SA kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan ang mga pagbabago sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa limang ahensiya ng gobyerno. Ayon sa Pangulo, ang Land Transportation Office (LTO) , Social Security System (SSS), Land Registration Authority (LRA), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Home Development Mutual Fund (Pagibig), ay kabilang sa mga ahensiyang nakatatanggap ng napakaraming reklamo sa publiko. Binalaan din ng Pangulo ang mga opisyal ng ahensiya na ayusin ang kanilang serbisyo o maharap sa hindi kanais-nais dahil…
Read MoreTag: sona
TATAPUSIN KO ANG TERMINO KO NA LUMALABAN – DU30
NANGAKO si Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin niya ang kanyang termino na lumalaban sa illegal drugs sa harap ng kritisismong natatanggap sa buong mundo, sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA). “Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang manumpa ako sa tungkulin at nakalulungkot na masabing hindi na tayo natuto. Nagpapatuloy ang problema sa droga at korapsiyon,” sabi ng Pangulo sa ginanap na joint session ng Kongreso. Ipinagmalaki din ng Pangulo ang bilyun-bilyong halaga ng cocaine gayundin ang pagbuwag sa malalaking sindikato ng droga, kasama ang mga…
Read MoreSONA: MGA PLANO, PANGAKO AT KONTROBERSYA
SAAN DADALHIN NI PDU30 ANG PILIPINAS? (Ni BERNARD TAGUINOD) Ngayong hapon, Lunes, Hulyo 22, ay muling haharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino para sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) simula nang mahalal itong pangulo ng bansa noong 2016. Tulad ng aasahan, iuulat ni PDu30 ang kalagayan o estado ng bansa at ang mga susunod nitong mga plano sa kanyang ikaapat na taong pamamahala sa gobyerno at inaabangan ito ng mamamayan dahil dito nila ibinabase kung ano ang magiging kalagayan nila sa kasalukuyang administrasyon. Pero…
Read MoreLAGAY NG MAGSASAKA HINIHINTAY SA SONA
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY RAFAEL TABOY) HINDI lang ang mga magsasaka ang lugi sa Rice Tariffication Law kundi ang mga consumers dahil ang pangakong bababa ng P7 ang bawat kilo ng bigas lalo na ang commercial rice ay hindi natupad. Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kaya nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag kaligtaan ang mga magsasaka sa kanyang State of the Nation Address (SONA), bukas ng hapon. Ayon kay Casilao, bagama’t bumaha na ng imported ng bigas sa bansa dahil sa Republic Act (RA) 11203, P1…
Read MoreNCRPO HANDANG-HANDA NA SA SONA BUKAS
(NI NICK ECHEVARRIA) HANDA na ang lahat ng seguridad na inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Lunes (July 22). Ayon kay NCRPO director P/MGen. Guillermo Eleazar, nasa full alert status ang buong kapulisan kung saan 14,000 mga police personnel ang naatasang magbigay ng seguridad sa 2019 SONA ng Pangulo, 9,162 dito ang itatalaga sa Quezon City na mangangalaga sa paligid ng Batasang Pambansa. Kasalukuyang nasa pre-deployment position na ang kanilang mga operatiba at…
Read More4th SONA NI DU30 TUTUMBOK SA HULING 3 TAON NG TERMINO
(NI BETH JULIAN) TUTUMBUKIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang mga plano nito para sa bansa at sa mamamayang Filipino sa huling tatlong taon niyang termino. Kaya paalala ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa Sambayanan na pakinggan ang SONA ng Pangulo ngayong Lunes dahil napakahalaga ito. “It is very important for every Filipino not only the 85% of the Filipinos who trusts the President; not only the 80% who are satisfied with the performance of the President, but…
Read MoreALITAN SA 1ST FAMILY ITINANGGI NG PALASYO
(NI BETH JULIAN) PINABULAANAN ng Malacanang na may namumuong alitan sa First Family kasunod ng mga ulat na tiyak na iisnabin ng ilang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang SONA sa Lunes. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nag abiso na si Davao City Vice Mayor Baste Duterte na hindi makadadalo sa SONA dahil abala ito sa mga usapin ng lungsod lalo na’t naka medical leave si Davao City Mayor Sara Duterte Carpio. Gayunman, hindi naman masabi ni Andanar kung dadalo o hindi si Congressman…
Read MoreNO FLY ZONE SA SONA
(NI DAVE MEDINA) DEKLARADONG no fly zone ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang ibabaw at paligid ng House of Representatives (HREP) sa Batasan Complex at mga kalapit na lugar upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa pagbubukas ng 18th Congress at ang 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa mga araw ng July 20 hanggang 23, 2019. Mula alas- 9:00 ng umaga ng July 20 hanggang alas-11:00 ng umaga ng July 21, ang mga drones at ibang uri ng aircraft ay limitado ang…
Read MoreUSAPING SIKMURA GUSTONG MARINIG NG PINOY SA SONA
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG mayroong gustong marinig ng mga Filipino sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 22, ito ay ang mga usaping may kinalaman sa sikmura. Dahil dito, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na ito ang dapat tutukan ni Duterte sa kanyang SONA at pakinggan ang hinaing ng taumbayan na tatlong taon nang naghihintay na tuparin ng Pangulo ang kanyang pangako. “Muli, malinaw na ang mga isyung malapit sa sikmura ang gustong marinig at masolusyunan ng mamamayan…
Read More