2019 BUDGET GAGAMITIN HANGGANG 2020

(NI DANG SAMSON-GARCIA) LUSOT na sa Senado ang panukala na palawigin ang paggamit ng 2019 national budget hanggang sa pagtatapos ng 2020 makaraang maantala ang approval nito sa loob ng kalahating taon. Sa botong 19-0, inaprubahan ng Senado ang pag-adopt sa House Bill 5437 nang walang anumang pagbabago upang mas maging mabilis ang pag-transmit nito sa Malakanyang. Sa sandaling malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala, mangangahulugan ito na maaari nang hindi muna ibalik sa National Treasury ang nalalabi pang budget upang magamit sa mga proyekto. Ayon kay Senate Committee…

Read More

MAYORYA SA SENADO IDINIIN SI ALBAYALDE SA NINJA COPS

(NI DANG SAMSON-GARCIA) MAYORYA na ng mga senador ang lumagda sa report ng Senate Blue Ribbon at Justice Committees hinggil sa isyu ng ninja cops na may kinalaman sa anti-drug operation ng mga awtoridad sa Pampanga noong November 2013. Ayon kay Senador Richard Gordon, 14 sa 17 miyembro ng komite ang lumagda sa report. “Right now, there are 14 of the 17 members of the blue ribbon committee who have signed. Si (Senator Lito) Lapid hindi pumirma, si (Senator (Leila) de Lima hindi pumirma, si (Senator Francis) Pangilinan pipirma pero…

Read More

ASIN TAX NG DOH TINUTULAN SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) TUTOL ang ilang senador sa balak ng Department of Health (DOH) na patawan ng buwis ang mga produktong ginagamitan ng asin. Para kay Senate President Vicente Sotto, lumilitaw na lumalagpas na ang DOH sa kanilang mandato. “I think they are now going overboard. Bakit pati pagkain namin gustong pakialaman ng DOH?” saad ni Sotto. Pinayuhan naman ni Senador Panfilo Lacson ang DOH na huwag ituloy ang kanilang plano at mag-isip na lamang ng ibang paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng mga maaalat na pagkain. “DOH should not…

Read More

MAYNILAD, MANILA WATER MANANAGOT SA SENADO

maynilad1

(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng ilang senador na mananagot ang Manila Water at Maynilad Water Services at hahalukayin ang kontrata at accomplishment record ng mga ito kung nanamantala sa taumbayan. Ito ang sinabi ni Senador  Imee Marcos kung saan isinusulong nito  ang imbestigasyon laban sa dalawang water concessionaires. Sa inihain nitong Senate Resolution 259, sinabi ni Marcos na kailangan busisiin ng Senado ang mga orihinal at pinalawig na concession agreement ng dalawang water companies upang malaman kung paano nalagay sa alanganin ang gobyerno at kung bakit hindi nila naisagawa ang kanilang…

Read More

3 BUCOR OFFICIALS NA NA-CONTEMPT, PINALAYA NA 

(NI DANG SAMSON-GARCIA) PINALAYA na ng Senado ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na pinatawan nila ng contempt dahil sa hindi pakikipagtulungan sa imbestigasyon hinggil sa sinasabing iregularidad sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Matapos magkasundo ang mga miyembro ng Committee, pinakawalan na rin sina Bucor legal chief Frederic Anthony Santos, BuCor records division head Ramoncito Roque at Ursicio Cenas, medical officer ng New Bilibid Prison (NBP) hospital. Kinumpirma rin ni Senador Richard Gordon na isa sa tatlo ang nagbigay ng sulat kay Senate President…

Read More

GCTA LAW HIHIMAYIN SA SENADO

bucor55

(NI NOEL ABUEL) DAHIL sa kontrobersyal sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law o ang Republic Act 10592 ay kumilos na ang mga senador para muling himayin ang nasabing batas. Nagkakaisa sina Senate President Vicente Sotto III, Senador Panfilo Lacson at Senador Richard Gordon na muling isailalim sa pag-amiyenda ang Articles 29, 94, 97, 98 at 99 sa Revised Penal Code na nakapaloob sa RA 10592. Sa inihain ng mga itong Senate Bill No. 993 nais ng mga senador na linawin ang GCTA law partikular ang pagbabawas sa…

Read More

PAROLE KAY SANCHEZ IPABUBUSISI SA SENADO 

bucor55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magpaliwanag ang Board of Pardons and Parole sa kanilang computation sa sentensya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez na sangkot sa kasong panggagahasa at pagpatay. Sinabi ni Drilon na maghahain siya ng resolusyon upang busisiin ang komputasyon ng BPP at ang tunay na dahilan ng rekomendasyon na mapalaya ang dating alkalde. “Ako po ang Secretary of Justice na nagpa-convict kay Mayor Sanchez – 7 lives term po iyan. Ang sentensya niyan ay 40 years. Nagulat po ako noong sinabi…

Read More

DAGDAG SA PONDO NG MMDA SUPORTADO SA SENADO

recto33

(NI NOEL ABUEL) DAPAT na iprayoridad ng pamahalaan ang pagkakaloob ng dagdag na tauhan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para mabantayan ang lahat ng kalsada sa Metro Manila. Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, suportado nito ang panawagan ng MMDA na dagdag na pondo para sa karagdagang bilang ng mga traffic personnel na magmamando sa lahat ng oras. Una nito, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago  na sa kasalukuyan ay nasa 2,000 traffic personnel lamang ang nasa payroll nito kung saan kulang ang ahensya ng 5,000 para mabuo…

Read More

DISTRIBUTORS NG ‘ALCOPOPS’  IPATATAWAG SA SENADO

alcopo

(NI NOEL ABUEL) NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senador Pia S. Cayetano sa ibinebentang flavored alcoholic drinks na tinatawag na “alcopops” na maaaring mabili ng mga kabataan. Ayon sa senador, pagpapaliwanagin nito ang distributors at sellers ng nasabing flavored alcoholic dahil sa unethical at illegal marketing schemes na ginagamit nito para maengganyo ang mga kabataang bumili ng kanilang produkto. “I was very bothered when I found out about it. It’s packaged in a very colorful packaging that is very attractive to kids,” ani Cayetano. Sa ginanap na pagdinig ng Senate Ways…

Read More