(NI MARC CABREROS) BAGAMA’T may ilang gusot, tinayang maayos at mapayapa, sa kabuuan, ang pagbabalik-eskwela para sa Academic Year 2019-2020. Sa ulat na natanggap ng Oplan Balik Eskwela Command Center sa Bulwagan ng Karunungan sa Central Office ng Department of Education (DepEd) sa Pasig City, may ilang problema ang sumalubong sa dagsang estudyanteng pumasok. Kabilang sa problema ang pagsiksikan ng mga estudyante sa mga silid-aralan bunsod nang mataas na enrolment sa ilang paaralan. Bilang solusyon ay hinati ang shift ng klase: 6 a.m. hanggang 12:20 noon at 1 p.m. hanggang…
Read MoreTag: teachers
APELA NG MGA GURO: ‘WAG NAMAN KAMING KALIMUTAN
(NI KEVIN COLLANTES) UMAPELA sa pamahalaan ang isang grupo ng mga guro na huwag silang kalimutan sa isinasagawang paghahanda para sa nalalapit na pasukan sa Lunes, Hunyo 3. Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Chairperson Benjo Basas, mahalaga ang paghahanda sa mga silid-aralan at iba pang pasilidad sa eskwelahan, subalit kinakailangang alalahanin na isa rin sa pinakamahalagang dapat ihanda at suportahan ay ang mga guro na nagtuturo sa mga bata. Sinabi ni Basas na karapatan ng mga guro na makakuha ng maayos na benepisyo at sapat na sweldo dahil sa hirap ng kanilang…
Read MoreDAGDAG KOMPENSASYON HIRIT NG MGA GURO SA COMELEC
(NI HARVEY PEREZ) NANAWAGAN sa Commission on Elections (Comelec), ang grupo ng mga titser na bigyan sila ng dagdag na kompensasyon at overtime rates para sa karagdagang oras na iniukol nila sa pagseserbisyo sa May 13 midterm elections. Ito ay base sa liham na ipinadala nitong Biyernes ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines (ACT) na naka-address kay Comelec chair Sheriff Abas at pirmado ng Secretary General nito na si Raymond Basilio. Iginiit ng grupo na dapat lamang na mabigyan ng karagdagang kompensasyon ang libu-libong guro, na gumanap bilang board of election…
Read More10-K GURO 60-ORAS NANG NAGTATRABAHO SA BOTOHAN
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY ED CASTRO)) OVERTIME na sa kanilang tungkulin bilang Board of Election Inspectors (BEIs) ang may 10,000 public school teachers dahil sa mga technical error at mga problemadong SD o secure digital cards. Ito ang inireklamo ng ACT Teachers party-list group dahil umaabot sa 60-oras na nagtatrabaho umano ang mga BEIs simula noong Lunes, Mayo 13, dahil sa mga nabanggit na aberya. Sinabi ng grupo na sa kabuuan, umaabot sa 3, 253 Vote-Counting Machines (VCMs) ang hindi nakapag-transmit pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles kaya umaabot sa…
Read MoreMGA GURO READY NA SA 2019 POLLS –DepEd
(NI FRANCIS SORIANO) AABUTIN sa 531,307 officials, teachers at personnel ng Department of Education (DepEd) ang ipakakalat upang makikibahagi sa midterm elections sa Mayo13, Lunes. Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, 257,304 sa nasabing bilang ay pawang mga guro na mapapasama sa electoral board. Ang mga ito ay makatatanggap ng honoraria mula P2,000 hanggang P6,000 depende sa kanilang magiging posisyon sa electoral board. Bukod dito, magkakaroon din sila ng P1,000 travel allowance bawat isa. 297
Read MoreP30K NA SAHOD SA TEACHERS, NURSES IGINIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) HABANG palapit ang Labor Day o Araw ng Pagggawa, nangungulit ang isang grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang sahod ng mga professionals tulad ng mga guro at nurses na nagtatrabaho sa mga pampublikong pagamutan. Tila naniningil ang Alliance of Concerned Teachers na kinakatawan nina Reps. Antonio Tinio at France Castro kay Duterte na tuparin na nito ang kanyang campaign promise noong 2016 na itaas ang sahod ng mga public school teachers. Ayon sa grupo, hindi makatuwiran umano ang P20,179 na entry-level salary…
Read MoreRETIREMENT AGE NG PUBLIC SCHOOL TEACHERS NAIS IBABA SA 55
(NI NOEL ABUEL) HINDI matutumbasan ng kahit sinuman ang ginugugol na mahabang oras ng mga public school teachers para mabigyan ng magandang edukasyon at pamumuhay ang mga estudyanteng tinuturuan ng mga ito. Ito ang paliwanag ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara kung kaya’t isinusulong nito na panukalang batas para mabawasan ang retirement age ng mga guro mula sa kasalukuyang 60-anyos ay gawing 55-anyos na lamang. Ayon pa sa senador, hindi biro ang mahabang taong pagtuturo ng mga guro kung kaya’t kung gagawing 55-anyos ang retirement age ng mga ito ay…
Read MoreUMENTO SA MGA GURO: TIIS-TIIS MUNA – DU30
(NI BETH JULIAN) TIIS-TIIS muna. Ito ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pampublikong guro na pinangakuan nito ng dagdag sahod pero hindi pa maisakatuparan. Paliwanag ng Pangulo sa mga guro, hindi pa sila makatatanggap ng dagdag sahod dahil wala pang nakalaan na budget para rito. Pero palubag loob ng Pangulo, tiniyak nito sa mga guro na sakaling magkakaroon na ng pondo ay tinitiyak nitong kung dinoble ang sahod ng mga pulis ay ganoon din ang kanyang gagawin sa sahod ng mga pampublikong guro. “Alam ko ang hirap ng…
Read MoreGURO, ESTUDYANTE PINAGBABAYAD NG P4K SA DEPED CONFAB
KINUWESTIYON ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang paniningil ng Department of Education (DepEd) ng P4,000 bawat participant sa inorganisang kumperensya sa Pangasinan sa susunod na taon. Ayon kay 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., magkakaroon ang DepEd ng National School Press Conference sa Lingayen, Pangasinan sa Pebrero 1, 2019. Gayunpaman, sa memoradum ng DepEd na inilabas noong Disyembre 27, sinisingil ng lahat ng mga participant na kinabibilangan ng mga guro at estudyante ng tig-P4,000. Gagamitin umano ang nasabing halaga sa board and lodging ng mga participants,…
Read More