resolution sa pamamagitan ng Constitutional Assembly ng mga kongresista. Ayon kay Sotto, hindi mapipigilan ng Senado ang mga kongresista sa nais ng mga itong ConAss sa oras na ibigay ito ng Kamara. “Dadalhin nila sa amin eh, di pag-uusapan namin kung ano ‘yung dadalhin nila sa amin, dadalhin namin sa committee, pag-uusapan du’n. Ganu’n lang. Ibig sabihin hindi namin siguro naman babastusin ‘yun or sasabihin ‘pag dinala dito ‘ayaw…

Read More

DAGDAG NGIPIN SA LGUs IBIBIGAY VS KRISIS SA TRAPIKO

traffic

(NI NOEL ABUEL) NAIS bigyan ng dagdag na kapangyarihan ng Senado ang mga local government units (LGUs) upang makatulong sa national government sa paghahanap ng solusyon sa masalimuot na daloy ng trapiko sa bansa. Sa pamamagitan ng panukalang inihain ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino, iminungkahi nito na bumuo ang mga LGU ng kanilang sariling mga sistema ng transportasyon. “Dapat nating tulungan ang mga LGU upang malutas ang mga problema sa loob ng kanilang sariling nasasakupan.” “LGUs do not only possess a mastery of their own mobility demands, but also institutional memory of…

Read More

KONTRATA NG WATER CONCESSIONAIRES, BUBUSISIIN NA

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SISIMULAN na ng Senado ang pagbusisi sa kontrata ng mga water concessionaire sa gobyerno. Aarangkada rin sa pagdinig ang pagbusisi sa panukala sa pagtatayo ng hiwalay na ahensya na mangangasiwa sa mga usapin hinggil sa suplay ng tubig. Sisimulan ng Senate Committee on Public Services, sa pamumuno ni Senador Grace Poe, ang pagdinig bukas, (December 11). Ayon kay Poe, pokus ng kanilang hearing ang pagbuo ng central water agency na nakatutok lamang sa suplay ng tubig, sewerage at sanitation. Katuwang ng Public Services sa hearing ang Senate…

Read More

SENADO KIKILOS VS MANILA WATER, MAYNILAD

MAYNILAD-MANILA WATER CO2

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUPORTADO ng mga senador ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat busisiin ang kontrata ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water Co. Ayon kay Senador Francis Tolentino, may oversight function ang Kongreso dahil sila ang nagbigay ng prangkisa kaya’t may kapangyarihan din silang busisiin ang pagtupad ng mga kumpanya sa kontrata. “As the one who gave the franchise, that’s part of the oversighy of Congress. Probably it will lead to that investigation,” saad ni Tolentino. “The President is always on the side of the…

Read More

BUY AND SELL NG MGA SANGGOL, PINABUBUSISI 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINABUBUSISI ni Senador Leila de Lima sa Senado ang impormasyon hinggil sa malawakang bentahan ng mga bagong panganak na sanggol sa tinatawag na ‘underground black markets’ sa bansa. Sinabi ni de Lima na nakababahala ang mga ganitong ulat dahil inilalagay nito sa panganib ang mga sanggol at posible silang maabuso. Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 224, iginiit ng senador na dapat magsagawa ng imbestigasyon ang kaukulang Senate committee upang matukoy ang tinatawag na underground “babies-for-sale” trade sa online at offline transactions. Inamin ni de Lima na…

Read More

2020 NATIONAL BUDGET, LUSOT NA SA SENADO 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukalang P4.1 trillion 2020 national budget matapos ang dalawang linggong deliberasyon. Sa botong 22-0, inaprubahan na sa 2nd, 3rd and final reading ang panukalang Pambansang Budget kung saan bukod sa nakakulong na si Senador Leila de Lima ay hindi nakadalo sa sesyon si Senador Manny Pacquiao. Sa inaprubahang budget ng Senado, itinaas ang pondo para sa Department of Education partikular para sa scholarhip programs lalo na ang voucher program para sa Private Senior High School. Nagkaisa rin ang mga senador sa pagdaragdag…

Read More