TAX CUT SA FRONTLINERS APRUB SA KAMARA

BILANG pagpupugay sa kanilang kabayanihan ngayong panahon ng pandemya, inaprubahan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na bawasan ang binabayarang buwis ng medical frontliners.

Walang tumutol nang isalang sa botohan sa virtual hearing ng House Committee on Ways and Means, ang House Bill (HB) 7351 na inakda ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma.

Base sa nasabing panukala, babawasan ng 25% ang personal income tax (PIT) ng medical frontliners, kasama ang mga allowance na natatanggap ng mga ito sa pagganap sa kanilang tungkulin ngayong panahon ng pandemya.

“This bill is a simple way for the government to express its gratitude and appreciation of the courage and dedication being shown by all our country’s frontliners in the face of this pandemic posed by the corona virus disease,” ani Cuaresma sa kanyang panukala.

Kasama sa ililibre sa buwis ang allowance at kompensasyon na ibinibigay sa medical frontliners.

“The 25% discount will likely cover the taxes they would have owed on their COVID-19 allowances. That was the state’s attempt to compensate them for their service. Let me be clear: I do not want the government to tax their heroism,” ayon sa chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda matapos aprubahan ang nasabing panukala.

Gayunpaman, nilinaw sa komite na hindi kasama sa babawasan ng buwis ang kita ng mga doctor sa kanilang mga negosyo at iba pa na walang kinalaman sa pagiging frontliners ng mga ito.

Hindi lamang ang medical practitioners sa gobyerno ang makikinabang dito kundi ang mga nasa pribadong sektor na kasama sa frontliners sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Nabatid sa nasabing komite na umaabot sa P9 bilyon ang mawawalang buwis sa gobyerno mula sa pagbabawas sa buwis na binabayaran ng medical practioners na nasa frontline sa panahon ng pandemya ngunit maliit na bagay lamang umano sa kanilang ipinakitang kabayanihan, (BERNARD TAGUINOD)

153

Related posts

Leave a Comment