(NI DANG SAMSON-GARCIA) ISINUSULONG ni Senador Nancy Binay ang panukala para sa pagtatalaga ng tourism officer sa bawat major tourist destinations sa bansa. Sa kanyang Senate Bill No. 1124, iginiit ni Binay ang pag-amyenda sa Sections 443, 454 at 463 ng Local Government Code of 1991. Ipinaliwanag ng senador na makatutulong sa pagpapalakas ng turismo ang pagtatalaga ng tourism officer sa major destinations at darami ang tourism-related investments. Binigyang-diin ng mambabatas na hindi nakapaloob sa Republic Act 7160 o “Local Government Code of 1991” na gawing permanent position ang tourism…
Read More