UTOS NG QC COURT TRILLANES, 9 PA ARESTUHIN

INIUTOS na ng Quezon City Metropolitan Trial Court (MeTC) ang pagdakip kay dating senator Antonio Trillanes IV at ang mga kapwa nito akusado sa kasong conspiracy to commit sedition kaugnay ng viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagsasangkot sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng ilegal na droga. Bukod kay Trillanes, may ipinalabas na ring warrant of arrest si QCMeTC Branch 138 Judge Kristine Grace Suarez laban kina Peter Joemel “Bikoy” Advincula, Fr. Flaviano Villanueva, Fr. Albert Alejo, Boom Enriquez, Yoly Ong-Villanueva, Jonnell Sanggalang, JM Saracho, Eduardo…

Read More

EX-SENATOR TRILLANES KINASUHAN NG KIDNAPPING

trillanes

(NI HARVEY PEREZ) SINAMPAHAN ng kasong kidnapping with serious illegal detention  sa Department of Justice (DOJ)  si dating  senator Antonio Trillanes IV, kasama ang tatlo pang indibidwal . Nabatid na ang  reklamo ay isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kay Trillanes,  Fr. Albert Alejo, Atty. Jude Sabio, at isang ‘Sister Ling’, ng Convent of Cannussian Sisters, sa Makati City, at ilang iba pa matapos ireklamo ng isang  Guillermina Lalic Barrido. Walang piyansa sa naturang kaso. Sa affidavit ni  Barrido, sinabi nito na nakatanggap siya ng plane ticket mula kay Alejo…

Read More

TRILLANES ‘NO SHOW’ SA PAGDINIG NG REBELLION CASE

trillanes

(NI LYSSA VILLAROMAN) MULING ipinagpatuloy ang pagdinig ng Makati City Regional Trial Court (RTC) sa kasong rebelyon laban kay Senador Antonio Trillanes IV, Lunes ng hapon. Nagsimula ang pagdinig dakong alas-2:00 ng hapon sa sala ni Makati RTC Judge Elmo Alameda ng Branch 150  subalit “no show” o hindi nakadalo si Trillanes kung saan ni-waive ng senador ang appearance nito. Ang isinagawang pagdinig ay ang rebellion case kaugnay sa 2007 Manila Peninsula siege kung saan na-dismiss na ito noong 2011, matapos siyang bigyan ng amnestiya ni dating pangulong Benigno ‘Noynoy’…

Read More

PAGTATAGPO NI PULONG, TRILLANES SA KAMARA POSIBLE 

dutri12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa nakatakda ang pagtatagpo nina Davao City Ist District Congressman-elect Paulo ‘Pulong’ Duterte at Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV subalit darating din umano ang panahong ito. Isa sa mga inaabangan ay kung magiging kinatawan ng Magdalo party-list group si Trillanes lalo na’t tapos na ang termino nito bilang senador sa tanghali ng Hunyo 30, 2019. Gayunpaman, wala ang pangalan ni Trillanes sa 5 nominees ng Magdalo party-list dahil tanging sin Manuel G. Cabochan, Eugene Louie P. Gonzalez, Elmer D. Cruz, Ian Lus D. Badecao III at Jeveehboy…

Read More

DND: OPLAN SODOMA VS DUTERTE HUWAG AGAD PANIWALAAN

lorenzana12

(NI JESSE KABEL) INIHAYAG ng Department of National Defense na huwag basta-basta maniniwala sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’, dahil sa sirang kredibilidad nito. Ayon kay Defense Secretary Delfin     Lorenzana, hayaan siyang patunayan ang kanyang mga sinasabi higit ang ibinunyag na Oplan Sodoma kung saan binabalak patalsikin sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte at iluklok si Leni Robredo. Sa press conference ng PNP nitong Huwebes, sinabi ‘Bikoy’ na gusto ni Trillanes umupo bilang Presidente si Robredo bago dumating ang Hunyo 30 para italaga siya na bise-presidente.…

Read More

PASABOG NI ‘BIKOY’ ‘DI BIBILHIN NI LACSON

SINABI ni Senador Panfilo Lacson nitong Huwebes na hindi niya paniniwalaan ang ibinunyag ni Peter Joemel Advincula  kung saan inaakusahan niya ang Liberal Party at si Senador Antonio Trillanes na nasa likod ng “Totoong Narco-list” videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, dating hepe ng Philippine National Police na kailangang magpakita pa ng mas matitinding ebidensiya si Advincula at hindi basta kwento lang. “He suffers from a serious credibility problem that he must overcome if he wants to be believed this time. He can only do…

Read More

NAGKA-ONSEHAN; BIKOY UMAMIN: NARCO VID PAKANA NI TRILLANES, LP

bikoy19

IBINUNYAG ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking nagpakilalang si ‘Bikoy’, na ang narcolist videos ay plinano at ginawa ng Liberal Party at ni Senator Antonio Trillanes IV. “Ito ay pawang orchestrated lamang ng Liberal Party under the handling of Senator Antonio Trillanes IV,” ayon kay Advincula sa isang press briefing, Huwebes ng umaga sa Camp Crame. Sumuko si Advincula Miyerkoles ng gabi sa Northern Police District. Inamin ni Advincula na ang mga tao sa likod ng video ay nangako sa kanya ng P500,000 kapalit ng pagpayag na mailabas siya sa…

Read More

MOSYON NI TRILLANES TINANGGIHAN NG KORTE

trillanes200

TINANGGIHAN ng Pasay City judge ang petition to quash sa inciting to sedition case ni Senador Antonio Trillanes dahil sa kawalan ng merito. Kinasuhan si Trillanes noong Marso 2018 ng inciting to sedition na nag-ugat sa privilege speech na nananawagan sa military na magkaisa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte. Una na ring kinontra ni Trillanes na ang pagkumbinsi sa mga tao na pumirma sa petisyon para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte ay hindi maituturing na krimen higit ang sedisyon. Itinanggi naman ito ni Pasay City Metropolitan Trial Court Branch…

Read More

WALANG PATAWAD: LIBEL CASE NI PULONG, CARPIO VS TRILLANES TULOY

pulong

TULOY ang kasong libel ni dating Davao City vice mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte at ng kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio laban kay Senador Antonio Trillanes IV. Ito ay matapos na hindi pumayag ang kampo ni Duterte sa mediation na naganap noong Marso 22 base sa kautusan ni Davao City Regional Trial Court Branch 54 Presiding Judge Melinda Alconcel- Dayanghirang. Ayon kay Rainier Madrid, legal counsel ng kampo ng presidential son at son-in-law, pursigido ang kanyang kliyente na iakyat sa korte ang naturang kaso. Nitong nakaraang Enero 15, nagpasok…

Read More