(NI ABBY MENDOZA) SA loob ng susunod na tatlong taon ay magpapatupad ng kabuuang 15% salary increase ang Duterte administration sa mga government employees kabilang dito ang mga nurses at teachers at sa kabuuan ay P110 bilyon ang gugugulin para dito. Ayon kay House Committee on Ways and Means Chair Joey Salceda, ang salary hike ay nakapaloob sa Salary Standardization Law 5(SSL5) at hindi na kailangan ng bagong pagkukunan ng buwis para ipatupad ito. Dahil nakapaloob na sa 2020 budget ang unang tranche ng wage increase ay kailangan na lamang…
Read MoreTag: umento
15% UMENTO NG MGA GOV’T WORKERS ILALARGA SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) ILALARGA na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagtataas ng sahod ng mga government workers ng hanggang 15% sa loob ng 3 taon. Ito ang nabatid kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda gagastuhan ng P110 Billion ang dagdag na sahod sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 5. Gagamitin aniya ng kanyang komite ang isang pag-aaral ang ipinagawa ng Governance Commission for GOCC at Department of Budget and Management (DBM) kung saan inirekomenda ang pagtataas ng 15% na umento sa…
Read MoreUMENTO SA LOOB NG 3 TAON SA GOV’T WORKERS
(NI BETH JULIAN) GOOD news sa government employees. Hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay makatatanggap ang mga kawani ng pamahalaan ng taunang umento sa sahod. Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) acting Budget Secretary Wendel Avisado na sa bisa ng panukalang Salary Standardization Law (SSL), makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat ng civilian government workers sa bansa. Nakasaad na simula sa taong 2020 ay mabibigyan ng dagdag-sahod sa loob ng tatlong taon ang mga kawani ng gobyerno saan ang inilaang pondo rito ay aabot…
Read MoreP61/DAY UMENTO SA GOV’T WORKERS, MALIIT
(NI BERNARD TAGUINOD) TULAD ng inaasahan, barya lang ang ibibigay na umento sa may 1.2 million sibilyang empleyado ng gobyerno sa susunod na taon dahil aabot lamang ito sa P61 kada araw. Ito ang pagtataya ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list na kinakatawan ni Rep. France Castro sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil P31 Billion lamang ang inilaan para sa salary increase ng mga empleyado ng gobyerno. Isa ang nasabing halaga sa nilalaman ng 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion para gamitin sa pagtaas ng sahod ng…
Read MoreBENEPISYO NG 4Ps TATAASAN SA 2020
(NI BERNARD TAGUINOD) UUMENTUHAN ng national government ang tinatanggap na benepisyo ng mga beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o mas kilala sa 4Ps sa susunod na taon. Ito ang isa sa mga nilalaman ng 2020 national budget sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion, mas mataas kumpara sa P3.662 Trillion ngayong 2019. Base sa mga dokumento na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa mga lider ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano nitong Martes, nabatid na P108.8 Billion ang inilaang pondo para…
Read MoreGOV’T EMPLOYEES ASAM DIN SA DAGDAG-SAHOD
(NI BERNARD TAGUINOD) BUKOD sa mga public school teachers, umaasa rin ng dagdag na sahod ang mga ordinaryong government employees sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang pahayag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite kaya nag-aabang umano ang mga ordinaryong empleyado ng gobyerno kung iaanunsyo ni Duterte na kasama ang mga ito sa tataasan ng sahod. Ayon kay Gaite, ang isang empleyado ng gobyerno na may pinakamababang posisyon ay Salary Grade 1 lamang ang katumbas ng kanilang sahod o P10,640 kada buwan. Hindi…
Read MoreUMENTO SA GOV’T EMPLOYEES IKAKASA
(NI NOEL ABUEL) “DAGDAGAN natin ang suweldo ng mga ordinaryong kawani ng gobyerno, kasama na diyan ang mga guro at nurses. Dapat holistic ang approach natin upang lahat ng mga kawani sa gobyerno ay makapaglingkod ng maayos at magampanan ang kanilang tungkulin sa bayan.” Ito ang pahayag ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na nagsabing ito ang nagtulak dito para ihain ang Senate Bill 200 o An Act Modifying the Salary Schedule for Civilian Government Personnel, na naglalayong bigyan ng dagdag sahod ang mga civilian government personnel kabilang ang mga…
Read MoreSAHOD NG GURO ITATAPAT SA ASEAN NEIGHBORS
(NI NOEL ABUEL) NAPAPANAHON nang itaas ang suweldo ng mga guro sa bansa na dapat ipantay sa sinusuweldo ng mga guro mula sa mga bansa sa Association of South East Asian Nations (ASEAN). Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasabing ipaprayoridad nito ang panukalang naglalayong dagdagan ang sahod ng mga public school teachers sa elementary at secondary schools na may ranggong Teacher I, Teacher II, at Teacher III. Sa ilalim ng Senate Bill No. 178, mula sa Teacher I, Teacher II at Teacher III na public school teachers…
Read MoreUMENTO SA MGA GURO ISUSULONG
(NI CHERK BALAGTAS) ISINULONG ni Navotas lone district Representative John Reynald Tiangco ang pagtaas ng minimum salary at pagbibigay ng karagdagang incentives sa mga teaching at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralan. Sa House Bill 877, pinatataasan ni Tiangco sa salary grade (SG) 15 o P30,531 ang sweldo ng entry level licensed teacher at SG 10 o P19,233 sa non-teaching personnel. Iminungkahi rin ng bagitong mambabatas na kapwa sila bigyan ng buwanang P5,000 augmentation pay, taunang P10,000 medical allowance, at libreng tuition at registration fees sa kaugnay na graduate courses…
Read More