TANGKANG PAGPAPABAGSAK KAY BBM BAGO JUNE 30, SUMABLAY

ILANG araw na lamang bago matapos ang termino ni ­Pangulong Rodrigo Duterte at pagpasok ng pamahalaan ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay sinalubong na ito ng black propaganda at tila tinangka nang idiskarel ang bagong gobyerno matapos muling akusahan ng duwag at nagtatagong si dating PCGG chief at COMELEC Chairman Andy Bautista ang pamilya Marcos kaugnay sa larawan ng pagbisita ni BBM sa kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos sa kanyang tahanan sa Makati City kung saan ay makikita ang umano’y nawawalang Picasso painting.

Ang maling impormasyon na ito ay tila ginagaya ng mahigpit na kalaban ni BBM sa pulitika, ang ginamit na teknik noon ni Cory Aquino na paninira kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. upang makakuha ng simpatya sa taumbayan, na magalit ang sambayanan upang magkaroon muli ng rebolusyon na kagagawan ng mga taong mapanlinlang sa kasaysayan na nagtatago sa anino ng komunistang grupo at oligarch na nais muling hawakan ang ekonomiya ng bansa para sa kanilang pansariling interes.

Hindi mawawala sa natalo na sabihing sila ay nadaya pero sa naging boses ng sambayanan ay nakakuha ng higit 31 milyong boto si BBM.

Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., higit sa 20 libong pagtatangka umano ng hackers ang kanilang naharang na nais sanang dayain ang boto kay BBM ngunit hindi ito umubra dahil sa pagtutulungan ng AFP, PNP at DICT.

Isang kalmadong sagot at hamon mula kay Atty. Vic ­Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni BBM kaugnay sa mga akusasyon at alegasyon ni Bautista sa mga Marcos, na umuwi ito sa bansa upang dito patunayan ang kanyang mga paninira at harapin ang kanyang kinakaharap na mga kaso at wala dapat ikatakot kung wala itong itinatago.

Matatandaang nagkaroon umano ng dayaan sa pagpapatakbo noong 2016 ng COMELEC sa ilalim ni Bautista na nauna ng isiniwalat ni Atty. Glenn Chong na 3:26 ng umaga noong May 10, 2016 ay biglang si Robredo na ang lumamang at nawala ang 943,45 votes na lamang ni BBM sa vice presidential race.

Dahil sa hindi maipaliwanag na tagong yaman ni Andy Bautista ay napatalsik ito bilang chairman ng COMELEC at naglabas ang Senado ng arrest warrant dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig na sinuportahan pa ng kanyang dating asawang si Patricia Bautista na naglabas ng ebidensya sa pagkakaroon nito ng 32 passbooks sa Luzon Development Bank at umabot umano sa P300M ang yaman nito mula nang magsilbi ito sa PCGG at Comelec. Kasama umano sa naging kasabwat ni Bautista ang 20 lawyers ng Divina law Office dahil sa pagbibigay ng referral fees kay Bautista at ang isa sa kliyente nito ay ang Smartmatic.

(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

137

Related posts

Leave a Comment